Kanina, habang kumakain ang grupo nila Jaycee sa canteen ay may biglang nagtext sa kanya. Nais na sana itong isawalang bahala ni Jaycee dahil baka hindi naman importante ngunit panay ang pag text sa kanya ng sunod-sunod kaya naman nagdesisyon na lamang siyang tugunan ito.
"Can't you just wait?" Halata sa mukha ni Jaycee na naiirita sya habang itinatype ito kaya naman nahalata sya ni Arjel.
"Cee, what's wrong?" Nag aalalang tanong ni Arjel
"Uhh, nothing. I was just looking for something. Yeah, something." Tugon ni Jaycee nang hindi tumitingin kay Arjel
"Sino yan?" Seryoso nang tanong ni Arjel kaya naman napatingin na rin ang iba pa nilang kaibigan.
"It's nothing okay? Like what I've said earlier, I was just looking for something. Where the hell in that part didn't you understand, huh?" Iritang tugon ni Jaycee.
Pilitin man ni Jaycee na maging normal ang tono ng kanyang pananalita ay hindi nya magawa dahil sa pagtatanong ni Arjel.
"I was just asking, Cee. Bakit ka ba nagagalit dyan?" Malungkot na tugon ni Arjel
"When I say it's nothing, it's definitely nothing. Okay? Just don't ask further questions coz it's nothing!" May bahid ng inis na tugon ni Jaycee sabay tayo at alis sa table nila sa canteen.
"Jay, saan ka pupunta?" Tanong ni Jules
"Magtatime na mamaya huwag ka nang lumayo." Paalala ni Dominique
"Hayaan nyo na muna siya. Baka may problema lang or what." Pinilit ni Arjel na ipakitang wala lamang sa kanya ang tagpong iyon na nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Jaycee ngunit napapaisip talaga sya kung ano bang nangyayari sa kaibigan.
"Ano bang problema mo Cee? Na bakit pati sa akin ay hindi mo masabi? Muling nabubuhay ang pangamba ko dahil sa inaasta mo." Sa isip ni Arjel
Natahimik ang grupo ilang sandali nang dahil sa nangyari kanina ngunit nagdesisyon sila na bumalik na lamang sa classroom dahil wala na rin namang saysay na manatili pa sila roon dahil umalis na si Jaycee.
"Let's go na guys. Tama si Arjel, hayaan nyo na lang muna yon dahil baka may problema lang yung isa either sa family or sa business nila. Wag nyo nang dibdibin yung paraan ng pagsasalita ni Jaycee." Sabi ni Michelle
"Oo nga. Intindihin na lang natin. Alam nyo naman yang si Jay, hindi yan nagsasalita sa kahit na kanino tungkol sa kung ano mang nangyayari sa kanya." Pagsasalita naman ni Remy
"Sana lang ay hindi ganoon ka seryoso ang bagay na iyon, kung ano man yon." Tugon ni Anthony
"Let's just hope for the best." Tugon ni Joane
"Tara na nga, alam nyo naman na ayaw na ayaw ni Jay na pinag uusapan sya at may taong nag aalala for her. Kaya nya yan. Sya pa ba?" Pagpapabago ni Sheena ng atmosphere ng barkada
Nagkibit balikat ang magkakaibigan at naglakad na papunta sa kanilang room.
Ngunit may tanong si Arjel sa kanyang isipan....... "Saan ka pupunta, Cee?"
At maya maya ay malapit na sila sa room ng dalawang binata na nasa ika 9 na baitang.......
Malayo pa lang ay natanaw na ni Michelle na tila may inaabangan ang dalawa na kung sino mang dadaan sa harap ng kanilang room.

YOU ARE READING
The Reason
Teen FictionSi Jaycee ay isang dalagang 17 taong gulang at lumaki sa pamilyang punong puno ng pagmamahal. At maging sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makulay ang mundo para sa kanya. Ngunit paano kung biglang dumating ang araw na magbago ang lahat? Na ultimong...