Episode 14

0 0 0
                                    

"Guys, Alis muna ko huh, hanapin ko lang si Charles." Paalam ni Tiffany bago tumakbo paalis sinubukan ko sya pigilan pero iniwan nya talaga ako!

Naupo ulit ako sa bench at si Luke ay naupo rin sa tabi ko.

"May narinig ka ba sa pinag-uusapan namin ni Tiffany?"

"Wala, bakit may nakakahiya ka bang naikwento sa kanya? Hindi mo kailangan mahiya sakin, Kasi kahit anong mangyare hindi magbabago yung nararamdaman ko sayo, gusto kita Lei... Special ka!"

Gusto? Sapat na ba ang gusto para gawin at iparamdam nya sakin ang mga ito?

Napahawak ako sa kwintas na suot ko kwitas na galing kay Nash, Sabi mo mahal mo ko pero bakit parang mas powerful yung salitang Gusto kaysa mahal?

"Lei..." Napatingin ako kay Luke ng tawaging nya ko.

"Maniwala ka, I like you so much, you are my life, Lei.. I LOVE YOU!"

Nang marinig ko ang salitang yun parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bakit parang may mga kabayong nag uunahan ngayon sa dibdib ko? Hindi ako makahinga parang hindi ako makagalaw.

"LEI! LUKE! andyan lang pala kayo, hanap na kayo dun aalis na tayo!" Sabi ng isa sa mga kaibigan namin na Kasama ngayon.

"Ganon ba? Sige Tara na!" Salamat Lord!

"Aalis na ba tayo?" Tanong ko ng makapunta na kami sa iba pa naming kasama.

"Saglit lang, Wala pa si Yuri eh, asan na ba Kasi yung Yuri na yun!" Sabi ni Tiffany.

"Hoy! Balak nyo ba ko iwan! Nasa shooting Booth lang ako!" Hingal na Sabi ni Yuri ng makalapit sya samin may dala sya'ng heart shape fellow nakuha nya siguro sa shooting Booth.

Lumapit sya kay Sasha "Sayo nalang! Hindi naman ako mahilig sa ganyan eh!" Sabi nya.

Tumingin ako sa paligin at napansin kong lahat ng atensiyon nila ay nakay Sasha at Yuri Ewan ko, pero pakiramdam ko lahat sila naka taas ang kilay.

*****

Lumipas ang mga araw mga linggo at mga buwan ngayon ay dumating na ang araw ng kasal.

Ngayon nasa isang kwarto kami at naghahanda sa kasal ni kuya at Tiffany ilang oras nalang ay ikakasal na sila.

"Bridesmaid dresses check! Venue check! Photographer check! My gown check!" Sabi ni Tiffany.

"Btw Lei and Luke paki check in kami ng honeymoon suite, please!"

"No problem!"

After a hours the wedding ceremony are started, nasa loob na kaming lahat ng church nakasarado na ang pinto at hinihintay nalang na bumukas iyon at pumasok si Tiffany.

Napakaganda ni Tiffany sa suot na buting wedding gown, lahat nakatingin sa kanya habang lumalakad palapit kay kuya, tila kumikislap ang mga mata ni kuya habang hinihintay ang mapapangasawa halata sa kanilang dalawa ang tunay na kaligayahan, kaligayahang makukuha lang sa tunay na pagmamahal.

Kung ang buhay pag-ibig ko sana ay kasing simple lang ng sa kanila baka sakaling maligaya narin ako gaya nila hindi ganito, nalilito ng sobra alam ko  kung sino ang gustong piliin pero ayaw makasakin ng iba, pano ko ba sa tatlo sasabihin na ayaw ko sa kanila at may napili na akong Isa.

Sa gitna ay nag-tagpo din ang dalawang nag mamahalan at magkahawak kamay na pumunta sa harap ng altar at sa harap ng father na mag-kakasal ka kanila.

Makalipas ang maraming salita at proseso narinig narin namin ang...
"I now pronounce you husband and wife! These two lovebirds are officially bonded!" Malakas na palakpakan ang narinig ko kasunod ng salitang iyon ng father.

