Chapter 16

51 3 0
                                    

Chapter 16



Miah's POV



We're here at Gerry's grill dahil balita ko favorite restaurant nya 'to. Pano ko nalaman? Nang stalk lang naman ako.. 


Pagkapasok namin agad kaming sinalubong ng babae, I think waitress sya dito. "Good Evening Ma'am, Sir. Ilan po sila?" -nakangiting sabi niya kay Kayzee, yes tama yung nabasa nyo para kasing si Kayzee lang ang kausap niya eh. Wala sa sariling napairap ako hindi ba niya nakikita na tatlo lang kami? Tss.



"Three." -walang ganang sabi ko. Napatingin siya sakin at ngumiti "This way ma'am, sir." -sabi niya sinundan namin siya. Kanina pa ako nahihiwagaan sa dalawang 'to kanina pa kasi sila tahimik at kanina pa ako daldal ng daldal pero walang imik yung dalawa, kung hindi pa ako magtatanong hindi sila iimik, kaya medyo kanina pa ako naiirita sa dalawang 'to. Pinipigilan ko lang dahil ayaw kong sirain ang araw namin, espesyal para sakin ang araw na 'to kaya hangga't maaari ayoko sila sigawan kahit kanina ko pa gusto. 



Dumating yung waitress na nag assist samin kanina dito at isa isa kami binigyan ng menu, "Anong gusto mo Yuri?" -nakangiting tanong ko kay Yuri. "A..ah ano nalang grilled squid at isang tanduay ice." -seryosong sabi ni Yuri. Wait did I heard it right.Umiinom siya? naguguluhan akong napatingin sa kanya pero parang wala siyang pakialam. Napatingin din sa kanya si Kayzee parang may sinasabi yung mga mata niya, pero agad din nabaling yung tingin niya pabalik sa menu, nakita niya siguro na nakatingin ako sa kanya. Nagkibit balikat nalang ako...




Kayzee's POV 




Shit! Kung alam na mangyayari 'to di na sana ako pumayag, kaso hindi ko siya matanggihan kasi baka mag hinala o baka kasi gusto ko rin. Oh fuck this is frustrating -_- Alam kong kanina pa nakakahalata si Miah pero fuck hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya at kanina niya pa ako hindi tinitignan kaya mas lalo akong nag aalala.. 



Hinawakan ko yung kamay niya mula sa ilalim ng lamesa, magkatabi silang dalawa at ako naman ang nasa harapan nilang dalawa. Kanina ko pa hinawakan kamay niya sa ilalim ng lamesa pero kanina pa niya iniiwas. Mas lalo pa akong nainis nung nag order sya ng alak, kahit pa maliit ang alcohol content nun pero fuck may alcohol parin yun.. Ilang minuto rin ang tinagal bago dumating yung order namin..



"Kayzee oh tikman mo masarap 'to." -nilagay niya sa plato ko yung grilled squid napangiwi ako. "Allergic yata siya diyan." -napatingin kami kay Yuri sa sinabi niya, namutla at napalunok ako sa sinabi niya. "Pano mo nalaman?" -nakakunot noong tanong ni Miah, Fuck we're dead. "Nakita ko kasi reaksyon niya napangiwi siya nung nakita nya 'yan, common na kasi yung mga ganyang reaksyon, tsaka kaya nga may 'yata'" -napangiti si Miah sa sinabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag shit muntik na kami dun ah.. "In fairness ang haba ng sinabi mo ah. Improving. Anyway, allergic ka ba talaga dito?" -nakangiting sabi niya. Dahan-dahan akong tumango, nagpout siya. "Dapat sinabi mo agad." -nagtatampong sabi niya hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang cute niya pag nag po-pout. Nawala rin agad yung ngti ko nung napatingin ako kay Yuri seryoso siyang nakatingin sakin, napatuwid ang upo ko. Nagulat ako ng biglang lumipat si Miah sa tabi ko, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahan dinikit ang labi niya sa labi ko, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, hindi gumagalaw ang labi niya magkadikit lang ang mga labi naming dalawa, hindi agad nakapag react sa ginawa niya. Nang natauhan ako bigla ko siyang tinulak..



"I just want to express my feelings using a kiss. I love you Kayzee." -nakangiting sabi niya habang hawak ang magkabilang pisngi ko. Napapitlag kaming dalawa ng may tumikhim. "Ehem. Nag text na kasi yung driver ko kailangan ko ng umuwi baka mapagalitan ako ni Daddy." -walang emosyong sabi ni Yuri, shit kapag ganyan yung reaksyon niya ibig sabihin nasasaktan siya.. Hindi nya na hinintay magsalita si Miah, umalis na sya kaagad. 



***



Lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari. Fuck! Mahal ko narin ba si Miah pero mas mahal ko si Yuri. Shit anong gagawin ko? Gulong gulo nako, wala sa sariling napahilamos ako. "May problema ba Kayzee?" -usisa ni Miah, "Wala. Napagod lang siguro ako." -wala sa sariling sabi ko. "Ako hindi pa. Pwede ba pumunta muna tayo ng park?" -hindi makapaniwalang napalingon ako sa kanya, pero hindi ako nagsalita kahit gusto kong mag protesta damn! Pagdating talaga sa babaeng 'to hindi ako makapalag, huminga ako ng malalim. "Sige. Ikaw bahala." -napangiti siya sa sinabi ko at hinalikan niya ako sa pisngi, hindi nako nagugulat dahil unti unti nakong nasasanay. "Manong sa park daw tayo." sabi ko sa driver ko. 



Nakaupo kami ngayon sa swing, lumalalim na ang gabi, oo nga pala, hindi ba siya hahanapin sa kanila? "Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Baka mag alala na yung mga tao dun sa inyo, dahil gabing gabi na wala ka parin sa bahay nyo." -seryosong sabi ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko, kanina ko pa napapansin na kapag sa tuwing nagsasalita ako ngumingiti siya.. Tinusok niya yung tagiliran ko. "Uy, concern siya." -nanunuksong sabi niya. "O..oo naman concern ako bilang k..kaibigan." -napasimangot siya sa sinabi ko. "Oo na! Pero sa susunod na sabihin mo yan hindi na bilang kaibigan kundi as a girlfriend." -nakangiting sabi niya, habang sinasabi niya yan parang siguradong sigurado talaga siya. "Kanina ko pa napapansin na napapadalas yung pag ngiti mo diyan ah." -seryosong sabi ko.




"Yeah. Because i'm happy. Alam mo bang ngayon ko lang naranasan ang ganito? Hindi ko pa nararanasan sa isang lalaki 'to." -nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi niya 'yon. "Kahit pa nakipag date nako sa mga lalaki, ikaw pa lang Kayzee, ikaw pa lang ang nagpasaya sakin ng ganito." -deretso sa mata niyang sabi. Tumayo siya at pumunta sa harapan ko, nagtaka naman ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, hinalikan niya ako sa labi this time hindi na smack. She kissed me passionately, nanlaki ang mata ko pero mga ilang segundo rin marahan akong pumikit and I kissed her back, nilagay ko yung mga kamay ko sa bewang niya, I pulled her closer. Shit bahala na si batman!



to be continued...

The Worst RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon