Chapter 20

68 4 0
                                    

Chapter 20




Miah's POV




Did i heard it right? H-he's falling in love with me? "Nanaginip lang ba ko? Pwede ba paki sampal ako?" natawa siya sa sinabi ko, mahina niyang pinitik ang noo ko kaya napa aww ako sa ginawa niya. "Silly you're not dreaming, this is real" natatawang sabi niya.



"Uwi na tayo, gumagabi narin" sabi niya habang nakatingin sa langit. Tumango nalang ako, magkahawak kamay kaming sumakay sa sasakyan niya, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya, shunga Miah 'falling' pa lang, hindi ka pa talaga mahal. 'Wag kang mag react diyan na parang sinabi na sayo ang three words' kontra ng kabila kong utak, but i can't help it siguro nga natural lang ito sa mga first timer. 



Nasa tapat nako ng bahay namin, magkahawak kamay parin kami humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi, "Thank you for this night" nakangiting sabi ko.




Kayzee's POV



Nakapasok na si Miah sa bahay nila habang ako ay nandito parin sa tapat ng bahay nila Miah.


Hindi ko maiwasan maguilty dahil kay Yuri mahal ko siya pero mahal ko rin si Miah, pero hindi ko naman pwedeng pagsabayin silang dalawa kailangan kong mamila sa kanila, alam kong darating ang panahon na malalaman din ni Miah ang totoo.


Kaya nakapag desisyon nako kakausapin ko na si Yuri tungkol dito, samin. Bukas na bukas pupuntahan ko si Yuri sa bahay nila... Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko


Pagkapasok ko sa bahay nandun si daddy nakaupo sa couch parang hinihintay ang pagdating ko, nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at malakas akong sinuntok napaupo ako dahil nawalan ako ng balance, pinunasan ko ang dugo gilid ng labi ko. "Talagang napaka walang kwenta mong anak, pinahiya mo ko sa harap ng girfriend mo!" galit na sigaw niya sa akin.


Napangisi ako sa sinabi niya, "Ikaw ang nagpahiya sa sarili mo dad, kung sana kahit isang araw lang nagpakitang tao ka pero hindi eh, nilabas mo ang walahiya mong ugali hindi mo na nirespeto ang girfriend ko! Kaya wag kang umatungal diyan!" inis at galit na sabi ko, magsasalita na sana siya pero umalis nako sa harap niya, sumisigaw siya pero hindi ko nalang inintindi pumasok nako sa kwarto ko, naligo at nagbihis muna ako bago humiga sa kama..


Napaka daming nangyarin ngayong araw kaya hindi ko namalayan nakatulog na pala ako...


***


Pagkalipas ng dalawang araw ay agad akong pumunta sa bahay ni Yuri, pupunta ako dun ng hindi niya alam..


Mga ilang minuto rin bago ako makarating sa bahay nila, agad akong pumunta sa bakod nila, nakita ko ang hagdan niya na nakababa, so hindi ko na siya kailangan pang tawagan. Dahan dahan akong umakyat at pumasok sa bintana niya.


Nakita kong natutulog siya, dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya, dahan dahan din akong umupo sa gilid ng kama niya, pinagmasdan ko siyang natutulog, marahan kong hinimas ang pisngi niya at hinawi ang ilang buhok na nakaharang sa mukha niya.


Napadilat siya, pumipikit pikit pa siya at pilit na inaaninag ang mukha ko. Napaupo siya ng makita ako. "Kayzee." niyakap niya ako sa leeg ng mahigpit, niyakap ko rin siya sa bewang ng mahigpit at sumiksik sa leeg niya, I inhaled her sweet scent na kahit kailan hindi ko pagsasawaan amoyin, pero may mga bagay talaga na kailangan natin i let go, fuck ilang beses ko 'tong pinag isipan ang hirap mag let go lalo na kung naging parte na sila ng buhay mo, this is the hardest decision i made.


Hindi ko maiwasan mapaluha, alam kong naramdaman niya 'yun kaya marahan siya lumayo sakin at pinagmasdan ako sa mukha, pero maya maya lang ay unti unti narin nagtutubig ang mga mata niya at dahan dahan tumulo ang luha sa mga mata niya. "So that's it" her voice broke, mukhang alam niya na ang ibig sabihin ng mga luha ko.


Tumayo siya at tumalikod sakin, dun na siya nagsimulang humagugol tumayo ako at marahan ko siyang hinarap, niyakap ko siya ng mahigpit parehas kaming umiiyak. "Ang sakit Kayzee, ang sakit sakit" mas lalo siyang umiyak, "I know, masakit rin para sakin 'to, pero ganun talaga eh. Kapag nagmahal ka hindi mawawala ang pain." bulong ko sa kanya.



Marahan siyang umalis at tumingala para tignan ako sa mga mata "I hope you'll be happy with her." nakangiti pero umiiyak niyang sabi..


"So i guess this is last?" naiiyak niyang sabi, marahan akong tumango. "I love you so much Kayzee, sana in the future maging magkaibigan tayo" mapait siyang ngumiti. "Yeah sure" i cupped her face bago nagsalita ulit "Tandaan mo hinding hindi kita makakalimutan, ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Thank you for coming in my life" mapait akong ngumiti.



"Sige na umalis ka na bago ka pa maabutan ni Miah dito." umiwas siya sakin ng tingin pero bago ako umalis hinawakan ko ang kamay niya, "Can i get the last kiss from you?" serysong tanong ko sa kanya, marahan siyang tumango kaya hindi nako nagsayang ng oras agad ko siyang hinalikan ng mariin, at magkasabay tumulo ang luha naming dalawa. Damn ang sakit, ang bigat sa dibdib...



Pero agad din kami napahiwalay ng may marinig kaming nagsalita mula sa pinto. "Yuri? Kayzee?" gulat na sabi niya, Oh shit! Si Miah! kill me now please!?







To be continued...

The Worst RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon