Chapter 1

842 61 2
                                    

Saya POV

"Did you catch him?" Malamig na tinig ang aking narinig ng mapadaan ako sa Opisina ng aking Lola, Ang pinuno ng aming angkan. Angkan ng mga Mangkukulam na Itim.

"Yes Hedra, He is in the Last Room." Magalang na saad ng isang tinig.

Alam ko na ang gagawin nila. Papatay ng tao at kukunin ang dugo upang makagawa ng isang Manikang siyang gagamitin nila upang kulamin ang mga taong humahadlang sa kanilang mga plano at nanakawin angkaluluwa upang ialay sa demonyo.

Agaran nalang akong umalis doon at nagtungo sa aking silid.

Hindi ko man alam lahat ng ginagawa nila, Hindi ako sumasang-ayon doon. Dahil pumapatay sila ng mga taong Inosente at tanging hiling lang ay mabuhay ng payapa.

Napakasama nila. Wala silang awa Demonyo sila.

Gusto ko mangpigilan sila ngunit hindi ko magawa dahil sa isa lamang akong mahina at walang alam sa mga bagay bagay dahil sa ikinukulong nila ako parati sa kwarto ko't hindi pinapalabas.

Ayaw ko ng ganitong pamilya, ayaw ko ng buhay na ganito.

SUMAPIT ang gabi at tapos narin kaming maghapunan. Nandito naman ako sa silid at nagmumunimuni.

Pinag-iisipan kung paano ko ba mapipigilan ang ginagawa ng aking pamilya.

Maya-maya'y nabulabog ako tahil sa sigaw na narinig ko mula sa baba. Tinig ng nagmamakaawa.

Ito na naman sila. Hindi na sila naawa sa mga taong pinapatay nila.

Ayaw ko na ng ganito, Sawang sawa na ako.

LUMABAS ako ng kuwarto ko at tahimik na nagtungo sa kuwarto ng aking Lola.

Si Marcelona, ang Mangkukulam na walang awang pumapatay ng tao. Ang demonyong nagpapasimuno ng mga sakit sa bayan at ang dahilan kong bakit maraming namamatay.

Huminto ako sa pintuan ng kuwarto ng aking Lola ng makarating. Wala sa sariling napakuyom ang aking mga Kamao dahil sa Galit at kagustuhang hindi makuha-kuha.

Nakita ko ang isang Malaking Tatsulok na nasa lamesa sa tabing pintuan ng kuwarto ng aking Lola.

Kinuha ko ito at mahigpit na hinawakan ang dulo. Binalik ko ang tingin sa pintuan ng kuwarto ni Lola at dahan dahang hinawakan at pinihit ang siradura ng pinto.

Ng mabuksan ko ito ay maingat akong pumasok at maingat ring sinarado ito.

Naabutan ko ang aking Lola na Mahimbing na natutulog habang nasa tabi nito ang isang bagay na hindi ko alam.

"Ayaw ko ng pamumuno niyo at lalong ayaw ko ng pamilyang ito." Bulong ko habang nakatingin sa mukha niyang halatang nasa malalim na pagkakatulog.

Alam kong mali itong gagawin kong pagpatay sa kaniya dahil sa Lola ko ito at kadugo, pero ayaw ko nang ganitong pamumuhay.

Itinaas ko ang kamay kong may hawak ng Tatsulok na bagay upang kumuha ng P'wersa upang Saksakin siya.

Natatakot akong makakita ng Dugo pero para sa Kagustohan kong Pigilin ang pamumuno niya at pagpapahirap sa mga Tao ay gagawin ko. Ang gusto ko lang naman ay ang Tumigil na ang pamumuno niya at pagpapahirap sa mga tao.

Third Person POV

Akmang Isasaksak na ni Saya ang Hourglass na hugis tatsulok sa kaniyang Lola na mahimbing na natutulog ng may bigla nalang na bumaon na matulis na bagay sa kaniyang kanang dibdib na ikinatigil niya.

Bumagsak si Saya sa Sahig kaya lumikha ito ng ingay. Sa pagbagsak niy ay bumungad sa likod nito ang isang lalaking may Inis sa mukha ang nakapaskil.

"Ano ang nangyayari?" Napalingon siya sa kamumulat lang na Marcelona.

"Your Granddaughter Hedra, akmang papatayin kana niya sana kanina... buti nalang naunahan ko." Nanggigigil na saad nito at muling tiningnan ang ngayo'y hinihingal nang si Saya habang umaagos ang dugo sa sahig. Nag-aagaw buhay na ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang saad ni Marcelona at umupo mula sa pagkakahiga, sinundan niya ng tingin ng kaniyang kanang kamay at doon niya lang napagtanto na ang kaniyang Minamahal na apo ay nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sariling dugo.

"Saya!.." Gulat na saad ni Marcelona at bumangon mula sa pagkakahiga.

Habang si Saya naman ay unti unti nang nawawalan ng gininga at dumidilim na ang paningin.

'Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ata, masmabuting mamatay nalang ako kaysa mabuhay dito sa mundong ito.'

"Anong ginawa mo?!" Huling tinig na kaniyang narinig bago mawalan ng hininga't nilamon na ng kadiliman.







--------
©Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon