Chapter 3

620 53 0
                                    

Saya/Kristine POV

2 days Passed by, nakalabas na ako ng kuwartong iyon na nalaman kong kuwarto sa Hospital, isang building para sa mga may sakit na tao.

Ngayon ay nakasakay na kami sa isang sasakyan na tinatawag nilang Kotse. Hindi pa ako pamilyar sa mga bagay bagay dito sa mundo nila.

Ang babae na tinatawag akong Anak ay Ina ng katawang ito. Nalilito ako dahil, Sa pagkakaalam ko, dapat kapag nabuhay kang muli sa ibang katawan iba na rin ang magiging mukha mo. Pero sa akin ay pareho, pareho kami ng katawang ito ng mukha.

"Malapit na tayo Anak." Nakangiting saad ng Ina ko habang nagmamaneho. Bukod sa kaniya ay wala ng ibang dumalaw sa akin doon sa Hospital kundi siya lang.

Iniisip ko kung may kapatid ba ang katawang ito na napag-alaman kong Kristine ang pangalan. Kung may mga kapatid man siya, sana maging kasundo ko.

Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng kapatid, kaso hindi ako binibigyan nila Mama. Kaya mag-isa lang ako.

Nakatanaw lang ako sa bintana ng sasakyan habang bumabyahe, kanina pa nga kami bumibyahe. Pero hindi parin kami humuhinto.

Saan kaya ang bahay namin? Hindi ko parin nakikita ang Ama ko dito, sana naman mabait siya hindi katulad ng Totoo kong Ama. Pati Lolo! Sana may Lolo ako dito at Lola, kapag nalaman kong mayroon ako no'n dito. Sisiguraduhin ko sa sarili kong magiging kasundo ko sila.

Lumiko ang sasakyan sa kaliwang direksyon. Ng mapadako ang tingin ko sa harapan ay bumungad sa akin ang Malaking gate na kulay pilak, matataas na pader na kulay Pula.

Bumukas ng kusa ang Gate kaya namangha ako, Gawa kaya iyan ng Mahika nila. Teka, may mahika ba sila dito? Unti unting pumasok ang sasakyan sa gate kaya unti unti ko ring nakikita ang loob nito.

Doon ay bumungad ang mga punong maayos ang pagkakalinya. Sa magkabilang side ay puno ng matatayog na puno ng mangga. May mga bunga pa ito na hitik na hitik.

Lumampas kami doon. Sunod naman ay bumungad sa akin ang isang malaking Fountain sa di kalayuan, nasa gitna ito ng malapad na daan.malinis ito at kumikintab pa ang Tubig, pati narin ang mismonv fountine. Ngayon lang ako nakakita nito, Dahil wala nito sa amin, sa Palasyo lang.

Pagkalampas sa Fountain ay bumungad sa akin ang isang Palasyo ngunit maliit ito ng kunti sa palasyo sa mundo ko. May mga punto na idinesenyo ng mga tao at mga istatwa na mukhang tao na may hawak na libro.

Mula rito ay nakita ko ang isang matangkad na pinto, double door. Kulay krema ito at Kulay ginto naman ang siradura.

Tumigil ang sasakyan sa Harap ng malapad ngunit hindi malaking hagdan. Mga limang hakbang lamang ang taas nito. Bumuba si Ina mula sa sasakyan, kaya sinubukan ko ring bumuba ngunit hindi ko nga pala alam kung paano tanggalin ang bagay na nakakabit sa akin at pati narin ang pinto ng sasakyan.

Kinabahan ako dahil doon, Sisigaw na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa tabi ko. Bumungad sa akin ang isang Matandang lalaki na tuwid ang tayo. Nakasuot ito ng hindi ko alam na kasuutan, ngunit mukha itong panglamig na manipis na kulay itim, nakapailam dito ang isang puting kasuotan at ang pangbaba niya ay mahaba, itim rin ito.

Nakatagilid ito at tuwid ang pagkakatayo, hindi ko alam ang gagawin ko kaya napahawak nalang ako sa nakakabit na bagay sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas. Ng mapagtanto niyang hindi pa ako lumalabas ay nilingon niya ako at takang tiningnan.

"What is the Problem Señorita?" Tanong nito, tinuro ko naman ang Bagay na nakakabit sa akin. Agad niya iyong naintindihan kaya lumapit siya sa akin at may kung anong kinalikot sa gilid ko, maya maya ay natanggal na rin ang nakakabit sa akin.

"Oh, is there something wrong honey?" Napatingin ako kay Ina ng tanungin niya ako, nakatayo na siya malapit sa may pintuan ng sasakyan habang may dala dalang lalagyan ng gamit, may isa ring babaeng may bitbit na bagahe sa likod ni Ina.

"Ah, Wala po." Agad kong sagot. Lumabas narin ako ng sasakyan, lumakad ako papalapit kay Ina upang tumabi sa kaniya sa paglakad.

Ng makalapit ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Iwan ko kung pang-ilang beses na niyang ginawa iyon sa akin pero maraming beses na. Ganito ba siya sa totoong Kristine, kasi sa isang araw nakakarami siya ng paghalik sa noo ko, eh.




—————————
©️Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon