Episode 10

0 0 0
                                    

"Luke, salamat, huh! Hindi ko alam pano iuuwi itong si Enzo kung wala ka." Pagpapasalamat ko kay Luke ngayong umaga habang nakaupo kami sa couch kasama ang may hangover pa na si Enzo.

"Sobrang lasing narin kasi ang mga kasama namin." Dagdag ko pa.

"Wala Yun! Ayos lang..."

"Luke! Salamat!" Nabaling ang tingin namin kay Enzo ng magsalita ito.

"Sorry din Lei hindi ko naman sinadyang gustuhing halikan ka, I'm just drunk." Nakatingin kasing paghingi nya ng tawad.

"Ok lang! Naiinditihan ko!"

"Salamat!" Tumayo sya pagkatapos sabihin iyon. "Kailangan ko ng umuwi, kailangan kong kausapin si Sasha! Kailangan nya magpaliwanag! Kailangan ko ng tapusin ang lahat saming dalawa! Ngayon sarili ko naman ang pagbibigyan ko!" Mahabang sabi nya, ngumiti sya at nag sabing aalis na.

Naglakad sya papunta sa pinto, binuksan nya iyon at lumingon saming muli,

"Hindi ko alam anong meron sa inyong dalawa pero Luke... Pakibantayan sya, Huwag mo sanang pabayaan si Lei."

"I do! You don't need to asked me!"

Katahimikan... Katahimikan ang bumalot saming dalawa ni Luke ng tuluyan ng makaalis si Enzo.

"Sorry.." napatingin ako kay Luke ng basagin nya ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"For what?" I asked.

"Sorry kasi... Kasi dinamay kita sa galit ko Kay Dad, nagalit ako sayo kahit wala kang kasalanan... Sorry talaga."

"Ok lang yun! Naiinditihan kita."

"Thank you." Bahagya akong natawa at nagtanong ulit ng "For what?"

Yumuko sya at bahagya ding sya'ng natawa at umiling-iling saka nag salita.

"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, I'm just want you to know me better..." Tumingin sya sakin saka nagpatuloy magsalita.. "Charleira gusto kong makilala mo ako bilang Luke at bilang Adolf, gusto din kitang makilala Charleira!" Seryoso ang mga mata nya na nakatitig sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Pwede ba tayong mag date?" Hindi ko maintindihan pero tila naubusan ako ng hininga matapos kong marinig ang tanong nya.

"Charleira... Ipapakita ko sayo ang Mundo ko.. Mundo kung saan umiikot ang buhay ng isang urban legend, pwede ka bang sumama sa akin?"

Napatitig pa ako sa kanya ng ilang segundo bago ngumiti at tumango bilang sagot sa tanong nya nagbalik naman sya ng ngiti sa akin.

*****

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Luke habang nag lalakad kami sa maliit na eskinita, nang umpisa kaming pumasok dito ay magkasabay pa kaming naglalakad pero habang papasok kami ng papasok ay mas lalong lumiliit ang daan na halos isang tao nalang ang kasya kaya ngayon ay nakasunod nalang ako sa kanya.

"Huwag ka matakot! Sumunod ka nalang sa akin!" Sagot nya.

Sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan hindi talaga ako nakakaramdam ng takot o kaba manlang simula kanina pa, ganun ba talaga ako nag titiwala kay Luke?

Nang marating namin ang dulo ay nakita kong may pintong bakal doon na pininturahan ng kulay Abo o Gray.

Binuksan nya iyon at tumambat sa akin ang malawak na espasyo may malaking stage din sa ginta nito kung saan nag sasayaw ang mga nandoon, sa kabilang dulo ay nandoon ang malaking bar area kung saan nag tatrabaho ang bartender, sa bandang kanan ko ay mga game gaya ng bilyard at darts may mga couch din doon, sa kaliwa ko ay  may naglalakihang speakers at sa gitna ng mga speaker na iyon ay naka set-up ang DJ equipment na pinapatugtog ng Dj sempre.

PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon