Chapter 22
Miah's POV
Nagising ako ng may humawak sakin, nakita ko si kayzee na nakayuko habang hawak ang kamay ko, marahas kong inalis 'yon at umupo. Napatingin siya sakin "Miah!" nag alalang sabi niya, hahawakan na sana niya yung kamay ko pero agad ko 'tong iniwas. Napatingin siya sakin na nagtataka.
Inilibot ko ang paningin ko, hindi pamilyar sakin ang lugar. Malamig akong tumingin sa kanya, "Nasan ako?" malamig na tanong ko.
"In my condo." Tipid na sabi niya, napatitig ako sa mga mata niya nakikiusap ang mga mata niya pero hindi ko 'yon pinansin. Ayoko na syang makita ayoko sa mga taong sinungaling at manloloko, tignan mo nga naman kung sino pa 'yung pinaka pinagkakatiwalaan mo ay siya pa ang sisira sa'yo, mapait akong napangiti sa isip ko. Tumayo na ako at akmang lalabas pero hinawakan niya ang kamay ko. "Please, miah let me explain." nagsusumamo niyang sabi, pero nagmatigas ako marahas kong binawi ang kamay ko.
"At ano? Magsasabi ka na naman ng mga kasinungalingan? You fooled me once, so don't fool me again. I have had enough!" malamig na sabi ko. "Please Miah, mahal kita. Pakinggan mo naman ako." nagsusumamo niyang sabi, dun na ako napatingin sa mga mata niya. Nakita ko ang seryoso ngunit nakikiusap niyang mga mata. Pumikit ako ng mariin. No, hindi ka dapat maniwala sa sinabi niya, nagsisinungaling lang siya. I glared at him. "Tama na, wag ka ng magsinungaling. Kahit ano pang sabihin mo hinding hindi na ako maniniwala sa mga sasabihin mo." mariin na sabi ko.
Tumakbo ako paalis ng condo niya, pagkasakay ko sa elevator doon na bumuhos ang mga luha ko. Hanggang ngayon sariwa parin sakin ang mga nangyari, sa tuwing naalala ko yung mga panlolokong ginawa nila sakin naninikip ang dibdib ko, para bang unti unti dinudurog ang puso ko pero sa kabila ng mga ginawa niya mahal na mahal ko parin siya ganun naman talaga yata kapag nagmahal ka magiging tanga at marupok. Masakit malaman na ang mahal mo ay mahal pa lang iba, and worst best friend mo pa! Tinuring mong tunay na kapatid ay siya palang loloko at sisira sayo.
*****
Tulala akong naglalakad papunta sa bahay namin, wala paring tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ako pwede makita ni mama na ganito ang itsura, napasya ako na wag muna umuwi pumunta ako sa lugar kung saan punong puno ng mga magagandang alaala namin ni kayzee... ang playground, pinagmasdan ko yung swing na palagi naming inuupuan ni kayzee napangiti ako ng mapait at napapikit ng mariin.
Dapat ko na siyang kalimutan, he was not worth my tears, ang mga katulad niyang manloloko hindi dapat iniiyakan. Hindi dapat ako magmukmok lang dito sa tabi, kailangan ko rin lumaban para hindi ako mag mukhang mahina sa harap nila.
Tumayo na ako mula sa swing at naglakad pauwi. Tama yun nalang ang gagawin ko. Minsan kailangan ko rin maging selfish para sa kaligayahan ko, palagi nalang kasi ako ang nag sasacrifice pero anong nakuha ko sa kanilang dalawa? They lied to me.
"Miah nandiyan ka na pala kanina pa kita hinihintay, bakit ngayon ka lang?" sermon sakin ni mama pero nung pinagmasdan niya ako ay agad siyang lumapit sakin hinawakan ang magkabila kong pisngi, "M-miah nagmumugto ang mga mata mo. Umiyak ka ba?" nag aalalang sabi niya sakin, pinipigilan ko tumulo ang luha ko pero bigo ako, patuloy na nagdaloy ang luha sa aking mga mata hindi ko namalayan na humihikbi na ako, niyakap ko si mama ng mahigpit.
"Tahan na, ano ba nangyari bakit ka umiiyak?" sabi niya habang hinihimas ang likod ko, marahan akong humiwalay sa kanya, pinunasan niya ang pisngi ko. Nang mahimasmasan ako ay kinuwento ko ang buong storya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko lalo na si Yuri. Oh well lahat naman tayo may tinatagong baho, sabi nga nila 'matakot ka kung ang kaibigan mo ay mahinhin at mabait dahil hindi mo alam sinasaksak ka na pala patalikod' sana pala nung una palang naniwala na ako sa mga sabi sabi, hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
"Si Yuri? Paano niya nagawa ang mga 'to? Halos magkasama na kayong lumaki tapos malalaman ko na niloko ka lang niya? Kakausapin ko ang batang 'yan, hindi pwede ang ginawa niya sayo." inis na sabi ni mama, parang anak na kasi ni mama si yuri kaya ganyan nalang siya mag react.
"Ma, hayaan mo na tapos na nangyari na eh, siguro hindi ko muna sila kakausapin." mapait na sabi ko, napatitig naman si mama sa mga mata ko. "Ikaw na bata ka, hindi mo manlang sinabi sakin ang tungkol sa lalaki na nagustuhan mo." nagtatampong sabi ni mama, nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.
"Uhm, hindi pa kasi ako sigurado nun about samin ni kayzee so hindi ko muna sinabi sayo hangga't hindi sigurado ang lahat. Sorry po ma." napayuko ako, pero naramdaman ko namang niyakap ako ni mama kaya naiyak na naman ako, ilang beses na ba ako umiyak sa araw na 'to? Kailan kaya matatanggal ang bigat at sakit sa dibdib ko, namamanhid na yung puso ko.
"Tahan na miah, natural lang sa buhay ang masaktan. Sabi nga nila hindi ka magiging masaya kung hindi mo naranasan ang masaktan, pero kahit nasaktan ka man gawin mo 'yang inspirasyon upang makabangong muli, wag kang magkulong sa sakit na nararamdaman mo, hindi pa katapusan ng buhay mo. Hindi pa tapos ang chapter sa storya mo. Marami ka pang makikilalang lalaking na mas higit sa kanya, naiintindihan mo miah?" mahinahon na paliwanag ni mama, marahan akong tumango. I'm so lucky for having mama in my life, kung wala siya baka hanggang ngayon nagmumukmok parin ako.
"Sige na umakyat ka na sa taas at magpalit, tatawagin nalang kita kapag kakain na." nakangiting sabi ni mama. Marahan akong tumango, bago ako umakyat hinalikan ko muna si mama sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"Thank you, Ma." sincere na sabi ko. Umakyat na ako patungo sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
I should move on, dapat ko ng kalimutan si kayzee kasi kung magpapatuloy lang ako baka mas doble ang sakit ang ibigay niya sakin, lalo pa ngayong nalaman kong may relasyon pala sila ni yuri. Kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan, pinilit ko si kayzee na magustuhan ako gayong hindi naman ako sigurado kung magwowork out 'yon. Nakakapagod din pala ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal pero sabi niya mahal niya ako dapat ko bang paniwalaan 'yon? Patuloy ba akong magpapakatanga?
Napapikit ako ng mariin. No, wag ka na maniniwala sa mga sasabihin niya. Pero bakit pakiramdam ko mahal niya talaga ako bakit pakiramdam ko seryoso siya nung mga panahong sinabi niya 'yon? Napabuntong hininga nalang ako. I have had enough for this day.
to be continued...
****************
A/N: Nosebleed! Ang lalim ng tagalog ko. HAHAHA.. Hello! Maraming salamat sa patuloy na pagbasa :) 6 chapters to go :)
BINABASA MO ANG
The Worst Regret
Romance"Minsan sa buhay, kung sino pa 'yung pinag-kakatiwalaan mo ay sila pa 'yung sisira sa'yo." **************************************************************************************** © All Rights Reserved 2014 || MSstranger097 ||