Naalimpungatan siya sa mahihinang tapik sa pisngi niya. Dumilat siya at tiningnan kung sino 'yon.
"Ma'am gising na po kayo hindi pa po kayo kumakain. Kanina pa po tumatawag si sir nagtatanong kung kumain na po kayo." Magalang na saad ng katulong.
"Sorry, biglang sumakit ang ulo ko kanina." Hinging paumanhin niya. Marahan siyang bumangon.
"What time is it?"
"Mag-alas tres na po ma'am." Sukat sa narinig ay nanlaki ang mga mata niya. Napahaba ang tulog niya. Tulog nga ba? The last time she remembered she fainted.
"Manang, can you help me?" aniya at hinawakan ang isang kamay nito.
"Po?" gulat na saad nito.
"I need to get out of here." Diretsang saad niya.
"Naku ma'am delikado po 'yang gusto niyong mangyari." Nahintakutang saad ng katulong habang napapailing pa ito.
"Manang please... I am not safe here. Tell me, asawa ko ba talaga siya?" Nagsusumamong tanong niya dito.
Naging mailap ang mga mata nito. "Naku ma'am si sir po ang kausapin niyo. Ayoko pong madamay. Masama ho magalit 'yon." tanging sagot nito. Kita sa mukha ang takot.
"Please manang-"
"Magda, mauna kana sa baba. Ako na ang bahala sa kanya." Anang hindi pamilyar na boses. Kapwa sila napalingon dito. Dali-dali namang umalis ang tinawag nitong Magda.
"S-sino ho kayo?" Nag-aalangang tanong niya.
"Ako ang mayordoma sa bahay na 'to. Tawagin mo na lang akong Belen." Anito at lumapit sa kanya. Istrikta ang mukha nito. Medyo may katandaan na dahil sa mapuputing buhok nito.
" 'Nay Belen..." Mahinang usal niya pero ang hindi niya inaasahan ay ang gulat sa mukha nito sa ginawang pagtawag niya dito. Lumamlam ang mga mata nito. Umupo ito sa tabi niya at bahagyang hinaplos ang mukha niya.
"Kay tagal na ng huling may tumawag sa akin ng 'nanay'." Ngumiti ito sa kanya, nawala ang mukhang istrikta nito. "Kay ganda mong dilag hija, hindi ako magtataka kung mahumaling ang alaga ko sa 'yo." anito sa kanya.
"Pasensiya na ho wala po kasi akong maalala." imporma niya dito.
Humugot ito ng malalim na buntong-hininga. "Alam ko....at sana... Sana mapatawad mo ang alaga ko hija." malungkot na saad nito.
"A-ano po ang ibig ninyong sabihin?" Nabahalang tanong niya.
Malungkot itong ngumiti. "Mahal ko ang alaga ko, gusto kong maging masaya siya. Ngayon ko lang siya nakitang masaya. At alam kong ang kasiyahan na ito ang sisira sa kanya balang-araw kung patuloy ko siyang hahayaan." Nakita niyang pumatak ang mga luha nito.
" 'Nay Belen..." She felt her sadness.
"Alam kong narinig mo ang mga bilin niya sa mga tauhan niya kaninang umaga. Hinding-hindi ka makakaalis sa lugar na ito hija kaya tutulungan kitang makatakas dito. Muli mong buuin ang sarili mo. Hanapin mo ang sagot sa pagkatao mo." Madamdaming saad nito. Hindi niya namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha niya.
"Pa'no po ang asawa ko?" Halos pabulong niyang saad.
"Masasagot ang tanong mo kapag nakakaalala kana." Pilit itong ngumiti.
Mahigpit niya itong niyakap. Kahit ngayon niya lang ito nakita at tila kay gaan ng pakiramdam niya dito.
"Pero paano po kayo?" nababahala niyang tanong.
"Huwag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko, ako na ang bahalang magdahilan sa kanya basta siguraduhin mong hindi ka niya mahuhuli. Hindi mo pa siya lubusang kilala." Anito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forgotten Love (Completed)
RomanceFranco Sandejas was devasted when his wife went missing after their wedding day. It was supposed to be their honeymoon pero bigla itong naglaho na parang bula. He couldn't think of any reason why she left him. He was deeply hurt, he was left hanging...