Chapter 20

275 10 0
                                        

Sinalubong si Kris ng masarap na simoy ng hangin. Kung ilang taon siyang nawala ganoon din katagal na hindi nakabalik sa lugar kung saan siya lumaki. Sa bahay ampunan kung saan siya nagmula.

Napangiti siya ng ilibot ang paningin. Ganoon pa rin walang ipinagbago maliban sa mga building na nagkaroon ng bagong pintura. Mas lalong gumanda at maaliwalas tingnan.

It's been a while.

Sa 'di kalayuan ay kita niya ang mga kabataang naglalaro. Ang iba naman ay tumutulong sa paglilinis.

A tear escape from her eyes. Miss na miss niya na ang nga bata. Ang mga paglalambing ng mga 'to at pagiging makulit minsan. Ang mga tawa nito.

Ramdam niya ang paggagap ng asawa sa kamay niya. Ramdam niya ang pagsuporta nito sa kanya. Kahit my luha sa mga Mata ay napangiti Siya. She always have the supportive husband. Napakasuwerte niya.

Bago pa Siya makapagsalita ay nag unahan na Ang mga bata sa pagtakbi papunta sa kinaroroonan niya.

"Ate Angel..." Halos sabay-sabay na tawag nito habang patakbong tinungo ang kinaroroonan nila. Ibinuka niya Ang mga braso para salubungin ito ng yakap.

"Kuya Franco..." Napasulyap Siya sa Asawa. He just winked at her na ikinapula ng pisngi niya.

"Dahan dahan mga bata, Hindi puwede maipit ang tiyan ni ate Angel." Mahinahong Sabi ni Franco sa mga bata.

"Bakit kuya? Miss na miss lang po namin Si ate, antagal niya kasi bumalik." Nakalabing saad ni Noknok.

Ginulo ni Franco ang buhok nito. "Bumalik Ako na kasama Siya, as I promised. Pero kasi buntis ang ate Angel nito." Nakangiting sagot niya sa bata.

"Po? Buntis? Magiging tatay na po kayo?" Namimilog Ang mga matang anas ni Portia.

"Oo, magkakaroon na kayo Ng kalaro." Ani Angelique sabay punas Ng luha sa mga Mata niya.

"Wow, tatawagin niya po Akong ate?" Sabik na Tanong nito.

"Oo naman, ate at kuya itatawag niya sa inyo." Malawak ang ngiting saad niya.

"Dali, Sabihin natin Kay mother Theresa na magiging ate at kuya na Tayo." Ani Noknok na nauna pang nanakbo. Nagsunuran naman ang mga bata Dito pati na Si Portia.

Naiiling na tiningnan nila ito habang tinatahak ang daan patungo sa opisina ni Mother Theresa.

"Angel hija! Salamat sa Diyos at natagpuang ka na Ng Asawa mo." Maluha-luhang lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Ganon din ang ginawa niya.

Habang naroon sa opisina ay paonti-onti niyang ikinukwento ang nangyari sa kanya. Hinahayaan naman Siya Ng Asawa sa pagkuwento.

Halo-halong emosyon ang Nakita nita sa mukha ni mother Theresa. Pero Ganon pa man ay Masaya pa rin ito na nakabalik na Siya. Hiling nito na sana ay Hindi na maulit ang nangyari sa kanya.

Labis itong nag-alala pati ang mga bata. Natutuwa naman na ibinalita niya Dito na nagdadalang tao na Siya. Masaya Silang binati nito.

Dahil nakabalik na siya, nangako siyang laging dadalaw sa Bahay ampunan na siyang ikinatuwa nito.

"Masaya ako para sa 'yo, hija." Ani Mother Theresa.

"Maraming salamat po, mother." Napabaling ang tingin niya sa Asawa Nanh biglang tumunog ang phone nito.

Kinuha nito ang cellphone. Tumingin muna ito sa kanya. "I have to take this call. It's important, mahal." Paalam nito.

Nakangiting tumango Siya.

"Excuse me, sa labas lang po Ako Mother." Magalang na paalam nito bago lumabas Ng opisina.

"Talagang napakasuwerte mo sa Asawa mo." Andito Ng makalabas ang Asawa niya.

Forgotten Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon