Isang linggo narin ako dito sa friendsmate at kwarto ko na ang dating kwarto ni Enzo simula nung lumipat sya sa bahay ni Sasha ay nanatili na ako dito at hindi ko na kailangan umalis pa.
Patakbo na akong pumunta sa sakayan ngayon ang unang araw ko sa trabaho at hindi ako pwede ma late, pasakay na sana ako ng taxi nang tumunog ang cellphone ko agad kong kinuha iyon sa bag at nakita ang isang unread messages mula sa aking boss "Don't forget to bring coffee." Coffee? Saan ako bibili ng kape? It's my first day hindi ako pwedeng pumalpak. Ganun nalang ang saya ko nang mamataan ko ang isang coffee shop sa kabilang bahagi ng kalsada na kinaroroonan ko, agad akong tumawid at pumasok sa coffee shop.
Dahil sa pagmamadali ay hindi ko napansin ang lalaking palabas ng coffee shop at agad ko sya nabunggo.
"Sorry...Enzo!?" Si Enzo ang nakabungguan ko, nung Friday Friend-day ko pa sya huling nakausap at hindi ko na alam kung pano sya kakausapin ngayon.
"Lei, kamusta? Anong hinagawa mo dito?"
"Ok lang naman ako, first day ko sa trabaho at bibili nga ako ng kape para sa boss ko."
"Mabuti na nakahanap ka na ng trabaho."
"Oo nga eh, Sige una na ko bibili pa ko ng kape eh baka ma late pa ko."
"Sige ingat ka."
****
Sakto lang ang pag dating ko sa trabaho nga pala hindi ko pa nasasabi ang trabaho ko ako ay assistance ni Elena ang magazine editor ng BB (BigBest) mag uumpisa na ang photo shoot ng mga model kaya medyo busy na ang lahat at kahit si miss Elena.
Iniabot ko sa kanya ang kape nya nagbigay kaluwagan sa pag hinga ko ang pag ngiti nya sakin dahil ibig sabihin nun ay mabait na amo sya,
Iniwan nya ko at nag sabing babalik sya o ipapatawag nya ako kung kailangan nya ako ng tumunog ang cellphone nya.
Ilang minuto palang akong nakatayo dito at pinapanood ang photo shoot ng may lalaking lumapit sa akin,
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalaki.
"Nag tra-trabaho ko dito first day ko." Sagot ko.
"I mean dapat kasama ka na ng ibang models at nag hahanda na para sa shoot mo."
"MODELS?! Sorry nag kakamali ka hindi ako model ako ang bagong assistance ni miss Elena."
"Sorry akala ko isa ka sa mga model, Maganda ka Kasi." Sabi nya na may ngiti sa labi.
Nagagandahan daw sya sakin enebe!
"Ako nga pala si Adonis," pagpapakilala nya na nilahad pa ang kamay para makipag kamay, "Art director ng BigBest."
"Charleira." Sabi ko kasabay ng pag tanggap ng kamay nya upang makipag kamay.
"Sige charleira mauna na ko sayo marami pa kasi akong dapat asikasuhin." Pagpapaalam nya, ngumiti ako at tumango bilang sagot.
"Sige mag kita nalang ulit tayo, sana magkaroon ng pagkakataon na lumabas tayo kain tayo sa labas ganon." Sabi nya bago ako lagpasan at tuluyang umalis.
Ano yun kakakilala lang namin gusto na nya agad ako ilabas... I date? Ahh weird.
Natigil ako sa pag iisip sa wirdong art director na yun ng may mag salita mula sa likod ko kaya nilingon ko kung sino iyon.
"Anong outfit Yan?" Tila nang iisultong sabi ng lalaking halos kasing edad lang din ni miss Elena mga nasa 30's siguro.
"Excuse me, what are you trying to say?"
"Na mukha ka daw matandang tao mula sa panahong 18's." May babaeng boses ang nagsalita mula sa likuran ko at pamilyar ito sa akin, nilingon ko sya at...
"Sasha! Pati ba sa trabaho ko hindi mo ko tatantanan.
