Chapter 21

79 2 0
                                    


Chapter 21




Miah's POV




"Yuri? Kayzee?" gulat na sabi ko, nabitawan ko yung dala dala kong pagkain na para sana kay Yuri kaso mukhang ayoko na ipakain sa kanya 'to parang gusto ko ihampas sa kanilang dalawa ang dala ko.



Nakita ko rin ang gulat sa mga mata nila lalo na si Yuri na parang nakainom ng suka sa sobrang putla, "B-bakit?..." 'yan lang ang tanging nasabi ko.

Lalapit sana si Kayzee para hawakan ang mga kamay ko pero umatras ako at tinaas ko ang dalawang kamay ko kaya napatigil siya. "M-miah let m..me explain." aniya pero umiling iling lang ako habang si Yuri naman ay nakatitig lang sakin na nakikiusap ang mga mata, nagkaron din ng emosyon ang mga mata niya, pero wala akong pakialam dahil wala akong ibang maramdaman kundi galit at sakit.



"All this time niloloko niyo lang pala ako?" puno ng hinanakit na sabi ko. Ayoko sana tanungin 'to pero kailangan ko malaman ang totoo, "M..may relasyon ba kayo?" nanginginig ng tanong ko, nakita ko naman na napalunok si Kayzee at mariin na napapikit. "M..miah look—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng sumingit ako.


"ANSWER ME!" there, I just bursted out. Natahimik kaming lahat parang hinahantay kung sino ang unang magsasalita. "Meron" si Yuri na ang sumagot, halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. "Matagal na kaming magkarelasyon ni Kayzee bago pa kami lumipat dito ay kami na." seryoso niyang sabi.



Lumapit ako sa kanya, malakas ko siyang sinampal "Miah!" sigaw ni Kayzee, pero hindi ko 'yon pinansin. Wala akong nakitang kahit anong reaksyon sa mukha ni Yuri, hawak niya lang ang pisngi niyang sinampal ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, nakitingin lang siya sakin. "BAKIT!?" naiiyak na sigaw ko sa kanya.



"I trusted you, tinuring kitang best friend pero ito lang ang igaganti mo sakin?" sumbat ko sa kanya, pero hindi manlang siya nag react sa sinabi ko kaya mas lalo akong nainis, sasampalin ko na sana siya pero napatigil ako ng magsalita siya. "Bakit kayo na ba? Wag kang umasta diyan na parang ikaw ang inagawan. Ako ang nasaktan dito, sa tuwing nakikita ko kayo, patuloy akong kinakain ng selos kaya wag.kang.umasta.na.parang.ikaw.ang.girlfriend!" sigaw niya sakin, sa galit ko hinatak ko ang buhok niya at pinagsasabunutan ko siya. Oo wala akong karapatan mag selos dahil hindi naman kami ni Kayzee pero ang kinagagalit ko ay nagsinungaling sila sakin at niloko nila ako!



"Miah stop it!" sigaw ni Kayzee at pilit niyang inaalis ang kamay ko sa buhok ni Yuri, pero malakas si Kayzee kaya naalis niya kamay ko.


Sinampal ko rin siya ng malakas, "Mga manloloko kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa, bumaling ang tingin ko kay Yuri na nakayuko at inaayos ang buhok. "At ikaw Yuri, simula ngayon hindi na kita kaibigan, sana pala nung una pa lang naniwala na ako sa kanila, that you're a slut." nakita ang sakit sa mga mata ni Yuri, dahang dahan tumulo ang luha sa kaliwang mata niya.



Umalis na ako, iniwan ko ang kaisa-isang pinagkatiwalaan ko at kaisa-isang minahal ko, napatingin sakin ang mga katulong habang bumababa ako ng hagdan pero napatigil ako ng sumalubong sakin si manang, "Miah anong nangyari? Bakit ka umiiyak? At bakit may narinig akong nagsisigawan nag away ba kayo ni Yuri?" nag aalalang tanong sakin ni manang pero umiling iling lang ako at umalis.



Anybody can tell me how to stop the pain? Bakit kailangan pa nila akong lokohin? Sana sinabi nalang nila sakin ang totoo hindi yung ganito nagmumukha akong tanga.

Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin, yung lalaking wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin lang siya pero nagawa niya akong lokohin. "Miah!" tawag niya pero hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad.



Halos malagutan ako ng hininga ng hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya, "Ano masaya na ba kayo? Masaya na ba kayo na may naloko kayo? Siguro pinagtatawanan niyo nako ngayon." sumbat ko sa kanya, pilit niyang inaabot ang kamay ko pero pilit ko rin 'yon iniiwas. "Miah please!?" pakiusap niya sakin pero hindi ko 'yon pinansin.



"Kulang pa ba?" umiiyak na tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako kailangan lokohin at pagmukhang tanga. Totoo nga ang sabi nila don't trust anyone blindly. Most people you meet with are with you only for their own sake and interest. Marami pala talagang taong selfish, iniisip lang nila ang mga sarili nila para sa sarili nilang kaligayahan pero hindi nila alam na may nasasaktan na pala sila.



"Sagutin mo ko Kayzee, kulang pa ba ang pagmamahal na bininigay ko sa'yo? Sabihin mo!!! Ano ba ang kulang?" -umiiyak na tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya habang niyuyugyog ko siya...



"Hindi, i mean walang kulang Miah, ako, ako ang problema. Mahal na kita........" -Sabi niya, dapat ba akong matuwa dahil sa wakas nasabi narin niya ang mga salitang matagal ko ng hinihintay pero hindi, namanhid na siguro ang puso ko.. Napatahimik nalang ako dahil ramdam ko may sunod pa siyang sasabihin "....pero mahal ko rin siya" nakayukong sabi niya. At dun nako napahagulgol ng sobra, naninikip ang dibdib ko at parang namamanhid.



Pilit kong hinahabol ang paghinga pero bigo ako, feeling ko sinusumpong ako ng hika ko"M-miah a-are you okay!?" nag aalalang tanong ni Kayzee. Lalapit na sana siya pero itinaas ko ang isang kamay ko sign ng 'wag siyang lalapit.


"K-kayzee, bakit? Bakit kung kailan mahal na mahal na kita saka mo pa sinabi sakin yan!! Bakit!!??" nahihirapang sabi ko, habang hawak ko ang kaliwang dibdib ko..

Hindi ko na nakayanan dahil sobrang naninikip na 'yung dibdib ko..


"Miaaahhh!!!!" sigaw ni Kayzee. Yan lang narinig ko then i block out.





***********

A/N: Waaahhhh ang sabaaaww! sorry na po. Wala kasi ako sa mood ngayon bawi nalang ako next time! :) Salamat sa pagbabasa!

Love yaahh all :*

The Worst RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon