Napakunot ang noo niya when her phone rang. It's na unknown number. Nagdadalawang isip siyang sagutin iyon pero kalaunay sinagot din niya pero hindi muna sita nagsalita.
"Hello, is this Angelique?" anang boses babae.
Tila nakahinga siya ng maluwag. "Yes speaking." pagkuway sagot niya.
"How are you? This is Careen Guanzon, I would like to inform you that my son is getting well now." Masayang sambit nito. Napatuwid siya ng upo.
"R—really?" Tila nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Thank God at ligtas ito. "I'm ready if you want to sue me." seryosong saad niya. Sa lahat ata ng gustong sampahan siya lang ang may gusto.
"Actually, hindi ko naisip 'yan. I have my fault too. Hinayaan kong mawala siya sa paningin ko." Sansala nito.
"But—"
"C'mon, it's fine. Really. Ang mahalaga sa 'kin ligtas ang anak ko, that's all that matters." She cut her off.
Napangiti siya sa narinig. "How about his father?" Biglang naitanong niya. Natigilan naman ito sa kabilang linya. Mukhang alam na niya ang sagot nito. She heaved a sigh.
"He's mad. But it's okay I can talk to him." Sansala nito.
"No, let me talk to him. I want to apologize to him personally especially to your son." Awat niya dito.
"Are you sure?" Nag-aalangang tanong nito.
"Yeah, very sure. You know what, ang suwerte ko nga dahil ambait mo. Kung iba siguro baka nakakulong na ako ngayon. Worst baka kung anong masasakit na salita ang natanggap ko. But you, ang bait mo sa 'kin. Lalo tuloy akong nagi-guilty." Nahihiyang saad niya.
"Much better if you come here right now ng mawala na 'yang guilty na nararamdaman mo." awat nito sa kanya.
Sinabi nito kung anong hospital ito naka confine. Pati room number nito. Agad siyang nag-ayos para mapuntahan ito. Nagsuot siya ng casual na damit. Ripped jeans, black sleeveless na pinatungan niya ng maong na jacket. Pinaresan niya ito ng sneakers. Nagsuot din siya ng ball cap para maitago ang mukha niya sa mga naghahanap na tauhan ng pinagtataguan niya.
Habang papunta sa sinabing address ng ospital ay abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Hindi niya kasi alam kung mapapatawad siya ng tatay ng bata. But still she want to give it a try. After all siya ang nakabangga.
Nang mai-park ang kotse niya ay abot-abot ang kaba niya. Hindi niya alam kung bakit pero dumoble iyon ng makapasok siya ng ospital. Nagtanong siya sa reception ng exact floor ng room ng pasyente mabait naman siyang inassist ng nurse na naroon. Nagpasalamat siya at tinahak ang floor na sinabi ng nurse.
Nang makarating sa pakay niya ay napakagat-labi siya. She took a deep breath before knocking the door three times. Nang walang sumagot ay dahan-dahan niya itong pinihit pabukas.
Nagulat siya ng sa nadatnan, limang lalaki ang naroon. Mukhang nagkamali siya ng pinasok pero nahagip niya ang nanay ng bata kaya napangiti siya. "Hello goodmorning po." Nakangiting bungad niya sa kanila. Shocked was written to all their faces upon seeing her face. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Napalunok siya.
Is there something? Alam ba ng mga ito siya ang nakabangga? Kung ganoon she's dead meat!
Mukhang barako pa naman ang limang lalaki na 'to lalo na ang tila nakakita ng multo na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"W—wife?" Naisatinig ng lalaking 'di kalayuan sa kanya. Agad itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Gulat at nagtataka siya sa tinawag nito lalo na sa ginawa nito ngayon! Pero ang ipinagtataka niya ang kakaibang tibok ng puso niya habang nakayakap ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forgotten Love (Completed)
RomanceFranco Sandejas was devasted when his wife went missing after their wedding day. It was supposed to be their honeymoon pero bigla itong naglaho na parang bula. He couldn't think of any reason why she left him. He was deeply hurt, he was left hanging...
