Chapter 11

331 16 2
                                    

She locked herself the whole day, naalimpungatan lang siya ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Marahan niyang iminulat ang mga mata.

Madilim na sa labas at tanging liwanag sa labas lang ang nagsisilbing ilaw. Kinapa niya ang switch ng lampshade na nasa bedside table.

Napalunok siya ng maalala ang nangyari kanina.

Should I open the door?

Bago pa masagot ang nasa isipan niya ang napangiwi siya ng biglang kumulo ang sikmura niya. She's starving! Marahas niyang nasuklay ang magulong buhok.

Bumangon siya at kagat-labing tinungo ang pinto. Hindi siya puwedeng magkulong dahil magugutom lang siya.

Tumambad sa kanya ang malamlam na tingin nito. Kita ang pag-aalala sa mukha nito.

"S-sorry to bother you but it's getting late at Hindi kapa kumakain." Alangang sabi nito.

"I-it's okay." Tipid na sagot niya.

"About what happened-"

"Let's forget about it.", She cut him off. Nakita niyang natigilan ito habang nakatingin sa kanya.

Hindi niya alam kung saan humugot ng ibayong lakas para masabi 'yon sa kaharap niya.

She heard him heaved a sigh. "If that's what you want." Malamig na tugon nito at nagpatiuna ng maglakad sa kanya.

Napasunod na lang siya ng tingin dito habang marahang sinundan ang daan na tinatahak nito.

The dinner was quiet, ni walang umimik sa kanilang dalawa. Besides hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin dito. Panaka-naka niya itong tiningnan habang tahimik na kumakain.
Nakakabinging katahimikan na kahit nahihirapan siyang lunukin ang kinakain niya ay pilit niyang kainin dahil nagugutom siya. Naiilang kasi siya dito.

She really needs to get out here. Kung magtatagal siya dito ay lalo siyang maiilang kung ito ang kasama niya.

Natapos na silang kumain na walang imikan.

"Just leave it there, ako na ang bahalang magligpit mamaya. I'll just go outside, magpahinga ka na." Malamig na saad nito at tumayo na.

Napatingin siya sa plato nito. Ngayon niya lang napansin na halos hindi nito nagalaw ang kinain nito. She was too busy earlier thinking na kailangan na niyang umalis sa lugar na 'to habang ito naman ay hindi kumain.

Suddenly she felt guilty. Napatingin siya sa pintong nilabasan nito. She's thinking kung susundan niya ba ito para kausapin o sundin ang utos nito na magpahinga siya.

Niligpit niya muna ang pinagkainan bago nagpasyang sundan ito sa labas.

As she walk outside agad hinanap ng mata niya ito. There she saw him sitting on the beach bed while holding a cigarette on his right hand.

Her forehead creast. So he do smoked?

She doesn't like the idea of him smoking.

Dahan- dahan siyang lumapit dito. Mukhang hindi nito namalayan ang paglapit niya dahil hindi man lang ito lumingon sa kanya. Nakatingala ito sa langit. Sinundan niya ang tingin nito. Nakatingin ito sa ulap kung saan makikita ang nagkikislapang mga bituin sa langit.

Napangiti siya. Nakakarelax kasing tingnan.

"We used to watch the stars every night before we sleep. Sabi mo nakakarelax 'yon so we one time we tried then I realized you were telling the truth. Since then, ginagawa na natin 'yon magkasama man o hindi." Muntik na siyang mapatalon ng magsalita ito. Akala niya hindi siya nito napansin.

Forgotten Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon