Nasa harap na kami ngayon ng bubuksang bar ni Luke.
"Luke! Bro.. nabalitaan mo ba? May big announcement daw si Adolf?" Tanong ng isang lalaki kay Luke, grabe wala talagang nakakaalam na si Adolf na pala ang kaharap at kausap nila hindi manlang nila alam na close pala sila sa taong hinahangaan nila.
"Oo, nabalitaan ko nga..."
"Hindi na ko pakapaghintay sa kung ano ang big announcement na yun!"
"Sige, bro una na ko babalikan ko pa yung girlfriend ko." Paalam ng lalaki bago tuluyang umalis.
"Wala sya'ng kaalam-alam si Adolf na pala ang kausap nya!" Natatawang sabi ko.
Natawa din sya, nang magsasalita na sana sya ay may tumawag sa kanya na maganda at sexy na babae halos magkasing tangkad lang din sila maputi ang babae may straight long black hair din sya.
"Long time no see!" Sabi ng babae kay Luke ng makalapit sya sa amin.
"Buti nakarating ka!"
"Oo, Hindi ko pwedeng ma missed ang pag-tatanggal mo ng maskara Luke, na Ikaw at si Adolf ay iisa."
Alam nya? Sino ba ang babaeng ito at bakit alam nya ang sikreto ni Luke... Hindi kaya girlfriend sya ni Luke? Bakit ba ko nag kakaganito? Diba si Nash ang gusto ko? Bakit parang... parang nagseselos ako?
"By the way Kend si Charleira pala special na tao para sakin." Nagulat ako sa paraan ng pagpapakilala nya sa akin, hindi ko alam kung ano ang naging reaction ko basta napatulala nalang ako sa kanya.
"Lei si Kendra college classmate ko." Pagpapakilala naman nya sa babaeng kausap nya.
"Nice to meet you Charleira!" Inilahad ni Kendra ang kanya kamay tinanggap ko naman iyon, "Nice to meet you too, Kendra."
"Anyways... Alis na ko, hanapin mo nalang ako mamaya pag may free time ka. Sabi ni Kendra kay Luke bago naglakad paalis.
"Charleira!" Tawag sa akin ni Tiffany hanbang kumakaway ang kamay kasama nya si kuya at si Yuri.
"Ready to party?" Tanong ko ng makalapit sila sa amin.
"Yeah! But before mag C-CR muna ako ihing-ihi na ako eh!" Sabi ni Tiffany bago nagtatakbo papuntang CR.
"Lei, Yuri, pwede bang makausap kayo... Private?" Tanong ni kuya, hindi ko alam kung anong meron pero parang biglang kinabakan ako sa tono ng boses nya habang magsasalita, may problema kaya?
"Sige.."
"Luke labas lang muna kami, huh?" Paalam ko kay Luke.
"Sige... Dito dito lang ako."
*****
Nasa labas na kami ni Kuya at Yuri."Ano ba yung sasabihin mo kuya? Bakit kailangan pang private?" Tanong ko pero imbes na sagutin ang tanong ko ay may dinukoy ito sa bulsa ng gray jeans nya.
Nakita kong inilabas nya ang isang maliit na blue box sa bulsa nya at binuksan nya iyon para ipakita sa aming dalawa ni Yuri ang makinang na white diamond ring... Ring?
"Mag po-propose ka kay Tiffany?" Tanong ko.
"Oo! Gusto ko sanang kayo ang unang makaalam dahil bestfriend nya kayo kailangan ko din ng suporta nyo."
"Sigurado ka na ba dyan?" Napalingon ako kay Yuri ng magsalita sya, tanging tango lang ang naisagot ni kuya.
"Bro... Ayaw ko lang masaktan si Tiffany... su-suportahan kita basta ipangako mong kahit anong mangyare po-protect-tahan mo sya! Kahit anong mangyare intindihin mo sya! Kahit anong mangyare aalagaan at uunahin mo sya, bro ipangako mo kahit anong mangyare ikaw ang mag sisilbing pananggalang nya, Charles huwag mo sya papabayaan!"
"Pinapangako ko!" Tanging sagot ni kuya sa mahabang sinabi ni Yuri.
"Sigee mauna na kong pumasok hahanapin ko pa sya." Paalam ni kuya bago pumasok ulit sa bar.
Ngayon dalawa nalang kami ni Yuri na nasa labas,
"May gusto ka ba kay Tiffany?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Wala! Kapatid na kasi ang turing ko kay Tiffany kaya ayaw ko sya masaktan."
"Talaga?"
"Oo, sa totoo nga ay may nagugustuhan na akong babae ngayon."
"Talaga? Sino?"
"Sa ngayon hindi ko muna sasabihin sa inyo sana naiinditihan mo."
Tumango ako at nagsalita, "Sure kang hindi si Tiffany yun?"
Tumawa sya at nagsalita "Hindi nga, promise!"
"Sigee, at kung sino man yung babaeng nagugustuhan mo, ipakita at ipaparamdam mo lang sa kanya na gusto mo sya!
"...at ang tungkol kay Tiffany huwag ka mag-alala alam kong hindi sya masasaktan kay kuya."
Pagbalik namin sa kaninang pwesto namin ay wala na doon si Luke naglakad-lakad ako para hanapin sya ng makasalubong ko si David... Anong ginagawa nito dito may masamang kutob ako pakiramdam ko may gagawing hindi maganda ang matandang ito, bago paman ako makaiwas ay hinawakan nya ko sa braso.
"Sabihin mo sakin! Ano ang big announcement?"
"Bakit ko sasabihin sayo?"
"Alam mo mag-iingat ka sa anak kong iyon para sya'ng ahas na kahit alagaan ay kaya paring manuklaw!"
"Huwag mo kong bini-brain-wash kahit anong gawin mo hindi mo malalaman ang gusto mong malaman."
"Ganun ba? Hinahanap mo ba ang mahal kong anak? Ayun sya Oh!" Sabi ni David saka tumuro sa isang detection.
Nakita ko si Luke at Kendra na masayang nag-uusap.
"Naayos ko na yung ticket natin papuntang Thailand, pwede na tayong umalis bukas!" Mahina pero malinaw kong narinig ang sinabi ni Kendra, aalis sya? Iiwan nya ko? Bakit?... Bakit ba ko nasasaktan?
"Iiwan ka nya! Sasama sya sa totoong special na babae para sa kanya! Nagpaloko ka lang! kaya kung gusto mong makaganti sabihin mo sa akin ang big announcement! At pwede ka ulit mag trabaho sa fornamix!"
"Dad! Leave her alone!" Nagulat ako sa biglang pag dating ni Luke.
"Parang dapat ako ang mag sabi sayo nya'n, My son leave her alone!"
"Ano bang nangyayare? Charleira?"
"Your a snake David! Kahit anong gawin mo kahit magpalit ka man ng balat ahas ka parin!" Sigaw ko bago nag walk-out.
Habang naglalakad ako nakita ko si kuya na nakaluhod sa harap ni Tiffany hindi nya sinabing ngayon nya balak mag propose tumingin ako sa mga taong nakapalibot sa kanila nakita kong andon din si Yuri na nanonood.
"My love! Tinatanong kita! Will you marry me?" Kita ko ang pag hakbang paatras ng paa ni Tiffany kasabay nun ay ang pag sabi nya'ng "Sorry!"
BINABASA MO ANG
Party
RandomCharliera determined to find the career that suits her as well as true love moved and became an independent woman. but unexpected men's will enter her life and disturb her heart, how can she handle it? who will she choose? or will she choose someone...