Kinabukasan ay nagkaroon ng mahabang pagsusulit ang Sampaguita sa kanilang Math Subject. Kitang kita sa kanila na nahihirapan sila kaya naman nagbiro ang kanilang guro sa kanila.
"Kaya ninyo iyan. Sisiw lamang yan kumpara sa preparasyon na ginawa ninyo para matamasa ang tagumpay na nakamit ninyo sa nagdaang speech choir competition. Tiwala lang at nandyan naman si Ms. Pres na one call away." Pagbibiro ni Ma'am Panopio
Hindi narinig ni Jaycee ang birong iyon ng kaniyang guro at patuloy lamang siya sa pagsasagot sa kanilang pagsusulit sa kadahilanang sya ay naka earphone na hindi mo mahahalata dahil kulay puti ito at sa likod ng tenga ni Jaycee nya ipinadaan upang hindi mapansin kaagad.
Kinailangan pa siyang sikuhin ng kaibigan niyang si Dominique upang makuha ang atensyon niya.
"Bakit?" Takang tanong ni Jaycee at nang mag angat sya ng tingin ay napansin niyang nakatingin na sa kanya ang buong klase maging ang kanilang guro.
"Nako ka talaga Jay. You always doing this. You are always isolating yourself from us." Malumanay na sabi ni Dominique ngunit batid ni Jaycee na may halong lungkot ang tinig ng kaibigan.
"Sorry" tanging tugon ni Jaycee sa kaibigan.
"I'm sorry ma'am if I didn't hear what you said earlier. What was it?" Paghingi ni Jaycee ng paumanhin sa kanilang guro.
"Ayos lamang iyon Ms. Pres. Nagkakabiruan lamang kami ng mga kaklase mo that involves you kasi alam naman ng lahat na naririto na magaling ka sa lahat ng asignatura kaya hindi na kataka taka na seryoso ka sa pagsasagot sa iyong papel. Pero tama si Mr. Velasco, Ms. Rico, hindi mo naman kailangang makinig ng music through your earphones all the time to isolate yourself. If you have a problem, you can talk to your friends here, to your classmates, and even me. Dahil ako na ang nagsasabi, gustong gusto ng buong sampaguita na makuha ang loob mo. Maging kami na mga guro mo. Pero para bang kahit anong gawin namin is ang layo layo mo para abutin. On contrary, gusto kong malaman mo na naiintindihan ka namin. Na baka may nangyari sayo in the past na hindi mo pa kayang i-open up sa kahit na sino kaya ganyan. But cheer up, makakayanan mo yan. Gaya ng kung paano mo nakayanan na i-lead ang buong section ninyo to achieved the victory sa speech choir ninyo. Congrats sa inyong lahat!" Mahabang pahayag ng guro.
"Thank you for your concern Ma'am but, I'm okay. I really do. It was just, it's not my thing to socialize to everyone all the time. And thank you for appreciating our efforts in the past event that we've been participated with." Tanging sagot ni Jaycee.
"Tama na sa drama guys, Ms. President baka naman. Paambon ka naman ng kaunting sagot. Dumudugo na ilong namin dito. HAHAHA" kantyaw ni Aldrin
"Oo nga, Pres. Sagot na namin lunch mo mamaya sa canteen. Sagutin mo lang ako este sagutin mo lang kami sa quiz na 'to." Hirit ni Lance na kalaunan ay nahiya dahil nadulas siya sa kaniyang naiisip para sa kay Jaycee.
"Ship. Ship. Shippppp" Singit ni Michelle.
"Ano teh barko lang ang ganap? Baliw na 'to" Pagsingit rin ni jules sa kantyawang nagaganap.
"Eh bakit ba? Gusto ko si Lance para sa kaibigan natin eh. Bakit angal ka?" Sigaw ni Michelle kay Jules dahil sa likuran sya nakaupo at nasa unahan naman si Jules.
"Eh bakit ka naninigaw? Ha? Ha?" Kunwaring pagalit na tugon ni Jules.
"Ano ba, nanghihingi lang tayo ng sagot dito sa quiz kay Pres kanina tapos napunta na sa awayan? Nililihis niyo lang ata para di makapag paambon ng sagot si Jaycee eh!" Pabirong sigaw ni Bernard.
"Wooohhhhhh" kantyaw ng iba pang boys ng Sampaguita.
"Oo nga. Oo nga" Pag sang-ayon ni Aldrin.
Natawa na lamang si Jaycee sa kalokohan ng kaniyang mga kaklase.
