Episode 13

0 0 0
                                    

"So who's the real Adolf?" Tanong galing sa mga guest.

"The real Adolf is next to me! Luke Stevenson!" Pagpapakilala ko sa tunay na Adolf, lahat sila ay nagpalakpakan maraming kumuha ang picture at nag-pa-selfie sa kanya, may iilan ding paparazzi ang hiningi ang interview nya.

Ako, si Yuri at si Sasha kaming tatlo ay magkakasamang naka upo sa couch.

"Salamat sa tulong mo!" Sabi ko kay Sasha.

"Wala naman akong ginawa!"

"Anong Wala! Kasiraan mo kaya Yun! Pero nagawa mong ibigay para sa katotohanan hanga ako sayo Sasha." Pagpuri naman ni Yuri na sinasang-ayunan ko din naman.

"Isipin nyo nalang kapalit yun ng mga Mali kong nagawa, salamat kasi napatawad nyo ko."

*****

Nagising ako sa napakaingay kong cellphone Hindi alarm tawag... Tawag galing kay Luke! Napabangon ako ng makita ko iyon.

"Luke! Hello!"

"Hi, kamusta ka?"

"Ayos lang!"

"Buti naman, I miss you! Pag balik ko dyan babawi ako sayo! Malapit na yun promise!"

"Sige, hihintayin kita, dapat maganda yung pambawi mo sakin!"

Nasa Thailand na sya isang linggo narin mahigit, hindi ako sumama kasi gusto ko makatulong sa preparation ng kasal ni kuya... Speaking kasal ni kuya ngayong araw nga pala yung engagement party nila, napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.

Oh! My! God! Agad akong nag pa-alam na ibababa ko na ang tawag kasi ma le-late ako sa engagement party dumaretso na ko sa Cr, naligo, nagbihis at nag apply ng manipis na make-up.

Paglabas ko ng bahay ay agad akong nag hanap ng masasakyang taxi pero ang malas kasi walang dumarating.

"Charleira!"

"Adonis?" Nakasakay ito sa motor nya.

"Saan punta mo?"

"Engagement party ng kuya ko! Ma le-late na nga ko eh, hindi ako maka hanap ng masasakyang taxi."

"Hatid na kita gusto mo?"

"Ayos lang ba?"

"Oo naman, Ikaw yan eh!"

Agad akong sumakay sa motor nya.

Nakarating na kami sa bahay ni kuya, Oo may bahay si kuyang sarili dito pero Ewan ko din kung bakit gusto kong bumukod pero ayos naman diba kasi nakilala na nya yung magiging wife to be nya at yung babaeng makakasama nya sa bahay nya.

"Salamat Adonis, huh! Dahil sayo hindi ako na late."

"Sige, Wala Yun! Sa uulitin."

Ngumiti ako sa kanya at nag doorbell na.

"Sa wakas andito na ang maid of honour ko!" Sabi ni Tiffany pagkapasok ko.

Ilang minutong kwentuhan para sa mga plano sa kasal venue, church, food at pati ang outfit ng mga bridesmaid.

May kauting palaro din sa party at ang kainan.

Habang kumakain ay Masaya paring nag ku-kwentuhan.

"Kamusta na kaya si Enzo?" Natanong ni Yuri.

Oo nga Noh, kamusta na kaya sya.

"Sana ayos na sya, babalik naman siguro sya kapag naka move on na sya."

Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay tumunog ang doorbell.

"Ako na titingin.." Sabi ko saka tumayo at pumunta sa pinto para silipin kung sino iyon.

PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon