Chapter 13

49 5 0
                                    

Chapter 13

Miah's POV

"M-Miah can we talk?" -seryosong sabi niya.

Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa nakikita ko. Yung mga mata ni Kayzee na napaka lamig. Never ko siyang nakitang ganito, dahil ang Kayzee na kilala ko, he's serious but sometimes playful pero sa nakikita ko sa mga mata niya ay parang hindi si Kayzee ang nakikita ko.

Nanginginig akong tumango, nauna na siyang naglakad habang ako naman ay nasa likod niya.. Napapitlag ako ng bigla siyang tumigil sa mismong gitna ng soccer field, marahan siyang humarap sakin, he stared at me in the eyes, but his eyes are still cold as ice kaya lalo akong kinabahan. Teka nga diba dapat ako ang magalit dahil ni-reject nya ako? Kainis 'to ah. Buong tapang ko siyang tinignan sa mata.

"May sasabihin ka ba?" -malamig na sabi ko. This is not really me.

"Look. Ayoko sirain ang pagkakaibigan natin at alam kong nagdududa ka kung bakit sinabi ko na bawal pa ako which is true. Hindi ako katulad ng iba dyan na parang mauubusan ng babae. Its not me at kung iniisip mo na imposible yun pwes para sakin posible yun. Everything's posible for me." -seryosong sabi niya sakin kaya natulala ako sa mga sinabi niya. Sabagay may point siya, pero hindi ako titigil hangga't hindi siya na fa-fall sakin. Wala akong pakialam kung tawagin man nila akong desperada pero once na mapagod ako titigil ako agad. Wala naman siguro masama kung susubukan diba?

"Basta hindi ako susuko hangga't hindi ka na fa-fall sakin." -nagulat siya sa sinabi ko, parang hindi siya makapaniwala na nasabi ko yun.

"You can't do that. Dahil may... oh shit!" -sinabunutan niya yung sarili niya parang hirap na hirap siya sa mga nangyayari.

"Dahil may ano? Sabihin mo ano ba bumabagabag diyan sayo?" -lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kaliwa niyang pisngi agad niyang inalis ang kamay ko. Huminga nalang ako ng malalim. "Tandaan mo ito Kayzee itatak mo 'to sa matigas mong puso. I. WON'T.GIVE. UP." -nakangiting sabi ko. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi nanlaki ang mga mata niya, ngumiti ako sa kanya bago umalis. What Miah wants Miah gets. 'Yan din ang tandaan mo Kayzee.

Kayzee's POV

FUCK THIS LIFE!! 'yan ang kanina pa sinisigaw ng isip ko. Hindi ko ine-expect na ganon pala katindi ang paninidigan ni Miah. Hindi siya sumusuko kapag may gusto siyang isang bagay. Bakit hindi ko manlang napansin yan noon? Damn! Kung alam ko lang edi sana hindi ako masyadong naging clingy sa kanya ang hirap ng ganitong sitwasyon, mahal ko si Yuri pero bakit ganon, this past few days hindi ko masyadong nakikita si Miah dahil sa nangyari, nung mga araw na yun pakiramdam ko namimiss ko siya at may mga oras na naiisip ko siya. Miah is special to me, she's like my little sister tho wala akong kapatid na babae. But fuck! I'm so confused i'm a fucking messed up. Magkaibigan sila ni Yuri for pete's sake!! Ayoko masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Sabado ngayon kaya walang pasok balak ko sana pumunta sa kwarto ni Yuri, yes kwarto dahil dun naman lagi ang deretso ko dahil bawal nga ako makita ng mga tao dun sa bahay nila.

Paalis na sana ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. "Hello?" -naiinis na sabi ko. "Hello Kayzee pwede mo ba ako samahan mamili? Wala kasi ako kasama eh. Ayaw naman ni Yuri dahil may gagawin daw siya." -mahabang sabi niya. "Ayoko. Bakit hindi ka nalang magpa sama sa mga kaibigan mo." -naiinis na sabi ko. Pero may part sakin na gusto ko sumama. Damn you kayzee!! "Ihh please!? Please!?" -naiimagine ko siya na naka pout. Ang cute niya. Shit! Tigilan mo kayzee.

"Aish Fine!!" -napipilitang sabi ko. Parang hindi naman ako napipilitan parang na excite pa nga ako. Aish! Tangina naman oh!!

****

"Tikman mo 'to Kayzee. I heard favorite mo daw 'to." -nakangiting sabi niya habang nakatapat sa bibig ko yung pagkain. Pero hindi ko 'yon pinansin, tinignan ko siya sa mata. Sinubo ko nalang dahil ayoko sirain ang mood niya kaya lalo siya napangiti...

"Salamat sa paghatid." -nakangiting sabi niya. Nasa tapat na kami ng bahay niya, tinutulungan ko siya bitbitin yung mga pinamili niya.

"Mag iingat ka. Bye. I love you." -nakangiting sabi niya. Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi... Naglakad nako papunta sa kotse pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig kong nagsalita si Miah.

"Oh Yuri nandito ka pala, kanina ka pa dyan?" -fucking shit!! Kill me now.

*****************************************

   All Rights Reserved 2015

The Worst RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon