"Jack, anak ko, dalhin mo muna ito sa mga Valdez."
Napakamot ako sa ulo ko at ibinato ang bola kay Treion bro. Tumawa pa ako kasi muntik na siyang tamaan sa ulo. Lumapit na ako kay Mame at kinuha ang mga bagong tahi niya. Sa pagkakaalam ko, pangalawang customer niya ang mga Valdez.
"Alam mo naman ang bahay, anak, 'di ba?" Tanong ni Mame.
Sumaludo ako. "Alam ko po. Balik din po ako kaagad," sagot ko at bumaling sa dalawang loko. "Hoy, Grey bro! Pahiram ako ng payong! Baka umulan."
Sinamaan niya ako ng tingin at pabatong ibinigay sa akin ang payong niya. "Ibabalik mo 'yan."
Tumawa ako bago umalis, sakay ng bike. Nandito siya sa Pilipinas kasi bakasyon niya raw. Spring break yata 'yon, kasama na ang Easter holidays. Habang pumepedal ay napatingin ako sa bahay ng mga Carter, ang may-ari ng village, at ang daming sasakyan. Mayaman talaga ang pamilya ni Clint.
"Salamat po," sabi ko kay Mrs. Valdez ng iabot niya ang bayad sa akin.
Sumakay na ulit ako sa bike ko at umalis na roon. Pabalik na ako ng mapadaan akong muli sa bahay ng mga Carter at may babaeng nakaupo sa gutter. Nakayuko siya sa mga tuhod niya.
Kumunot ang noo ko at dinahan-dahan ang pag-pedal. "Ang ingay namang umiyak ng gutter girl na 'to," sabi ko sa sarili ko at huminto sa tapat niya.
Tumingala siya sa akin at puno ng luha ang mga mata niya. Puno man ng luha ay namangha ako sa itsura niya. Masyado siyang maganda, hindi bagay ang mga luha sa mukha niya.
Nginitian ko siya at iniabot ang payong. Gusto ko sana ay panyo kaso wala ako niyon. Alangan namang pera? Sayang naman ang 1000 pesos. Tela naman itong payong ni Grey bro kaya pwede na ring ipamunas. Pero, hindi niya tinanggap kaya ibinaba ko sa tapat niya.
"Payong, Miss. Nababasa kasi ang lupa ng mga luha mo. Paki-payungan, baka bumaha," panloloko ko at tumawa bago umalis.
Ngayon ko lang siya nakita. Sabagay, halos isang buwan lang naman ang nakakalipas pamula ng lumipat kami rito sa village. Maganda siya. Tsaka pakiramdam ko, ang sarap niyang alagaan.
"Hay nako, Jack. Ang lambot talaga ng puso mo sa mga naiyak," bulong ko at ngingiti-ngiti habang pabalik ng bahay.
Ibinigay ko kay Mame ang bayad sa tinahi niya. Nang mapadaan ako sa salas ay naroon si Jacell at 'yung kaklase niya. Dumampot ako sa cookies nila bago lumabas. Nabato pa nga ako ng maliit na container ng pintura na pinagulong ko naman pabalik sa kaniya.
"Jack, where's my umbrella? We're going home," sabi ni Grey bro ng makalabas ako ng bahay.
Napatampal ako sa noo ko ng marealized ang tanong niya. "Nako! Naipahiram ko roon sa babae kanina," sagot ko at nag-peace sign habang nakangiti ng labas ang mga ngipin.
Nag-salubong ang mga kilay niya. "What? Then, go get it. Hindi ako pwedeng mainitan. Baka pawisan ako at matuyuan pa," seryosong sabi niya.
Sumimangot ako. "Arte mo naman," sabi ko at nag-lakad na papunta sa bike ko.
"Make it fast. The driver is already waiting for us," pahabol ni Treion bro bago pa ako makalayo.
Nakasimangot ako habang nagba-bike. Ang mga kaibigan ko ay hindi ko alam kung anong klaseng mga nilalang. Bakit ko ba sila naging kabigan? Ang aarte.
Si Treion, pamula pa Kindergarten ay mag-kaibigan na kami. Naalala ko pa noon na kaya kami naging mag-kaibigan ay napatawa ko siya. 'Yon ang pinang-blackmail ko sa kaniya para maging mag-kaibigan kami. Siya ang masasabi kong kauna-unahan kong kaibigan.
Si Grey naman ay dahil sa kalokohan namin. Nagdo-doorbell kami ng paulit-ulit sa mga bahay-bahay. Kahit nasa USA siya, naging mag-kaibigan pa rin kami. Hindi naman mahirap makipag-kaibigan ang mga lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/263873986-288-k450868.jpg)
YOU ARE READING
Above Mine, It's Presly (Love Girls Series #2)
General FictionLove Girls Series #2 She is a brave woman, indeed. She faces everything with all her strength as an independent woman. She is not the typical woman someone could just make her one of his girls. A woman who grew up and raised to be bold. A woman who...