Anong problema sa suot kong black skirt and white blouse with black doll shoes... Well mukha nga naman akong 18's kapanahunan ng black and white pero makapanlait ng outfit akala mo Naman ang perfect ng suot nya eh mukha naman sya'ng puto bumbong sa suot nya'ng Violet fitted dress na pinaresan nya ng Violet heels, Mas ok Naman tong suot ko Noh.
"Makapanglait ka dyan akala mo naman ang ganda mo sa suot mo eh mukha ka namang puto bungbong."
"WHAT!?" Galit na galit na sigaw nya, balak pa nga nya ko sugurin ng...
"David!!! Dont harass my assistant!" Malakas na sigaw ni miss Elena habang mabilis ang hakbang na papalapit sa kinaroroonan namin.
"David? David Stevenson? Ang magazine editor ng Formanix?" Ang magazine na nangunguna sa kasikatan bakit Hindi ko agad nakilala itong si David Stevenson?
"Yup, The one and only David Stevenson magazine editor of Formanix, My boss." Pagpapakilala ni Sasha sa boss nya.
Natigilan kaming lahat ng bumusina ang bagong dating na sasakyan bumaba doon ang magandang babae Wala sa itsura nya edad nya'ng 49 Ang babaeng ito ang boss ni miss Elena, kasunod ng babae na lumabas ng kotse ay si Enzo, What? Si Enzo? Oo si Enzo nga yan, nag tama ang mga mata namin at halatang nagulat din sya na nag kita kami ngayon dito pero anong ginagawa nya dito at bakit nya kasama ang boss ni miss Elena?
"Gaya ng alam nyo may nag-iisa akong anak si Enzo at ngayon ay handa na para pag aralan ang pamamahala ng mga negosyo ng pamilya namin at nandito kami para I shot down ang BB dahil gustong ni Enzo na mag focus sa Formanix at iyon ang desisyon ng anak ko." Sabi ng babae
Noooo....! Ito ba ang first and last day ko sa trabahong toh?
"Hindi ako makapaniwala, there's shutting down BigBest!" Sabi ni Adonis.
"Pwede ba? Huwag ka O,A hindi naman totally I sa shot down kayo gusto lang nila kayong maging part ng Formanix." Sabi ni Sasha.
"That even worse!"
"HINDI..!!!, HINDI AKO PAPAYAG! MA'AM EMERSON PASENSYA NA BUT I WILL NOT ALLOW TO HAND MY MAGAZINE TO THIS SON OF DEVIL!!!" Pasigaw na sabi ni miss Elena mula sa silid kung saan sila nag uusap ni ma'am Emerson ang boss nila at Ang mommy ni Enzo.
"Charleira, Lei Sorry I swear hindi ko alam na dito ka nag..." Hindi na natapos ni Enzo ang sasabihin nya ng tawagin sya ni ma'am Emerson para sumali sa pag pupulong nila ganun din si David Stevenson.
"Hindi pala nasabi sayo ni Enzo na si ma'am Emerson ang mother nya." Mataray na sabi ni Sasha sa akin.
"Well No, and I have feeling na kaya ka Sana position mo ngayon ay dahil sa relationship nyo ni Enzo, may I right?"
"of course not dahil sa hard work ko kaya ako nandito ngayon and I deserve it!, at hindi ko kasalanan na lahat ng gusto mo ay hindi mapasayo dahil may mas magaling sayo at ako yun!"
Mag sasalita na sana ako ng lumabas na si David at si Enzo sa office ni miss Elena.
"Let's go!! Time for some celebration!"
Parang sabog na sigaw ni David pag labas na pag labas palang nito ng pinto.Para namang takas mental itong si Sasha na naka ngiti habang pumapalakpak.
"Mag usap tayo mamaya, huh?" Pa bulong na sabi sakin ni Enzo.
"Enzo!? Bilisan mo!" Utos ni Sasha kaya agad namang nag lakad palapit si Enzo sa kanya.
Napapailing nalang ako habang sinasabi sa isip kong kawawang Enzo ina-under lang, Saka buntong hininga.
Sandali lang ay lumabas na din si ma'am Emerson "Sorry for BigBest Elena." Sabi pa nito bago isara ang pinto

BINABASA MO ANG
Party
De TodoCharliera determined to find the career that suits her as well as true love moved and became an independent woman. but unexpected men's will enter her life and disturb her heart, how can she handle it? who will she choose? or will she choose someone...