Chapter 11
Miah's POV
Papunta ako ngayon sa soccer field kung san kami mag uusap ni Kayzee yun kasi ang napag usapan namin, hindi ako masyadong nakatulog dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Kayzee kapag nalaman niya. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan 'to, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sa lahat sinalihan ko iba ito sa lahat kapag kasi may event or something sa school namin ako lagi participant pero kahit konti hindi manlang ako nakaramdam ng kaba, chill lang ako.
Nakita ko si Kayzee nakahiga sa ilalim ng puno, yung isang braso niya nakapatong sa mata niya. Ang hot niya tignan sa pwesto niya. My gosh Miah!! ngayon mo pa talaga naisip 'yan. Habang palapit ako ng palapit lalong lumalakas yung tibok ng puso ko. "K-Kayzee." -bigla niyang inalis yung braso niya. Nagulat nalang ako ng bigla niya ako hatakin at inakbayan at ginulo ang buhok ko na naging dahilan para lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Whooo kalma lang heart, chill ka lang.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay dito." -sabi nya pagkatapos guluhin ang buhok ko :3 nakakunot ang noo niya na parang naiirita. "Ano nga pala yung sasabihin mo?" -bigla na naman ako kinabahan.
"M-mamaya ko nalang sasabihin. Pwede ba kumain muna tayo? Nagugutom na kasi ako." -pagdadahilan ko. Ngumti siya kaya parang lalo ako matutunaw dahil sobrang gwapo niya ngumiti. "Sure. Alam mo namang malakas ka sakin eh." -tumayo nako at naglakad kami palabas ng school. Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak papunta sa mga nagtitinda ng mga street foods. "Ito nalang muna kainin natin, tutal hapon narin naman." -nakangiting sabi ko sa kanya, ngumiti siya kaya naman para na naman akong matutunaw at feeling ko nasa ulap ako, oa na kung oa pero yung talaga nararamdam ko everytime na kasama ko siya.
Tumusok ako ng tatlong fish ball at sinawsaw ko sa sweet sauce at sa suka. Napangiwi naman si Kayzee. "Anong lasa nyan?" -halos matawa ako ako reaksyon niya dahil yung mukha nya parang diring-diri linapit ko sa kanya yung fish ball bigla naman siya lumayo. "Shunga. Masarap 'to tikman mo muna kasi bago ka mandiri parang hindi naman pilipino eh." -nilapit ko yun sa kanya. Tinitigan niya muna bago kainin. Bigla ako natawa dahil sa reaksyon niya. "Oh diba masarap?" -nakangiting sabi ko sa kanya. Nag thumbs up naman sya, kaya sinubo ko na sa kanya yung natitira.
"Ang sweet nyo naman mag syota" -nagulat naman kami sa sinabi ni manong tindero. Chismoso 'tong si manong. "H-hindi ko po siya boyfriend. Tsaka bakit 'syota'? Ibig sabihin kung kami man 'short time niya lang ako? Manong talaga." -medyo nainis ako sa kanya. Hmp. "Sori ineng" -hmp. salitang sorry na nga lang hindi pa maibigkas ng tama. "Okay lang po. Ito po bayad." -nayayamot kong binigay yung bayad at hinatak na si Kayzee. Habang naglalakad kami narinig ko naman siya tumatawa ng mahina. "Tatawa-tawa ka pa dyan. Sapakin kita dyan eh!" -naiinis na sabi ko. "Haha. Ang sungit mo kasi." -sabi niya at marahang pinisil ang ilong ko.
Nandito na ulit kami sa ilalim ng puno. Nakahiga kaming dalawa habang tinitingnan yung langit. "Ano nga pala yung sasabihin mo?" Bigla na naman ako kinabahan sa tanong niya. Umupo ako, ganun din sya seryoso akong nakatingin sa mata niya, habang siya naman ay parang nagtataka sa naging reaksyon ko.
"M-mahal kita Kayzee." -nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
Natahimik siya sandali na naging dahilan para lalo akong kabahan. Ilang segundo rin ang tumagal bago siya nakapag react ulit. "Y-you can't love me." -malamig na sabi niya. Nanigas naman ako sa kinauupuan ko.
***********************************************************************************************************
(A/N: HAHAHA sorry po~ bawi nalang ako mamaya or bukas. Love yaaaahhhh all)
3:07 PM
|| All Rights Reserved 2015 ||
|| MSstranger097 ||
Vote and Comment Please!?
BINABASA MO ANG
The Worst Regret
Romance"Minsan sa buhay, kung sino pa 'yung pinag-kakatiwalaan mo ay sila pa 'yung sisira sa'yo." **************************************************************************************** © All Rights Reserved 2014 || MSstranger097 ||