Chapter 15
Miah's POV
I'm so excited! Ngayon lang ako na-excite ng ganito. Usually kasi kapag pumapasok ako sa school parang normal na araw lang para sakin, may mga oras pa nga na tinatamad nako pumasok. Pero ngayon parang gusto ko na palagi pumasok, kasi araw araw kong makakasama si Kayzee.
"Kayzee pwede ba after ng class... Uhm" -biglang kumunot yung noo niya. "What is it?" -seryosong sabi niya.
"Uhm.. P..pwede bang..." -lalong kumunot yung noo niya at nakita ko sa mata niya ang pagka irita.
"Oh come on spill it." -mariin na sabi niya. Oh galit na po siya. Nahihiya akong napatingin sa kanya.
"Pwede ba tayong mag date?" -nahihiyang sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Please!? Sandali lang naman tayo, kakain lang tayo tapos mamasyal. Then, uuwi na. Please!?" -nag puppy eyes pa ko sa kanya. Napabuntong hininga siya at pumikit ng mariin. "Ok." -napipilitang sabi niya hindi ko nalang 'yon pinansin. Ngumiti ako ng malapad patalon akong pumunta sa kanya at mabilis na pinulupot ang kamay ko sa leeg niya at hinalikan siya sa pisngi. "Yey! Excited nako! Isasama ko si Yuri para masaya!" -excited na sabi ko. Namutla naman siya sa sinabi ko. Pero agad din naman nawala yun, "Ikaw bahala." -igting pangang sabi niya. Teka galit ba siya? Masyado na ba akong makulit? Napayuko nalang at umatras, nagtaka naman siya sa naging reaksyon ko.
"May problema ba?" -Nakakunot na tanong niya. "Wala. Baka kasi nakukulitan ka na sakin kaya lumayo ako ng konti." -Nag pout ako at yumuko. Napapitlag ako ng bigla niya akong inakbayan. "Silly. Hindi ganun yun. Immune nako sa pagiging makulit at maingay mo." -natatawang sabi niya kaya siniko ko siya sa tagiliran. "Pero kailangan bang isama pa si Yuri?" -pagpapatuloy niya. "Bakit ayaw mo ba siya kasama." -nagtatakang tanong ko.
"No it's not that.. uhm ah shit. Nevermind." -naiinis na sabi niya. Napangiti ako tinusok ko 'yong tagiliran niya. "Bakit? Naiilang ka ba? May gusto ka kay Yuri noh?" -tukso ko sa kanya. Actually parang wala lang sakin yung sinabi ko kay Kayzee tsaka malaki tiwala ko kay Yuri, gusto ko talaga kasama si Yuri para makapag bonding kami with Kayzee.
"Tara na nga. Baka ma late pa tayo." -naglakad na kami habang siya ay naka akbay parin sakin, kinilig naman ako sa ginagawa niya. Nakita ko yung mga nakakasalubong namin na nakatingin samin pero hindi na lang 'yon pinansin, sakto namang nakasalubong namin si Yuri. Napansin kong tinanggal ni Kayzee ang pagkakaakbay sakin, nalungkot ako sa ginawa niya. Bakit niya tinanggal? Baka nangawit na siya. Nagkibit balikat nalang ako. "Yuri! Kamusta? Papunta ka na ba sa room mo?" -nakangiting sabi ko. "Obvious ba?" -cold na sabi niya. "Hmp. Sungit mo naman. Oo nga pala buti nakasalubong ka namin. I just want to invite you, may date kasi kami ni Kayzee mamaya sama ka ha? Susunduin ka namin mamaya sa room mo." -nakangiting sabi ko sa kanya.Wala siyang reaksyon umalis nalang siya sa harap namin. Tinignan ko si Kayzee na sinusundan ng tingin si Yuri. Nakaramdam ako ng selos pero hindi ko dapat maramdaman 'to. May tiwala ako sa kanilang dalawa.
"Halika na Kayzee." -Tulala parin siya nakatingin parin sa dinaanan ni Yuri kanina. "Huy!" -bahagya siyang napalundag. "O-oo halika na baka ma late tayo." -parang wala sa sarili niyang sabi, nauna na siyang maglakad, nagtataka ako sa kinikilos niya anyare dun?
***
Excited akong napatayo dahil kakatapos lang ng class namin. Ang lawak ng ngiti ko "Kayzee halika na dali. Puntahan muna natin si Yuri sa room niya." -excited na sabi ko. Hinawakan ko yung kamay niya at hinatak.
Pagpunta namin sa room niya nakita ko na parang kinakausap siya ng adviser niya. Naghintay muna kami sa labas. Napatingin ako kay Kayzee parang nakatitig siya kay Yuri. Kanina pa siya tahimik, hindi ko napigilan na tanungin siya. "May gusto ka ba kay Yuri?" -humaarap siya sakin na nanlalaki ang mga mata. "B..bakit mo natanong?" -nauutal na sabi niya. "Kanina kasi nung nakasalubong natin siya inalis mo yung pagkaka akbay sakin saka kanina mo pa siya tinititigan." -tuloy tuloy na sabi ko. Nakakainis na kasi kanina pa siya ganyan. "Wala. Wala akong gusto sa kanya. Ikaw ang gusto ko, ano ka ba." mariin na sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya kaya hindi napigilan yakapin siya at halikan siya sa pisngi, niyakap niya rin ako pabalik. Napatingin ako sa likod niya, nakita ko dun si Yuri nakatayo sa pintuan and as usual poker face na naman siya. Napangiti naman ako. "Oh Yuri nandyan ka na pala" -nakangiting sabi ko. Nanigas naman si Kayzee sa kinatatayuan niya.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Worst Regret
Romance"Minsan sa buhay, kung sino pa 'yung pinag-kakatiwalaan mo ay sila pa 'yung sisira sa'yo." **************************************************************************************** © All Rights Reserved 2014 || MSstranger097 ||