Chapter 19

53 4 0
                                    

Chapter 19




Miah's POV



Nanatili kaming tahimik habang ang mga mata ng daddy ni Kayzee ay galit na galit pero parang wala lang kay Kayzee ang mga sinabi ng daddy niya sa kanya nanatili lang blangko ang mga mata niya, samantalang ako ay halos mahimatay na sa sobrang kaba.



Napaigtad ako ng hawakan ni Kayzee ang kamay ko. "Wala akong pakialam sa pinag lalaban mo dad." mariin na sabi niya na nagpaawang sa bibig ko, halatang nagulat din ang daddy niya sa sinabi nito. "Kailan ka pa natutong sumagot sakin ng ganyan ha!" galit na sigaw ng daddy niya.



"Simula ng ipakita mo ang walang hiyang ugali mo sa harap ng girlfriend ko, gusto mo siya makilala diba? Ito na! Ano pa ba ang pinuputok butsi mo!?" hindi narin napigilan ni Kayzee ang sumigaw, hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya senyales na tumigil siya. Tinignan niya ako, lumambot ang ekspresyon ng mga mata niya. "Aba't!" akmang sasampalin siya kaso agad napigilan ni Kayzee ang kamay ng daddy. "Talagang pinapakita mo 'yang walanghiyang ugali mo! Hindi ka na nahiya kahit sana ngayon lang magpakitang tao ka naman kaso hindi eh, walang kasing sama 'yang ugali mo! Hindi ko maiwasan isipin na bakit ikaw pa ang naging tatay ko, ni hindi ka nga nagpaka tatay sakin. Palaging si kuya ang bukang bibig mo!" napatakip ang bibig ko sa mga sinabi ni Kayzee. Marahas binitawan ni Kayzee ang kamay ng kanyang ama.



We left his father dumbfounded, pagkalabas namin ng mansion binitawan niya ang kamay ko at sinabunutan niya yung buhok niya gamit ang dalawang kamay, halatang na fu-frustrate siya sa mga nangyayari, nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinag dikit ko ang noo naming dalawa. "I'm sorry, kailangan mo pa makita at marinig ang mga 'yon. I—" I cut him off, I placed my index finger on his lips. "Shhh It's okay, I understand you." nakangiting sabi ko, nilagay ko 'yung dalawang kamay ko sa leeg niya.



Napangiti siya sa sinabi ko at hinalikan niya yung noo ko, napapikit naman ako sa ginawa niya. "Thank you." nakangiting bulong niya sakin, kaya hindi ko rin napigilan mapangiti. "Halika na?" nakangiting yaya ko, tumango siya at hinawakan ang kamay ko.



Tahimik kaming bumabyahe pinakiramdaman ko siya, mukhang badtrip parin siya sa nangyari kanina. "Pwede ba dumaan muna tayo sa park?" ani ko, napatingin siya sakin sandali at muling binalik ang tingin sa kalsada, tahimik siyang tumango kaya napabuntong hininga nalang ako, I hope makatulong ako sa problema niya.




As usual nakaupo kami sa swing habang itong kasama ko tahimik parin. Nilapitan ko siya, lumuhod ako sa harap at hinawakan ang dalawang kamay niya, napatingin siya sakin na nagtataka. "Naiintindihan ko sitwasyon mo, ang kailangan mo lang gawin ay iprove mo sa daddy na kaya mo, make him proud. Kasi ganun ang kuya mo, ginagawa niya ang lahat para maging proud ang daddy mo sa kanya." nakangiting paliwanag ko. Dumilim naman ang aura niya binitawan niya ang kamay ko at umiwas ng tingin.



"Ayoko matulad sa kuya ko na sunud-sunuran sa mga pinapagawa ni daddy, dahil kapag ginawa ko 'yun hindi ako magiging malaya. Mananatili akong nakakulong habang sinusunod ang inuutos niya like kuya? No way!" mariin na sabi niya. Hinawakan ko 'yung magkabilang pisngi niya.



"Hey, look at me." mahinahon na sabi ko, tumingin naman siya ng deretso sa mga mata ko ganun parin ang mga mata niya blangko. "Hindi naman sa ganun. Gawin mo 'to na bukal sa puso mo, gawin mo ang mga gusto niya mangyari at kung sumosobra na siya, talk to him. Sabihin mo sa kanya ang mga pagkakamali niya nang sa gayon mabago niya." nakangiting paliwanag ko sa kanya.



Napabuntong hininga nalang siya. "Alright, I'll try." mahinahon na sabi niya at medyo lumambot na ang ekspresyon niya. "Hindi mo pa alam ang buong storya pero heto ka nagbibigay ng advice." mahinang sabi niya. "As i've said, naiintindihan kita." I cupped his face, mariin ko siyang hinalikan agad naman niya tinugon, parang uhaw na uhaw siya sa halik ko na naging dahilan para mapangiti ako.



He broke the kiss "I think i'm falling." hinihingal na sabi niya. Hindi agad ako nakapag react sa sinabi niya. What the hell!?





To be continued...

The Worst RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon