Saya/Kristine POV
Nang makalabas at maisara ni Ina ang Pinto ay agad kong inilibot ang paningin sa paligid. Mas malaki ito kaysa sa dati kong silid.Ngunit kailangan kong magpahinga. Kapag gigising nalang ako ay susulitin ko talaga at lilibutin ko ang Mansyon na 'to. Sa ngayon ay magpapahinga muna ako.
Nahiga ako sa malambot na kama at binalutan ng malambot na kumot ang katawan. Ang bango-bango pati unan, nakakaadik. Dahil sa amoy na 'yon ay tuluyan na akong nakatulog.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa init na nakatapat sa mukha ko. Init na naggagaling sa liwanag ng araw hudyat na magtatanghaling tapat na.
Bumangon ako't nag-inat. Grabi, ang sarap ng tulog ko kagabi. Hindi ako makapaniwalang mararanasan ko ito, sa kuwarto ko kasi sa dating buhay ay matigas na katre lamang ang aking hinihigaan 'di katulad nito na parang nakahiga ka sa Makapal na ulap.
Pero kahit naman na gano'n ay Namimiss ko pa naman ang kuwarto ko at ang maliit kong kama.
Nagbuntong hininga nalamang ako bago tumayo. Ano kaya ang madalas gawin ni Kristine tuwing umaga?
Pumunta ako ng banyo at bumungad sa akin ang malaking salamin at may roon pang paliguan, may roon ring iniduro. Napakalinis tingnan at dicente talaga.
Humarap ako sa salamin pagkatapos humilamos. Magkamukhang magkamukha talaga kami ni Kristine, mula sa medyo makakapal na kilay, ngunit sa kaniya ay palang binawasan, hanggang sa labi nito.
Liban na nga lang sa katawan at height. Siya kasi ay balingkinitan ang katawan at tama lang ang payat, medyo matangkad rin siya ng 5 inches kesa sa akin. Ang buhok niya ay mahaba hanggang pang-upo at kulot sa ibaba.
Ang ganda niya talaga.
Inialis ko na ang atensyon sa salamin at kumuha ng sipilyo upang linisin ang ngipin at bumango ang hininga ko dahil ang baho lalo na kagigising ko lang.
Pagkatapos kong magsipilyo ay lumabas na ako ng banyo at inilibot ang paningin sa kuwarto. Grabi, mapapanganga ka nalang talaga sa sobrang pagkamangha dahil sa ganda ng kuwarto ito. Paano pa kaya kung makita ko na ang buong mansyon.
Napalingon ako sa gilid. Doon bumungad sa akin ang kahapon ko pang gustong hawakan at yakapin. Ang mga malalambot na hayop.
Lumapit ako doon at pinulot ang hindi kalakihang malambot na hayop. Ang lambot, ang sarap sa pakiramdam yakapin katulad no'ng higaan na sobrang lambot.
Pwedi ko kaya itong ilabas?
*tok*
*tok*
*tok*
Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok. Binaba ko muna ang malambot na hayop bago lumakad doon at pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok.
Bumungad sa akin angaaliwalas at nakangiting mukha ng ginang. Ang Ina ni Kristine, ang ginang na mula ngayon ay ituturing ko ng Ina.
"Goodmorning Sweety!" Masigla nitong bati bago ako yakapin ng mahigpit, yumakap nalang ako pabalik.
"Magandang Umaga rin po Ina." Alam ko ang mga lenggwaheng ginagamit niya/nila dahil sa ang mga maharlika sa dati kong buhay ay madalas kong marinig na gamitin ang lengwaheng ginagamit ni Ina kaya pinag-aralan ko hanggang sa natutunan ko.
"Alam mo Anak. Magmula noong nawalan ka ng ala-ala ay hindi mo na ako tinatawag na Mommy or Mie. Pero ok lang naman dahil mas maganda ang Ina dahil mukhang sosyal." Ang kanina'y nakalabi nitong mukha ay naging masigla na muli.
Naisip kong hindi nga pala ako ang totoo niyang anak. Sasabihin ko ba sa kaniya o hindi? Dahil may karapatan naman siyang malaman na ang nagmamay-ari ng katawang ito ay wala na at ibang kaluluwa ang komokontrol na dito, ngunit may posibilidad ring magalit at paalisin niya ako o 'di kaya'y may gawing masama sa akin.
Ayaw ko. Ngayon ko lang ulit mararanasan ang ganitong trato sa buhay, kaya hanggat maitatago ay itatago kong, iba na ang masa katawan ng anak niya.
————–———
©️Alright Reserve
2021-
BINABASA MO ANG
When a Witch Reincarnated As A Bitch
RandomGusto ni Saya na mamuhay ng Normal katulad ng mga tao, ngunit talaga ngang malupit ang tadhana sa kaniya dahil ang nais niya ay kabaligtaran ng kasalukuyan niyang buhay. Galing siya sa Angkan ng mga Mangkukulam, pilit niya mang gumaya sa kaniyang Lo...