"You my now kiss your b..." Bago paman matapos ng father ang dapat sabihin ay bumukas ang pinto at malakas na "ITIGIL ANG KASAL!" ang narinig ng lahat, nagulat din ako sa kung sino ang lalaking kakapasok lang sa simbahan ngayon... NASH!?

"Tiffany? Kuya Charles? This is your wedding?" Takang tanong ni Nash.

"Sorry guys, nagkamali ako, Akala ko Charleira ikaw yung ikakasal, I am so idiot!"

"Me? Pero bakit?"

"Tumawag ako kanina kay Yuri para humingi ng tulong para i surprise ka sa pagdating ko pero ang sabi nya ay busy daw kayo para sa kasal kaya dumaretso ako sa hotel na sinabi ni Yuri at doon ko nakita na sa pangalan mo Charleira at ng Luke Stevenson naka register ang honeymoon suite, so I thought you are the one who getting married, so i came here to interrupt the wrong wedding, I just want to say I love you Charleira and I wish I am the groom to your future wedding."

"This is so embarrassed, sorry!" Sabi nya bago tuluyang umalis.

Where here at the wedding reception nakaupo ako sa isang bench kasama si Nash.

"This is so complicated!" Napatingin sakin si Nash ng magsalita ako.

"What I mean is si Luke ang ka date ko dito pero ikaw ang kasama ko."

"Sorry for leaving you Lei, pangako babawi ako..."

"Nash.."

"Please Charleira pakinggan mo muna yung explanation ko." Tumango ako.

"I love you Lei... Trust me I really love you... Kaya nung inakala kong ikakasal ka sobrang nasaktan ako... Desperado akong pumunta sa simbahan ayaw kong ikasal ka sa kanya." Nakita ko ang pag patak ng luha nya mula sa mata nya.

Tumayo sya at umupo paharap sakin ngayon kita ko ang pag luha ng mata nya, hinawakan nya ang dalawang kamay ko saka nagsalitang ulit.

"Lei sorry, sorry kung iniwan kita, pangako hindi na kita iiwan,

"Sasamahan na kita sa lahat, huwag mo lang iparamdam sakin ulit yung gantong sakit,

"Huwag lang magkatotoo yung ikakasal ka sa iba, sana sakin Lei... Charleira sana..."

Hindi ko na kayang makita pa sya'ng umiiyak, iba na ang iyak nya alam kong sobrang nahihirapan sya sa paraan ng pag-iyak nya na nakikita ko ngayon tingin ko anytime pwede sya'ng himatayin sa harap ko.

"Charleira sakin ka nalang ikasal!" Humahagulgol na sabi nya bago ako yakapin ng mahigpit niyakap ko sya pabalik nagbabaka sakaling mapakalma ko sya kahit konte.

Nang maramdaman ko ang pagkalma nya tinanggal ko ang pagkakayakap nya at hinarap sakin pinunasan ang luha na kanina ay iniiyak nya.

"Sorry Nash..." Tumingin sya sakin pagkatapos ko sabihin yun muli ay nakita ko ang mabagal na pagpatak ng luha nya.

"Can we... just be... Friend?" Nagpatuloy ang pagluha nya kasabay ng maraming tango nya.

"Kung ayan ang gusto mo, kung may iba ng nagpapaligaya sayo magiging masaya nalang ako para sayo,

"Can I just hug you again? for the Last? Please!"

Tumayo ako at inilahad ang braso ko naging sign yun sa pagpayag ko kaya niyakap nya ko ng mahigpit at yumakap din ako sa kanya pabalik.

Luhaan ang mga mata na humarap sya sakin, ngumiti sya kahit bakas parin ang lungkot sa mata.

"Aalis na ko." Paalam nya bago tumalikod at naglakad paalis hindi manlang nya hinintay ang pagpayak ko pero salamat Nash naintindihan mo ko kasi kahit papaano nakabawas yun ng bigat dito sa dibdib ko.

PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon