Chapter 8 : TASK

6 0 0
                                    

"What's the info?" Tanong ng isang babae


"Princess, tiningnan na po namin ang cctv's within the school's vicinity. Ngunit alin man sa mga operational cctv's ay hindi siya nahagip. Pasensya na po." Tugon ng tauhan


"Operational cctv's? You mean to say, mayroong mga cctv's na hindi operational?"


"Yes, princess."


"Mautak talaga. Lalo mo kong ginagawang interasado. Ano ba talagang ginawa mo that time?" Bulong ng babae sa sarili nya ngunit narinig din ito ng mga tauhan nya lalo na ng kaniyang kanang kamay na naglahad sa kanya ng mga impormasyon kani-kanina lamang.


"Ipagpatuloy nyo lang ang pag mamanman. One thing's for sure, that there's a hidden information that they continuously want to hide from me. But no matter what it takes, we'll dig deeper for us to get that." Utos ng babae.

"Yes, princess. Gagawin namin ng team ko ang lahat para makakalap pa ng mas maraming impormasyon." Tugon ng ikalawang tauhan


"Do it, ASAP." Pahabol ng babae


Naglakad na palabas ang babae mula sa lugar na pinuntahan nya upang katagpuin ang mga tauhan nya. Dahil kailangan na nyang bumalik. Kapag nagtagal pa sya'y baka may makapansin na sa pagkawala nya. Wala syang ibang gustong gawin kundi ang alamin ang katotohanan. Dahil kung sino nga ba ang nagsasabi ng katotohanan sa kanya o ang mga nagsisinungaling sa simula pa lamang ay hindi na nya mawari.


"Huwag mo syang tingnan. Dahil isang senyales ng hindi pagrespeto sa mga prinsesa at prinsipe ang pag-aangat ng tingin ng kung sino papunta sa kanila habang sila'y naglalakad sa harap mo." Bulong ng isang matagal nang tauhan ng prinsesa sa tauhang baguhan pa lamang.



"H-ha? S-sge. P-pasensya na, hindi ko alam." Tugon ng baguhang tauhan

Yumuko agad ang baguhang tauhan matapos syang balaan ng kasamahan. At maya maya'y binuksan na ni Martin ang kotse kaya pumasok na agad dito ang prinsesa.


Papasok na sana sa front seat si Martin matapos alalayan ang prinsesa papasok sa kotse ngunit lumingon muna ito pabalik sa iba pang tauhan. Tumango si Martin sa head ng grupo na sya namang naintindihan nito.


Pagkaalis ng kotse kung saan lulan ang prinsesa ay nagbaba agad ng utos ang head ng grupo sa lahat.........


"Ngayon alam mo na. Pasalamat ka at ako ang nakakita sa iniasta mo. Dahil kung si Martin ang nakakita sa iyo, paniguradong mahabang explanation ang kailangan mong gawin para maging valid ang tingin na ginawa mo sa prinsesa." Bulong ng isang tauhan.


"Nais ng prinsesa na may mga lehitimo at nauukol na impormasyon tayong mailahad sa kanya sa lalong madaling panahon. Kaya naman ang bawat isa sa atin ay kailangang kumilos ng mabilis ngunit sigurado. Dahil hindi nagbibigay ng babala ang prinsesa kung kailan nya hihingiin sa atin ang mga impormasyon na gusto nyang makita at malaman. Alam na ito ng mga datihan nang tauhan ng prinsesa ngunit ang mga baguhan ay hindi pa. Kailangang makinig ng lahat sa akin lalo na ang mga baguhan. Dahil isang pagkakamali, maging baguhan ka man o matagal na sa trabaho ay hindi ako magdadalawang isip na alisin kayo sa pwesto at humanap ng kapalit ninyo. Alam nyong hindi mahirap maghanap ng kapalit ninyo kaya kung gusto ninyong manatili sa trabaho, ayusin ninyo ang mga desisyon at hakbang ninyo. Nang sa gayon ay walang sablay na mangyari. Dahil gaya nga ng sinabi ko noon, pagkakamali ng isa, parusa ng lahat." Mahabang panimulang litanya ng head ng grupo



"Position" sigaw ng head ng grupo


Agad agad na umayos ng tayo ang mga tauhan matapos marinig ang command ng pinuno ng kanilang grupo. Dahil alam ng lahat na kapag ganitong sitwasyon ay may importante silang dapat pag usapan.


Nakasunod naman sa utos na ito ang mga datihan nang tauhan, kung tutuusin ay sabay sabay pa nga. Ngunit kabaligtaran naman ito ng mga baguhan. Dahil halatang halata na wala pa itong mga alam dahil matapos isigaw ng pinuno ng grupo ang utos ay tumingin pa ang mga ito sa katabi nila kung ano ang gagawin. Nahalata ito ng head ng grupo.

Umiling iling ang pinuno ng grupo dahil alam nya na kailangan nyang sanayin sa lalong madaling panahon ang mga ito. Nang sa gayon ay hindi mapahiya ang mga ito maging ang kanilang grupo kapag dumating na ang panahon na kailangan nilang harapin isa isa ang prinsesa at mga prinsipe upang subukin ang kanilang kakayahan bilang parte ng kanilang pagiging lehitimong tauhan ng prinsesa at mga prinsipe.


"Kaya mo yan. Ikaw ang inatasang maging pinuno ng grupo dahil alam nilang kaya mo." Pagpapakalma ng pinuno sa kanyang sarili sabay buntong hininga.

The ReasonWhere stories live. Discover now