"Okay, everyone, please settle down. Remember that time is running, kung patuloy kayo sa asaran baka maging zero kayo niyan. Malaking points pa naman yan. Tingnan niyo itong si Ms. Pres, patapos na. Nasa last page na." Pananakot ng guro.
"Hala Ma'am wait lang. Nag iisip pa kami ng ibabargain kay Pres para sa sagot huhu" singit ng isa nilang kaklase.
"Jaycee libre na daw ni Lance yung lunch at meryenda mo tuwing may Journalism class tayo o di kaya ay practice. Paambunan mo lang kami ng sagot plzzzz" Pagmamakaawa kunwari ni Aldrin.
"Ay lakas talaga ng tama nito. Buti kung ikaw ang gagastos. Buset ka!" Naiiling na tugon ni Lance.
"Wag ka nang umangal. Moment niyo rin yon." Natatawang sagot ni Aldrin.
Natawa na lamang si Lance. Ngunit napalingon sa gawi ni Aldrin at Lance sa likuran si Jaycee nang dahil sa alok ni Aldrin kanina. Natigilan ang lahat.
"Sigurado ba iyan Aldrin? O nagbibiro ka lang like what you always did?" Walang emosyon na tanong ni Jaycee. Sinusubukan nya lamang ang kaklase ngunit papakopyahin nya naman talaga ang mga ito ng ilang sagot kahit wala ang alok na ito. Pinagtitripan nya lamang kumbaga.
Tumingin si Aldrin kay Lance at binulungan naman sya nito ng, "Patay ka. Ayan kase." Kinabahan si Aldrin ngunit tumugon ito agad.
"O-oo".
Natawa ang guro. Dahil hindi naman mahigpit ang gurong ito sa kanila. Ngunit dahil sa angking talino ni Jaycee, sadyang hinihirapan nya ang tanong para hasain ang lahat lalo na si Jaycee pagdating sa asignaturang Matematika.
"If so, Michelle come here." Anunsyo ni Jaycee.
"Omyghaddd I cannot. Sagot na ba yan?" Tanong ni Michelle.
"Ayaw mo? K, fine." At umakto si Jaycee na tatayo na upang ibigay ang papel na katatapos lamang niyang sagutan sa guro.
"Weyt a minute kapeng mainit. Ayy potek natapon nga yung kape ko. Easy lang girl, easy lang." At lumapit na nga si Michelle sa kaibigan upang picturan ang sagot nito kahit pa napaso ito mula sa kapeng kanina pa niya tipid na iniinom. At upang gawin ang tradition ng mga section one na "share it the answers".
"2 pages lang ang picturan mo, ako lang dapat may sagot sa last page" at inagaw na ni Jaycee ang papel nya kay Michelle.
"Baliw talaga" pabirong sabi ni Michelle.
"Well, if you all know how to bargain, I know how to trade naman. Utakan lang whaha" natatawang tugon ni Jaycee.
"Ayonnnn! Okay na yan Michelle, dalii. Btw, thanks Pres." Pagpapasalamat ng lahat sa pangunguna ni Aldrin.
"No worries" tanging tugon ni Jaycee.
Aligaga ang lahat sa pagtingin sa kani-kanilang telepono upang isulat ang paambon na sagot ni Jaycee. Nang biglang magsalita ang guro;
"Last 5 five minutes, finished or not finished you need to pass your papers" Anunsyo ng guro.
"Hala Ma'am wait lang huhu" tugon ng nakararami
At maya maya lamang ay nagpasa na ang lahat at natapos na ang klase nila sa Math.
Sa di kalayuan, nakatanaw ang isang binata sa silid ng Sampaguita upang masilayan ang Class President ng naturang pangkat.
"Nakatingin ka na naman sa kanya. Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap pre. Baka dumating na si Ma'am tara na." Tugon ng kaibigan ng binata.
"I was just looking at her. Walang kupas talaga sa galing. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming mga kalalakihan dito ang gustong makuha ang atensyon nya. Parang...." Hindi na natapos ang binata ang sasabihin nya sapagkat tumunog na ang kanilang bell na palatandaan na tapos na ang kanilang break time kaya hinila na sya ng kaniyang kaibigan.
YOU ARE READING
The Reason
Teen FictionSi Jaycee ay isang dalagang 17 taong gulang at lumaki sa pamilyang punong puno ng pagmamahal. At maging sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makulay ang mundo para sa kanya. Ngunit paano kung biglang dumating ang araw na magbago ang lahat? Na ultimong...