Episode 12

1 0 0
                                        

"Sorry... n-nagulat lang ako of course! I will! I will be your wife, a mother of your child! I will marry you my love!"

Grabe! Kinabahan ako dun, huh! Akala ko makikita ng dalawang mata ko kung paano madurog ang puso ni kuya buti nalang mali ang akala ko... Nagulat lang pala sya.

Kita ko ang saya sa mata ni kuya habang isinusuot nya kay Tiffany ang singsing, ganun din ang saya na makikita sa mukha ni Tiffany pagkatapos nun ay nagyakapan sila... kita ko kung gaano kahigpit ang yakap nila sa isa't isa masayang masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Lei... Mag-usap tayo!" Napatingin ako sa lalaking katabi ko ngayon.

"Luke, Anong pag-uusapan natin?" Hindi na nya sinagot ang tanong ko basta hinawakan nya ko sa kamay at marahang hinila at dinala sa lugar na kaunti lang ang tao.

"Luke Ano ba? Mag co-Congratulate pa ko kay kuya at Tiffany!"

"Pwede mong gawin yan mamaya!"

"Ano ba kasi yun?"

"Anong sinabi nya sayo."

"Huh?"

"Anong sinabi ni Dad?"

"Totoo ba? Totoo bang may relation kayo ni Kendra at titira na kayo sa Thailand?"

"WHAT!?! OF COURSE NOT!!!"

"Pero... Pero narinig ko si Kendra naayos na nya daw ang ticket nyo at pwede na kayong pumunta sa Thailand bukas." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Lei..." Hinawakan nya ko sa dalawang balikat at iniharap sa kanya. "Nag-seselos ka ba?" Seryosong tanong nya sakin dahilan para mapaiwas ulit ako ng tingin sa kanya.

"Huh? Ako? Nag-seselos? Hindi huh! Bakit naman ako mag-seselos, wala naman akong gusto sayo..."

"Ako may gusto sayo." Napatingin ako sa kanya nang marinig ko iyon, kita sa mukha nya ang pagiging seryoso, tumalikod ako para mag walk-out ulit sana pero agad nya'ng hinawakan ang kamay ko para pigilan.

"Lei... huwag ka mag selos Ikaw ang gusto ko at si Kendra kaibigan ko lang sya may boyfriend yun sa Thailand at kaya ako pupunta ding Thailand ay dahil malalaman na ng lahat ngayon na ako si Adolf siguradong pagkakaguluhan ako ng mga paparazzi kaya kailangan ko lang huminga saglit doon bago sila harapin! Lei naiinditihan mo ba?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Tara na?" Aya ko sa kanya saka tumalikod na sa kanya para mauna.

"Lei... Hayaan mong patunayan ko sayo na gusto kita, sumama ka sakin sa Thailand!"

Sumama? Isasama nya ko sa Thailand dahil lang sa gusto nya ako? Dahil sa special ako sa kanya?

Bakit?... Bakit si Nash na nagsasabing mahal ako ay hindi naisipang isama ako? Bakit hindi nya ako Hindi sinama?

Lumingon ako kay Luke at ngumiti "Pag-iisipan ko."

"Pero Lei..."

"Luke, mamaya nalang natin pag usapan yan, Oras na para makilala ka nila." Sabi ko saka nauna nang mag lakad.

"Everyone attention please!" Umpisa ko ng mahawakan ang microphone na nasa DJ equipment.

"Gaya ng alam ng nakakarami sa inyo ay may inihandang Big announcement si Adolf para sa lahat at ako ang naatasang magsabi nun.

"Ngayong gabi! Makikita ng sariling mga mata ninyo si Adolf Handa na sya'ng magpakita sa atin!" Malakas na sigawan ang nadinig ko matapos kong sabihin iyon lahat sila excited makilala ang pagkatao ni Adolf.

"Si Adolf ay si Lu..." Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay may umagaw ng microphone sa akin.

"Ako! Ako si Adolf!" Umpisa ng impostor na lalaking ito.

"Ako si David Stevenson magazine editor ng Formanix at si Adolf na nagmamay-ari ng mahigit twenty bar's at party legend ay iisa!"

Pagkatapos nya sabihin ang mga iyon ang lahat ay nagkagulo halos lahat ng nandito ay kinukunan sya ng picture at nag-pa-pa-selfie sa kanya.

Naku! Patay! Pano ko ba itatama ang lahat gayung parang ako ang nagpakilala sa kanya, pano ko sasabihin sa kanila na hindi si Adolf ito at isa lang sya'ng impostor.

Habang busy ang lahat sa pagkuha ng picture ni David na ikinatuwa naman nya ay nagawa kong umalis at hanapin si Luke nakita ko sya'ng nakaupo sa isang couch at nakahawak sa ulo parang problemado sya... Hindi kaya galit sya sakin baka isipin nya na kasabwat ako ni David lalo pa't hindi nya nakita ang ginawang pag agaw ng mic ni David sa akin.

"L-Luke..." Tawag ko sa kanya.

Inaasahan kong galit nya kong titignan pero... Gulat at pag-aalala ang nakita ko sa mga mata nya tumayo sya at walang pasabing niyakap ako kaya ngayon nasa dibdib nya ang mukha ko lintek na hight kasi yan!

"Shh! Huwag ka na umiyak! Nakita ko lahat magagawan natin yun ng paraan!"

Umiyak? Umiyak? Umiiyak ako! Hindi ko napansin! Kinabahan talaga kasi ako kanina.

"S-sorry!"

"Huwag ka na umiyak please! Ayaw kong nakikita o naririnig manlang kitang umiyak!

"Gagawa tayo nang paraan kailangan lang natin ng evidence na nag-sisinungaling si Dad malalaman din ng lahat na ako ang totoong Adolf."

"Parang nasakin ang kailangan nyo!"
Napakalas ako sa pagkakayakap kay Luke ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Sasha? Anong ginagawa mo dito?"

"Listen! Andito ako para tumulong, hindi ko alam kung bakit ba pumatol ako sa walang kwentang lalaking yun! Pero ngayon itatama ko na lahat ng katangahan na ginawa ko, Charleira... Sorry, alam kong wala kang tiwala sakin pero please... Magtiwala ka ngayon."

*****
"Sasha? Sigurado ka ba?" Tanong ko

"Oo!" Nakangiti na sagot nya.
"Para sa katotohanan!" Dagdag pa nya

Dahil dun ay namatay ang lahat ng ilaw at lahat ng tao ay napatingin sa projector na naka set-up banda sa may exit.

Sa video na iyon makikitang magkausap si Sasha at David... At sumunod ay naglapat ang mga labi nila.

"Boss! Ano pa ang gusto mong gawin ko?" Tanong ni Sasha.

"Call me Adolf!"

"What? Pero... Hindi ka si Adolf!"

"Oo nga pero dalawa lang ang pangarap ko, Ang maging si Adolf o ang maging matalik na kaibigan sya!"

"But..."

"No buts! Call me Adolf!"

"Fine! Adolf!" Nang marinig nya iyon ay nagtatalon ito na parang bata, na-cut na doon ang video dahil wala ng dapat pang makapanood, malakas na tawanan ang bumalot sa loob ng bar ng ibalik ang liwanag lahat ng guest ay nakatingin sa iisang derection... Lahat sila ay nakatingin kay David!

PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon