Ngayon magkasama na kami ni Luke na nagsasayaw, sya naman kasi ang ka date ko.
Kanina pa kami nagsasayaw pero parehong tahimik lang kami Wala kaming pinag uusapan.
"Luke may problema ba?" Tila nagising ko ang diwa nya ng masalita ako.
"May iniisip ka ba?"
"Bumalik na sya, si Nash, hindi ko lang maiwasang maisip, sya na ba ang pipiliin mo?
"Pakisagot para ngayon palang mapag-aralan ko ng mag move on."
"Huh?"
"Charleira I love you! Gusto kitang maging masaya pero kung hindi ako ang makakapag bigay sayo nun, hahayaan nalang kita maging masaya sa kanya, magiging masaya nalang din ako kasi alam kong masaya ka."
"Luke... Napapasaya mo ko! Huwag mo isipin na hindi mo ko napapaligaya, kasi makita lang kita Masaya na ko,
"Pero papakiramdaman ko muna kung totoo yung nararamdaman ko bago ako gumawa ng desisyon, para sigurado akong hindi ko pagsisisihan sa huli yun."
"Ok! I understand!"
*****
Nakita ko si Adonis na nakaupo mag Isa sa apatang upuan."Hey! Adonis!" Tawag ko sa kanya kasabay ng pag tapik ko sa likod nya.
"Mag Isa ka?" Tanong ko ng makaupo ako sa upuan na kaharap nya.
"Hindi ko nga alam bakit ako andito eh."
"Kasi invited ka, diba?"
"Oo, pero busy ang bagong kasal at kahit Ikaw ay busy, hindi ko naman close si Nash at si Enzo at wala naman na akong ibang kilala dito."
"Hmm, Sige sasamahan nalang kita dito, hindi pa naman ako kailangan dun."
"Gusto nga talaga sana kita makausap, Charleira eh."
Bakit parang may iba ang seryoso nya yata, may problema kaya sya?
"Bakit? Anong gusto mo pag usapan?" Tanong ko.
"Bago pa mahuli ang lahat, gusto ko lang malaman mo na naging crush kita at hanggang ngayon crush parin kita."
"Adonis..."
"Wait.. wait.. hindi mo kailangan problemahin yung nararamdaman ko, gusto ko lang malaman mo na humahanga ako sayo at kahit sino pa sa tatlo ang piliin mo magiging masaya ko... Basta Masaya ka."
"Ado.."
"Huwag ka na magsalita." Nakangiting pagputol nya sa sasabihin ko.
"Wala itong paghanga na nararamdaman ko sayo, sa pagmamahal na binibigay nila sayo,
"Gusto ko lang malaman mo na crush kita at gusto ko rin malaman mo na suportado kita, sino man sa kanila ang piliin mo, kilala kita at alam kong tama ang magiging disisyon mo."
"Anong pinag uusap nyo? Ang seryoso ng mga mukha nyo?" Tanong ni Enzo na kakalapit, naupo sya sa isa sa dalawang empty chair sa lamesang ito.
"Wala... Ah sige punta muna akong CR" paalam ni Adonis saka tumayo at lumakad paalis.
"Sige Enzo una narin ako hanapin ko lang muna si kuya." Paalam ko, pero bago pa ako maka alis ay napigil nya na ko sa pamamagitan ng pag hawak nya sa pala-pulsuhan ko.
"Mag usap muna tayo? Please?" Tumango ako at bumalik sa pagka-ka-upo.
"Ano Yun?" Tanong ko.
"Papalayain na kita! Alam kong hindi ako yung makakapag pasaya sayo at kung kay Nash o sa iba ka magiging masaya, tatanggapin ko,
"Just promise me, walang magbabago kahit iba ang piliin mo, sana manatiling maging magkaibigan tayo."
"Enzo... Magkaibigan tayo, Walang magbabago dun, promise!" Sabi ko habang naka taas ang kanang kamay.
"Salamat!"
Napatingin kami sa magkakasamang mga tao, pero parang may problema nakita ko din si Tiffany na sumusuka.
"Sandali Enzo lalapitan ko lang sila." Paalam ko.
"Anong nagyari?" Tanong ko ng makalapit.
"Si Tiffany sumusuka!" Sagot ng isa sa mga bridesmaid.
"Tiffany ayos ka lang? Halika samahan kita sa CR."
Inalalayan ko sya papuntang CR at doon pinasuka habang hagod ko ng likod nya.
Bakit kaya sya sumusuka? Parang hindi naman sya lasing at kahit ma-lasing sya ay hindi naman sya sumusuka.
"Nakainom ka ba?" Tanong ko, umiling sya.
"Kuhain mo yung pregnancy test sa bag ko, bumili kasi ako nun kasi pakiramdam ko buntis ako, nakakaramdam kasi ako ng mga sintomas ng pagbubuntis eh."
"WHAT!?! Ibig sabihin may nangyari na sa inyo ni kuya kahit hindi pa kayo kasal?" Tumango sya bilang sagot, ako naman ay napabuntong hininga lang!
"Sige! Kukuhain ko lang yung pregnancy test." Sabi ko bago tumakbo palabas, ng makuha ko na ang pt ay mabilis din naman akong bumalik Kay Tiffany.
Ilang minuto narin si Tiffany na nasa loob ng isa sa cubicle kaya napagdisisyunan ko na katukin na sya.
"Tiffany ayos ka lang ba dyan?" Tanong ko habang kumakatok sa pinto.
Pinapasok nya ko sa loob at ibinigay sakin ang pregnancy test na may dalawang pulang guhit.
"Positive?" Tumango sya.
"Oh My Gosh!!!!!!!! Magiging tita na ko!"
"Yess! Magiging mommy na ko!"
Natigil ang celebration namin ng may pumasok na babaeng tila nagwawala.
Rinig namin ang pag iyak nya.
"HINDI KO SYA PWEDE MAGUSTUHAN!!!" Sigaw ng babae na kahit Hindi namin kita ay alam naming umiiyak padin.
"I DON'T DESERVE TO BE LOVED!!! I DON'T DESERVE TO BE HAPPY!!!" Sigaw nya ulit, siguro akala nya ay mag isa lang sya dito.
"Pamilyar sakin yung boses nya." Sabi ko.
"Si Sasha?"
"MASAMA AKO! MASAMANG TAO AKO!! YURI HINDI KITA DESERVE!!! HINDI KO DESERVE YUNG PAGMAMAHAL MO!! SORRY YURI."
"Yuri?" Tanong ni Tiffany.
"Halata ko nga parang may something talaga kay Yuri at Sasha eh." Baka si Sasha yung babaeng nagugustuhan ni Yuri na sinabi nya sakin nung nag propose si kuya Kay Tiffany.
"Alam mo bang nais-torbo mo ang celebration namin?" Mataray na sabi ni Tiffany ng buksan nya ang pinto at lumabas.
"Mag e-emote ka nalang ipaparinig mo pa?"
"T-tiffany? Charleira? S-sorry."
Nagulat ako ng biglang tumawa si Tiffany.
"Ano kaba Sasha! Ang seryoso mo naman!" Tumatawa paring sabi ni Tiffany."Lahat ng tao deserve mahalin, lahat ng tao deserve maging masaya, tao ka naman diba? Edi deserve mo din yun!
"Huwag mo pigilan ang sarili mo na mahalin si Yuri, kung mahal mo na sya edi wow! Charr, Edi sabihin mo na sa kanya, pangako pareho kayong magiging masaya." Payo ng love expert na si Tiffany.
"Pero..."
"Sasha napatawad ka na namin! Panahon na para patawarin mo rin ang sarili mo, bigyan mo ng second chance yung sarili mo." Sabi ko.
"Tutungan ka naming sabihin kay Yuri ang nararamdaman mo." Sabi naman ni Tiffany.
"Salamat!" Niyakap nya kami.
"Salamat sa pagpapatawad nyo! Pangako hindi ko na sisirain ang tiwala nyo!"
BINABASA MO ANG
Party
РазноеCharliera determined to find the career that suits her as well as true love moved and became an independent woman. but unexpected men's will enter her life and disturb her heart, how can she handle it? who will she choose? or will she choose someone...