Episode 04

1 0 0
                                    

"CHARLEIRA!! ADONIS!! PUMASOK KAYO DITO NOW NA!!" malakas na utos ni miss Elena.

"Hindi, Hindi ako papayag at sigurado akong mas lalong hindi papayag ang mga readers natin sa disisyon nayun!"

"Nakakasigurado ako dun miss Elena."
Sagot ni  Adonis.

"Bakit kasi hinayaan ni ma'am Emerson yang anak nya ang mag disisyon!, Ehh wala pa namang alam yan sa nigosyong ito!

"Hayaan muna natin silang mag saya habang gumagawa tayo ng plano para maisalba ang BigBest!

"Are you with me Adonis?"

"Of course Yes! miss Elena."

"And You?" Tanong ni miss Elena habang nakatingin sakin.

"Yes miss Elena I'm with you!" Well mas maganda na ito kesa walang trabaho, diba?

"Ano pong gagawin natin?" Tanong ni Adonis.

"We need to make this BigBest magazine Emerson Media's  NUMBER ONE SELLER!"

"Pwede na kayong umuwi mag pahinga dahil bukas kailangan nating mag Plato ng mabuti para maisalba ng BigBest!" Pag ka Sabi nun ni miss Elena ay agad narin sya'ng lumabas.

"Hmm charliera, kung ok lang sayo kain muna tayo sa labas or kape?"

Hindi kaagad ako nakasagot at pinaka titigan ko lang sya.

"Para sana makilala natin ng lubos yung isa't Isa... For work.

"Sa ibang araw nalang pagod na talaga ako eh, Ang dami Kasing nagyare na hindi ko inaasahan!"

*****
Pagkauwi ko palang ay agad ko ng tinawagan si kuya, close kasi kami at lahat talaga ng bagay na nang yayari sa Buhay ko ay nasasabi ko sa kanya, except lang sa crush o mangliligaw hindi naman dahil sa pinag babawalan nya ko o over over sya maka react talagang advance lang ako mag isip na baka ganun ang maging reaction nya.

"Yun nga nung una feeling ko umpisa na yun para sa magandang trabaho ko tapos sa isang pitik lang lahat ng confident ko nag laho na parang Bula." Kwento ko Kay kuya habang kausap ko sya sa cellphone.

"Sabi ko naman kasi sayo baby huwag ka masyado fellingera!" Tumatawa na sagot nya.

Nakakainis kahit kelan talaga pang asar to.

"Hay Nako kuya! Bahala ka nga dyan! Hindi na talaga ako sayo mag ku-kwento kahit kelan!" Ang buwisit kong kuya ay malakas na halakhak lang ang isinagot.

"BAHALA KA NGA! BAD TRIP NA NGA KO MANG AASAR KA PA!!!" sigaw ko saka ibinaba ang tawag.

Narinig ko namang tumatawa si Tiffany na nakaupo sa sofa nilingon ko sya at sinamaan ng tingin.

"Chill ka lang masyado kang hot." Tumatawa na sabi nya.

"Ewan ko sayo! Bagay kayo mag sama ni kuya!"

Biglang tumayo at lumapit sakin si Tiffany.

"Talaga? Bagay kami ng kuya mo?"

Hmm parang may iba kong nararamdaman huh?

"Oo! Pareho kayong baliw!"

"Ayy grabe toh!"

"Bakit crush mo si kuya Noh?"

"Uyy huwag ka nga maingay baka may makarinig sayo!"

"So crush mo nga?" Tumango lang sya at ako naman ay biglang nag sisigaw pilit tinatakpan ni Tiffany ang bibig ko ng hindi ako mag ingay pero sorry sya hindi ako papaawat kinikilig ako eh, first time ko lang kaya nalamang may nag kaka crush Kay kuya!

Natigil lang kami ng mag tumunog ang cellphone ko.

"Kuya mo?"

"Hindi! Si Nash toh!"

Ni slade ko na sa green at itinapat sa tainga ko.

"Oh Nash? Napatawag ka?"

"My band's playing a secret show tonight punta ka huh? I mean kayo... Punta kayo... Text ko sa inyo yung address, See you here." Then binaba na nya yung tawag hindi manlang nya ko binigyan ng chooses.

"Perfect! Tawagan mo si Charles!"

"At bakit?"

"Sasamahan nya tayo sa show ni Nash, Sinamaan ko lang sya ng tingin please kailangan ko mag move on diba?"

Napabuntong hininga nalang ako, "Sige! Sige!"

Bigla nya kong niyakap at nag Thank you sya ng napakarami.

"Oh baby?"

"Sunduin mo kami, may pupuntahan kaming show!"

"Anong show? At sinong kayo?"

"Show ng band ni Nash, Si Tiffany yung kasama ko."

"Si Tiffany?"

"Oo..."

"Sige, ngayon na ba? Wait lang mag bibihis lang ako."

"Wait? Ikaw ba talaga yan kuya?"

"Oo naman bakit nakalimutan mo na ba ang Charming Kong boses baby?"

"Ang pag kakakilala ko Kasi sa kuya ko ay kailangan ko pang pilitin bago mag 'Oo' sakin eh, O may gusto kang ma kita?"

"Huh? Oo Ikaw gusto kong makita miss ko na kaya baby ko, pati diba bad trip ka? Kailangan mo talaga mag punta sa mga show show na ganyan para makalimutan mo yang bad trip bad trip na yan."

"Yeah! yeah! Whatever! Bilisan mo nalang pumunta dito."

*****

"Buti nakaabot kayo!, Uumpisahan palang Yung main song." Salubong samin ni Yuri napatingin tuloy ako bigla dito Kay Tiffany at kuya na masayang nag ku-kwentuhan feeling ko din kasing may gusto tong si Yuri kay Tiffany eh.

Maya Maya lang ay nag sigawan na ang mga tao dahil lumabas na muli ang banda ni Nash at handa ng tugtugin ang main song nila.

"Itong kantang ito ang pinaka special sa lahat ng tinugtong namin ito ay para sa isang taong nag ngangalang Charliera."

WHOOO! WHOOO!

"Para daw sayo Lei Oh!" Sabi ni Tiffany

"Bakit ka naman nya ginawan ng kanta? At special pa sa lahat?" Tanong ni kuya

"ABA! Malay ko!"

"Gabing malungkot dahil ang show ng banda'y hindi natuloy.
Ako ay matamlay na umuwi sa tinutuluyan ko't dumaretso sa kwarto  para magpahinga at itulog sana ang lungkot,
Sa kama na pag mamay-ari ko ay may magandang babae ang natutulog,
Hindi maipaliwanag na ang pagod at lungkot ko ay biglang naglaho ng masilayan ang kagandahan nito.🎶

"Kagandahan daw oh?" Pang aasar ni Tiffany siniko ko lang sya para patahimikin.

"Natulog ka sa kwarto ni Nash?"

"Hindi! Sa kwarto ni Enzo ko natulog."

"What?!"

"Don't worries brother Wala si Enzo nun pumunta yun sa Bahay ni Sasha."

🎶Lei... Lei... Lei... Pinaligaya mo ang sanay malungkot kong Gabi.

At natapos ang kanta agad na pumunta ng back stage ang banda nila.

May isang babae ang lumapit sa akin,
"Ikaw po si Charleira?" Tanong nya.

"Opo." Nakangiti kong sagot.

"Pinapatawag ka po sa back stage."

*Back stage*

"Lei, kamusta yung ginawa kong kanta?"

"Ayos lang naman, Saka Ikaw palang yung taong gumagawa ng kanta para sakin."

"Masaya kong nagustuhan mo yung kantang ginawa ko."

Dahan dahan na lumapit sya sa akin kasabay ng dahan dahang pag dampi ng kanyang labi sa aking labi sandali din magkalapat ang mga labi namin ng humiwalay sya at nag sabing... "Sorry Lei hindi ko pala kaya." Saka mabilis na tumakbo at iniwan akong mag isa, nag tataka, nag guguluhan, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, para saan ang halik na yun? At bakit pakiramdam ko naiiyak ako ngayon?

PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon