Nagising siya sa kaparehang silid. She was still at the hospital. And she's not alone. Nandito din ang lalaking nagpakilalang 'asawa' niya. She couldn't remember anything about him.
Ba't ganon?
She looked at him, his eyes were closed habang hawak ang kanang kamay niya. She tried take off her hands pero gumalaw ito. Mukhang nagising sa ginawa niya. She felt uneasy with him.
"Hey, you're awake." bungad nito sa kanya habang pupungas-pungas.
She looked at him. His hair was little bit disheveled. Ganoon pa rin ang suot nito. Looks like he didn't go home while she's asleep. He has a black colored hair, highlighted with blonde color. He got a piercing on his right ear. Kumikinang pa ang suot nitong hikaw. Nagmukha itong badboy sa paningin niya.
"Do you want something? Are you hungry?" Sunod-sunod na tanong nito.
Aayaw sana siya ng biglang kumulo ang tiyan niya. Ngayon niya lang naalala na hindi pa pala siya kumakain simula ng magising siya kanina. Mahina siyang tumango.
Agad itong tumayo at may kinuhang paper bag na naglalaman ng pagkain. Isa-isa nitong binuksan. Amoy pa lang ay natatakam na siya.
Naglagay ito ng tray sa harap niya at pinatong ang mga pagkain. Agad niya itong nilantakan. Nangangalahati na siya sa pagkain ng maalala niya itong yayain.
"K-kumain ka na ba?" naiilang niyang tanong.
"I'm good, don't worry about me." sansala nito.
"Okay." aniya at pinagpatuloy ang pagkain. She's really hungry.
Nang matapos kumain ay niligpit naman agad nito ang pinagkainan niya. She thank him for that. Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa ang doctor kanina.
Tumingin muna ito sa kasama niya bago siya nginitian.
"How are you feelin'?" The doctor asked.
"I'm okay except that I can't remember anything." lumamlam ang mga mata niya.
Nakita niyang napabuntong hininga ito bago muling nagsalita. "You have a retrogade amnesia. According to your husband you had an accident a year ago. You've been coma for almost two years. Finally you're awake." may tiningnan ito sa chart na hawak-hawak.
"T-two years? I mean almost two years na akong coma?" Halos ayaw magsink-in sa utak niya ang narinig. Napatingin siya sa katabi at nagtatanong ang mga mata niyang tiningnan ito.
"We had a fight that day kaya tayo naaksidente." hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. napasapo siya sa ulo niya.
"I... I don't remember... Oh God... Why...." She's starting to get panicked but her 'husband' hugged her.
"Sshhhh, it's okay. It's all my fault. I'm sorry." Anito sa kanya at niyakap siya. Hindi niya mawari pero bigla siyang napapasong napabitaw dito.
"Pero bakit wala akong maalala? All I could remember is my name!" baling niya sa doctor na nakamasid sa kanila.
"Malakas ang impact ng pagkakabunggo ninyo sa aksidente naapektuhan nito ang utak mo. Don't worry there's a chance na makakaalala ka ulit. Besides andiyan naman ang husband mo para ipaalala 'yon." Hindi niya nakita ang matalim na tingin ng katabi niya sa doctor. Napaawang naman ang labi niya sa narinig.
"But how long?" mahinang tanong niya.
"As of now, hindi ko masasabi. Walang specific na araw kung hanggang kailan ang amnesia mo. For now, you need to rest. Kailangan mong magpalakas. You can be discharge anytime.".Paliwanag nito sa kanya.
Tila may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib niya. "We'll go home today." Anang seryosong boses ng asawa niya. Hindi siya umimik. Something's bothering her.
BINABASA MO ANG
Forgotten Love (Completed)
RomanceFranco Sandejas was devasted when his wife went missing after their wedding day. It was supposed to be their honeymoon pero bigla itong naglaho na parang bula. He couldn't think of any reason why she left him. He was deeply hurt, he was left hanging...
