Episode 06

0 0 0
                                    

"Kamusta Ang date? or mas mabuting itanong na kamusta ang ka date?" Tanong ni Tiffany sakin.

"Ok lang naman, sweet din sya."

"Owww...! Sssssweeeeettttt."

"Hay Nako, Tiffany tigilan mo ko!"

"Sabi ko naman kasi sayo diba bagay at may spark kayo ni Nash."

Sinamaan ko sya ng tingin.

Tumawa sya at nag sabing "Ok, ok! Mananahimik na ko! Baka makain mo pa ko ng buhay."

"Ok Sige Tiffany makakalabas ka na sa kwarto ko kasi kailangan ko pang tapusin ang article na toh bago pumasok mamaya sa trabaho."

"Ok girl! Good luck!"

*****

Huminga ako ng malalim bago bahagyang binuksan ang pinto ng office ni miss Elena parang wrong timing ako tila mainit kasi ang ulo ni miss huwag nalang sana akong mapagalitan, tuluyan ko nang binuksan ang pinto at pumasok, agad kong pinatong sa mesa ni miss ang article na ginawa ko kinuha nya iyon at inumpisahang basahin.

Kita ko parin sa mukha nya ang pagiging bad mood habang binabasa ang article na ginawa ko.

Pahampas na ibinaba nya iyon at nag sabing "What this!?!"

"Charleira! Hindi ganito ang inaasahan ko! What make this special? This just normal date!"

"Pero miss sirugado kong magugustuhan yan ng mga reader's natin marami po ang makaka relate dyan."

"I don't care! Hindi ko alam, bakit ko nga ba pinaubaya sa isang assistant ang writing works." Sabi ni miss Elena.

"I'm sorry Charleira! I'm going to have to let you go!" Dugtong pa nya bago tumayo at lumabas ng office nya.

"Your firing me!?!"

Hindi ko na alam ang iba pang naganap nakita ko nalang ang sarili ko na nasa loob ng star club kasama sila kuya Charles, Tiffany, Yuri at Enzo.

"One More round!" Sigaw ko.

"Pero Isa na sa inyo ang taya, huh? Alam nyo namang wala kong trabaho ngayon!" Dugtong ko pa.

"Sige ako na bahala dyan." Sabi ni kuya. Actually madalas akong pagbawalang uminom nya'n ni kuya naiinditihan nya lang talaga ko ngayon, sa ngayon hindi sya umiinom talagang binabantayan nya lang ako, well hindi ko alam kung ako nga ba o si Tiffany HAHAHA!

"The best ka talaga kuya!"

"Lei kung may kailangan ka, andito lang ako... I mean kami... Lahat kami nandito para sayo." Sabi ni Enzo

"Cheers to that! Cheers for Lei!" Sigaw ni Yuri.

"Cheers!" Magkakasabay na sigaw namin, pero nakita ko si kuya walang imik at nakatingin lang samin.

"By the way kailangan ko nang magpaalam, may party ang fornamix ngayong gabi at kailangan ko ng mag handa para doon.

"May party kayo sa fornamix?" Tanong ni Tiffany.

"Oo"

"Enzo you have to get us on the list!" Sabi ni Tiffany.

"Tama, kung tutuosin ay may kasalanan ka rin sa nangyari Kay Lei, kaya kailangan, bumawi ka bro!" Pag sang ayon naman ni Yuri.

"Guy's ayaw ko pumunta dun!"

"Lei, trust us, mag eenjoy ka!" Sabi ni Tiffany.

"Let's gooo! Kailangan na nating mag handa! Dapat maging maganda tayo mamayang gabi." Hinawakan nya ko at tumingin sya kay Enzo.

"Get us on the list!" Sabi nya dito bago tuluyan akong hilain palabas ng star club at papunta sa kotse ni kuya at sempre kasunod namin si kuya.

Pagka dating namin sa Friendsmate ay dumaretso kami sa kwarto ni Tiffany, parang wala talaga akong choose kung hindi sumama sa kanila at makipag party sa fornamix.

