Chapter 23

244 14 0
                                        

Napalingon Si Angelique Nang marinig ang pagbukas Ng pinto. Nagliwanag ang Mukha niya ng makita Si nanay Belen. Agad itong lumapit tangan ang Isang tray na naglalaman Ng pagkain.

"Kumain ka muna, kailangan mo ng lakas." Anito sa kanya at nilapag sa lamesang naroon ang pagkain.

Nakaramdam Siya Ng gutom Ng Makita ang pagkain. Agad niya iyong nilantakan. Ngayon lang Siya nakaramdam Ng gutom.

"Kain lang Ng kain." Tumayo si Nanay Belen at tinungo ang bintana. Bahagya nitong hinawi ang kurtina, medyo madilim na sa labas. Tanging kuliglig lang ang maririnig mo at tunog ng palaka.

Bumalik Si Nanay Belen at umupo sa tabi niya. "Narinig ko na mamayang Gabi kayo aalis ni Luther." Nababahalang imporma nito.

Nabitawan niya Ang hawak na kutsara. "P—po?" Binalot Siya Ng Kaba.

"Narinig ko Silang nag-uusap Ng tauhan niya. Pinahanda niya rin ang ibang gamit mo sa akin." Napabuntong hininga ito.

Namalisbis ang luha sa mga mata niya. "H—hindi... Ayokong sumama 'nay. Please tulungan niyo Akong makatakas." Pagsusumamo niya dito.

"Gagawa Tayo Ng paraan." Kita niya sa Mukha nito ang pag-aalala.

"Hindi ko alam kung makakatakas pa Ako sa Oras na umalis kami. Natatakot Ako sa posibleng mangyari sa Amin lalo na sa magiging anak namin Ng asawa ko." Sunod sunod ang pagpatak Ng mga luha niya. She's trembling but deep in her heart she's hoping that Franco would save her.

"Huminahon ka muna anak, gagawa Tayo Ng paraan. Huwag kang mawawalan Ng pag-asa. Baka gumagawa na rin Ng paraan ang Asawa mo para mahanap ka." Pag-aalo nito sa kanya.

Napayakap Siya dito. Ayaw niyang panghinaan ng loob. Hindi puwede lalo pa at may Buhay sa sinapupunan niya.

Her husband will find her. Hindi Siya nito pababayaan.

Pareho Sila napalingon Ng biglang bumukas Ang pinto at niluwa niyon Si Luther. Tila nagulat pa ito sa dinatnang eksena nila.

"What's going on here?" Malagom ang boses na Tanong nito.

"Hijo, pinapatahan ko lang siya. Baka puwedeng pakawalan mo na lang siya. Buntis siya, baka mapano Siya kapag nagtagal Siya dito." Mahinahon na saad ni Nanay Belen.

"'Nay, she'll gonna be okay." Mariing saad nito.

"Pero hijo, may Asawa Siya at panigurado na hinahanap na Siya Ng Asawa niya." Ayaw paawat ni Nanay Belen.

"The hell I care!" Napapitlag Sila ng hampasin nito ang likod Ng pinto.

"Hijo..."

"She's staying with me. Ako Ang Kilalanin ama ng anak niya. Kung ayaw niya then she chose, either get rid of the baby or magsasama kami bilang pamilya." Matigas na Turan nito.

Napaawang ang labi niya sa narinig.

"How dare you? Paano mo nasasabi 'yan? Oh God, Hindi Ikaw Ang Luther na nakilala ko." Mahinang sambit niya pero sapat na para marinig nito.

Mapakla itong ngumiti at bahagyang lumapit sa kanya. Napaatras naman siya. Maagap namang pumagitna Si Nanay Belen para awatin ito sa paglapit.

"I was late, I know it's my fault. Kung binalikan lang kita agad you will never end up that fucking bastard Sandejas, but please let me make it up to you. I will be a good husband, a good father." He pleaded.

"Hijo, alam Kong mahal mo Si Angelique pero hindi kayo ang para sa isa't isa. May nakalaan para sa 'yo na mamahalin ka din." Ani Nanay Belen.

"Stop it. Angelique and I are meant to be together. Sa Bahay ampunan pa lang kami na Ang magkasama. Kaya kami lang ang para sa isa't-isa." Gumalaw ang panga nito sa tinitimping Galit.

Forgotten Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon