Tinanghali siya ng gising. Hindi na siya nakatulog after that dream. She's trying to remember the voice on her dream pero hindi niya talaga maalala. Nakatulugan na lang niya ang ganoong isipin.
Napalingon siya sa phone na nasa bedside table na naroon ng tumunog iyon. There was a text message. Agad niyang tiningnan 'yon.
'Alam na nilang tumakas ka. Ipinapahanap ka na niya ngayon sa mga tauhan niya. Mag-iingat ka. Huwag mo akong alalahanin ako na ang bahala dito.'
—Tiya Belen
Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Napabalikwas siya ng bangon. Nagpasalamat siya sa tiyahin niya. Dali-dali siyang naligo at hindi na nag-abalang mag-almusal. She needs to get out of here as soon as possible baka matunton siya dito.
Nagsuot siya ng simpleng t-shirt at maong na jeans. Pinatungan ng jacket at nagsuot ng ball cap para maitago ang mukha niya.
Nag-check out na siya roon at agad na tinungo ang kotseng dala niya. It's heavily tinted 'yon kaya hindi kita siya kita sa loob. Saktong nakasakay na siya ng may nagdatingang dalawang van.
Oh shit!
Nanlaki ang mga mata niya ng mamukhaan ang mga tauhan sa mansiyon kaya naman dali-dali niyang pinaandar ang kotse at mabilis na lumisan sa lugar na 'yon.
She's been driving for an hour at nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa pala siya nag-aalmusal. May nadaanan siyang drive thru kaya doon na lang siya bumili.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya kabisado ang mga dinadaanan niya basta kung saan lang siya hatakin sa pagdadrive. Mahalaga ay makalayo siya. Lalo na sa mga naghahanap sa kanya.
Tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ang bag para kunin doon ang cellphone habang ang isang kamay ay nagmamaneho.
Crap!
Her phone slipped on her hands kaya nalaglag iyon sa ilalim. She tried to reach for it pero hindi niya maabot. Saglit na nawala ang atensiyon niya sa daan at ganoon na lang ang panlalaki ng nga mata nang may makitang bata na biglang tumawid. It was too late for her to stop but she tried to stepped on the brakes as fast as she could pero nahagip niya pa rin ito.
No! No! No!
Pinanlamigan siya ng katawan. Nanginginig ang mga kamay na hinagilap niya ang cellphone at tumawag ng tulong sa emergency line.
Abot-abot ang kaba na bumaba siya after niyang makahingi ng tulong. Napasinghap siya ng makita ang batang nakahandusay, duguan. Nakita niya ang isang babae na nanakbo papunta dito at agad itong dinaluhan.
Kahit nanghihina ay pinilit niyang ihakbang ang mga paa.
Kita niyang agad itong niyakap ng babae. The woman was crying it must be his mom. "Mommy..." tanging sambit nito bago nawalan ng malay ang bata. Napasinghap siya.
This is her fault!
"No don't sleep baby... No no please." May dugo ito sa ulo. "Somebody call an ambulance please." Umiiyak na sigaw ng babae. Nanginginig na lumapit siya dito.
"Baby hold on. Mommy's here. Mommy' here." umiiyak ito habang yakap-yakap ang anak. Nagsimula na din magkumpulan ang mga tao.
"Oh my God, I'm so sorry, hindi ko sinasadya bigla siyang tumawid hindi ko agad napansin. I'm really sorry Miss." Nag-aalalang saad niya. Hindi niya alam ang sasabihin dito. She felt guilty.
"Please help me bring him at the nearest hospital. Help my son." Pagmamakaawa nito sa kanya.
"I called for help already." Sagot niya. Sakto namang dumating ang ambulance at agad na isinakay ang anak nito.
BINABASA MO ANG
Forgotten Love (Completed)
RomanceFranco Sandejas was devasted when his wife went missing after their wedding day. It was supposed to be their honeymoon pero bigla itong naglaho na parang bula. He couldn't think of any reason why she left him. He was deeply hurt, he was left hanging...