Namataan ko nalang ang sarili ko na nasa loob ng lugar kung saan may mga taong nag gagandahan ang mga kasuotan may mga makukulay ding ilaw andito na kami sa party celebration fornamix habang ako sawi and no work.

Isang babaeng naka Violet gown ang nakabangga ko ng mag so-sorry na sana ako ay binawi ko iyon dahil mas dapat na mag sorry sya sakin sya si Sasha umpisa palang ng pag dating ko dito ay talagang sinira na nya ang buhay ko!

"Aggh saang lupalob ba ko pupunta kung saan walang sisirang ikaw sa mood ko!" Sabi ni Sasha.

"Sa Zoo." Maikling sagot ko.

"Zoo?"

"Oo sa Zoo bagay ka dun hayop ka diba?"

"Alam mo Charleira... Walang kahit na sinong makakapag bad mood sakin ngayon kasi nandito ako para mag celebrate sa lahat ng hard work at tagumpay ko." Sabi nya saka tumalikod na mga ilang hakbang lang ay huminto sya at muling nilingon ako at nag sabing "God luck to your career!" Saka nagpatuloy sa pag lalakad na parang baklang narampa sa stage.

Nagulat ako ng may kumiliti sa beywang ko napaharap ako sa taong yun nakita ko si Nash na nakatayo habang tumatawa dahil kakatawa daw ang naging reaction ko.

Nakatingin ako sa kanya ng masama habang sya ay tumatawa, maya maya lang ay tumigil sya sa pag tawa pero ako ay nakatingin parin ng masama sa kanya.

"Dance with me? Beautiful!" Tila nalusaw ang puso ko sa binitawang salita nito, Ang simple lang naman ng sinabi nya pero ibang yung impact dito sa puso ko.

Tumawa nalang ako at hinampas sya sa braso, hinimas nya ang braso nya na hinampas ko at nag sabing "Ouch.... Ang sakit mo pala mag mahal!"

"Huh?"

"Wala! Sabi ko tara sayaw na tayo."

Ilang minuto din kami sa dance floor ng magpaalam si Nash na kukuha sya ng maiinom bumaba kami pareho at naupo ako sa isang couch habang hinihintay sya pero nakaka ilang minuto na ay wala paring Nash na bumabalik.

Tumayo ako at ginala ko ang paningin ko para hanapin ang mga kasama ko, una kong namataan si Yuri nakaupo sya sa upuang malapit sa bartender at may kausap itong babae, sunod ay nakita ko naman si Tiffany at kuya na nag sasayaw sa dance floor, si Enzo naman ay kasama si Sasha na nakaupo sa couch at si Nash asan na nga ba yun si Nash... Ayun sa bandang kaliwa ng bartender at may kausap na babae tila nabasag ang puso ko sa nakita kong iyon.

Kasalukuyang mainit ang ulo ko ng may lumapit saking lalake "enjoying yourself ?" Tanong nya.

Nakita kong nakatayo si David sa tabi ko.

"Is it true that Elena fired you?" Tanong nya. Ang Balita nga naman may pakpak.

"I Feel sorry for you." Dugtong pa nya.

"Tingin ko stress lang talaga si miss Elena at ginawa lang nya ang alam nya'ng tama."

"Wow! Hindi mo pa nga kilala si Elena.

"I tell you a secret, me and Elena are ex marriage."

Nagulat ako sa balitang iyon hindi na ako nag salita at hinintay ko nalang ang mga sasabihin pa nya.

"May nag iisa kaming anak na lalake mahal na mahal ko ang pamilya ko at ginawa ko ang lahat para mapanatiling buo kami, pero nang lalake si Elena at isang gabi nawala nalang sya bigla at sinama nya ang anak namin.

"Why you telling this to me?" Tanong ko ng matapos sya'ng mag kwento.

"Dahil gusto kong magtiwala ka sakin... Mabait at may talento kang bata malayo ang mararating mo." Sagot nya. Kung totoo ang lahat ng kwento nya ay hindi pala masamang tao si David Stevenson.

"Gusto mo bang mag trabaho para sakin?" Tanong nya.

Tatanggapin ko ba o Hindi?

PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon