Chapter 10
Miah's POV:
30 minutes na akong naghihintay dito pero hindi parin niya binubuksan ang pinto ng cr, ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Napapadalas na ito, paiba-iba ang reaksyon niya sa tuwing nagkukwento ako about kay Kayzee. Baka naman may gusto siya kay Kayzee? Pero malabo, tingin ko naman hindi niya type si Kayzee o baka oo? ahhh! Ang gulo!
"Yuri! Please! Buksan mo na itong pinto kanina pa ako nandito." -Sabi ko.Nag aalala na talaga ako.
Yuri's POV:
Hindi ko maintindihan sarili ko, simula nung makilala ni Kayzee si Miah. Palagi nalang may doubt na pumapasok sa aking isip. Palagi nalang ako nag aalala, hindi naman sa sinasabi ko na wala akong tiwala kay Kayzee, malaki ang tiwala ko sa kanya. Pero kapag sa tuwing nakikita ko silang magkasama unti-unti akong kinakain ng selos. Kaya nung kinwento ni Miah sa'kin yung nangyari sa kanila ni Kayzee, hindi ko napigilan pumasok ako dito sa cr at dito binuhos lahat ng nararamdaman ko.
"Yuri Please! talk to me!" -Pakiusap ni Miah sa'kin. Tumayo na ako, at inayos ang aking sarili mabuti nalang hindi masyadong namaga ang mata ko dahil sa pag iyak, at mabuti nalang hindi madaling mamaga 'to. Binuksan ko ang pinto at nakita agad si Miah, nakita ko sa mga mata niya na sobrang nag aalala siya sa'kin.
"Ano ba nangyayari? Bakit may narinig ako na kumalabog?" -Nag aalalang sabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil ayoko makita niya na umiyak ako.
"A-ah wala, may daga na naman kasi kanina." -bigla naman siyang namutla.
"N-nasan? Pinatay mo na ba!?" -kinakabahan na sabi niya. I chuckled biglang nanlaki ang mata niya. Parang hindi sya makapaniwala sa nakita niya, kaya naman tumawa rin siya, di ko maiwasan mapasimangot.
"Ano ba yan! Ang bilis naman magbago ng mood mo." -bigla naman siyang nag pout kaya lalo akong napasimangot.
"Ewan ko sayo." -sa sobrang irita ko umalis nalang ako.
Miah's POV:
Minsan... ay mali pala hindi lang pala minsan, ang gulo nya lagi hindi ko siya ma-gets kahit matagal na kami magkaibigan.
Anyway, aamin nako kay Kayzee bukas kinakabahan ako first time ko maranasan 'to lalo na sa lalaki never pa kasi ako nagkaron ng boyfriend kaya sana sa unang pagkakataon na 'to hindi ako ma reject. Masakit kaya ma reject lalo na kung sa lalaki. Matatapakan yung pride naming mga babae noh.
Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Kayzee. "Hello Kayzee?"
"Hello sino 'to?" -hindi si Kayzee 'to ah? Boses babae.
"A-ahm a-ako po?" -ayy shunga ng tanong ko. Sasagot na sana ako kaso bigla nya binaba, ayy ang galing binabaan ako.
Sinubukan ko ulit tawagan si Kayzee. "Miah? Pasensya na nasa banyo kasi ako." -Yung boses nya parang nanginginig "Ah wala yun, pasensya na sa abala. Sino nga pala sumagot? kanina para kasing boses babae?" -bigla naman syang natahimik. "Hey kayzee? Still there?"
"A-ah ano Ate ko bakit ka nga pala napatawag?"
"Ah ganun ba. Wala naman. May sasabihin ako sayo bukas" -kinakabahan na sabi ko.
"Sige. Bukas nalang. 'Fuck muntik na yun ah.'" -sabi niya at binaba na pero yung huling niya hindi ko narinig. Ano naman kaya yun?
Gosh kinakabahan ako. Sana sagutin nya rin ako.
*****************************************
(A/N: Hiiiiiii Its been a long time since nung last update ko. Sorry po busy lang. Pero ngayon medyo maluwag na yung sched. ko pero hindi ko mai-papangako na mapapadalas yung update ko. Thank you and God bless us all!!)
4:26 PM
|| All Rights Reserved 2015 ||
|| MSstranger097 ||
Vote and Comment Please!?
BINABASA MO ANG
The Worst Regret
Romance"Minsan sa buhay, kung sino pa 'yung pinag-kakatiwalaan mo ay sila pa 'yung sisira sa'yo." **************************************************************************************** © All Rights Reserved 2014 || MSstranger097 ||