Ako si Charleira at lumipat ako ng tirahan upang hanapin Ang aking career at gayun din ang pag-ibig...
Ngayon ay nag aabang ako ng taxi na masasakyan ko papuntang dorm na titirhan ko, maulan ngayon kaya basa ang lupa at maputik kaya talagang nag iingat ako para hindi maputikan ang damit na suot ko nakakahiya naman sa magiging dormmates ko kung kakatok ako sa bahay nya ng dugyot.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag upang mag selfie dahil mahilig talaga akong kuhaan ng litrato ang sarili ko, ngunit hindi ko pa man napipindot ang camera ng cellphone ay may lalake na naka bike na naka bundol sa akin dahilan ng pag tumba ko at pag semplang ng bisikleta nya at nadaganan pa talaga ako, Mukhang ang malas ng unang araw ko sa lugar na to!
Agad kumilos ang lalake upang tumayo at itayo ang bisikleta nya na naka dagan sa akin ng maitayo na nya ang bisikleta ay agad din naman akong tumayo.
"Sorry miss..." pag hinging paumanhin ng lalake, in fairness gwapo at mukha namang mabait ang lalake ito.
"ENZO!?" nagulat ako sa biglang pag sulpot at pag sigaw ng babae na ngayon ay nasa harap na namin ng lalake na naka bisikleta.
"Sasha, babe.." hindi pa man natatapos sa pag sasalita ang lalake ay ni ratrat na sya ng bunganga ng girlfriend nya... Kawawang lalake...
"Diba date natin?, tapos nag chi-chix ka dito?, walang hiya ka din naman..."
"Ahmm... Sis..."
"Manahimik kang babae ka!" bulyaw nito sakin ng sinubukan kong magsalita at abay tinitigan pa ko ng masama.
"Mag sama kayo!" dagdag pa nya bago padabog na tumalikod at lumakad palayo.
"Sorry ulit sa pag bangga ko sayo huh, Sorry din dun sa girlfriend ko." pag hinging paumanhin nya.
"Ok lang." Sagot ko sabay ngiti ngumiti din naman sya sakin at sumakay na sa bisikleta nya.
"Manunuyo ako ng baby ngayon." tumatawa na sabi nya bago ipidal ang bisikleta upang habulin ang girlfriend nya.
Ngayon mag isa na ulit ako pero wala na kong balak mag selfie suot ang putikang damit na ito at wala din akong balak mag punta ng dorm ng gando ang itsura nakakahiya sa magiging dormmate ko.
Buti nalang may public C.R malapit dito kaya makakapag palit ako ng damit at makakapag hugas ng katawan.
Nang makapagbihis na ako ay agad akong bumalik sa kaninang kinaroroonan ko at nag hintay ng taxi, ilang minuto din akong nakatayo doon at sa wakas ay may dumaan ding taxi.
AGAD akong nag abot ng bayad sa driver at bumaba ng makarating na ako sa address na sinabi ko, hindi naman ako nahirapang hanapin ang dorm dahil pag baba ko palang ng taxi ay nakita ko na iyon, mabilis akong lumapit at kumatok sa pinto.
"IKAW..!" halos magkasabay naming sigaw ng nag bukas ng pinto.
"Don't tell me your the one who rent my vacant room!?"
"Ak..." Hindi ko natapos ang isasagot ko ng mag salita sya ulit.
"No! Ayaw ko ng may maharot dito!"
Bago paman ako makapag salita ay padamog na isinarado nya ang pinto
Pano na, wala akong matutuluyan at wala din akong matutulugan ngayong gabi, maluha luhang wika ko sa sarili.
Sa pag lalakad lakad ko ay nakakita ako ng 24hrs open club pumasok ako dun bitbit ang maleta ko wala akong pake kung pinagtitinginan ako basta ang alam ko mas makaka survive ako ng buong gabi pag andito ako kesa sa labas.
BINABASA MO ANG
Party
RandomCharliera determined to find the career that suits her as well as true love moved and became an independent woman. but unexpected men's will enter her life and disturb her heart, how can she handle it? who will she choose? or will she choose someone...