Chapter 2

689 57 1
                                    

Saya POV

Nagising ako ng makarinig ng mga malalakas na hikbi  sa bandang kaliwa ko.

Agad kong Iminulat ang mata ko ngunit napapikit rin ng bumungad sa akin ang nakakasilaw na bagay. Baka ay ilaw ito.

"Hmm..." daing ko, naramdaman kong napatigil ang kung sino mang umiiyak sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito upang malaman kung ayos lang ba siya ngunit napatigil rin ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"*snip* I thought you were Dead, thanks God your Alive, Anak." Humihikbi nitong saad.

Hindi sa akin pamilyar ang tinig niya, siguradong hindi ko uto kakilala. Ilang minuto pa ang lumipas hindi niya parin ako binibitawan, patuloy parin siya sa pag-iyak at paghikbi sa balikat ko.

"Ayos lang po ba kayo?" Agad na tanong ko habang marahang hinahaplos ang likod nito para patahanin.

Agad itong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin, pinunasan nito ang mga luha bago muling humarap sa akin ng nakangiti.

"Ayos lang ako basta maayos kana ngayon Anak." Sabi nito gamit ang malambing na tinig.

Agad akong nagtaka ng mapagtantong kanina niya pa ako tinatawag na Anak kahit naman na hindi ko ito kilala.

"Bakit anak? May problema ba? May masakit ba sa iyo? Teka, nakalimutan ko. Tatawag lang ako ng Doktor, para ma-check kana. Siguradong matutuwa ang Dad mo kapag nalaman niyang gising kana." Sabi nito, hinalikan nito ang noo ko. Bago pa ako makapagprotesta ay agad na siyang tumalikod at lumabas mula sa bintuan.

Huminga nalang ako ng malalim bago, nilibot ang paningin. Puro puti lang ang nandito, may mga kung anong bagay ang nakalagay sa tabi ng hinihigaan ko.

Napahawak ako sa bibig ko, ngayon ko lang napansin na may kung anong nakatakip dito. Dahil sa hindi komportable ay dahan dahan ko ito binaba sa leeg ko.

Huminga ako ng malalim, kakaiba iyon ah. Ano kayang bagay iyon, parang binibigyan ako ng Hangin.

Iangat ko ang katawan ko at dahan dahang umupo, inayos ko rin ang kumot na nakabalot sa akin para maging komportable ako.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya hinawakan ko ito, dadaing pa sana ako ng maramdamang may nakabalot dito.
Teka, bakit ako may ganito?

Hindi ko nalang iyon pinansin. Inayos kong muli ang kumot ngunit napadako ang paningin ko sa bandang palapulsunan ito. May itim doon na kulay bilog, para siyang singsing na walang disensyo. Maliit lang ito sapat na para makita ko ng maayos.

Teka, Pamilyar sa akin ito ah. Pinasadahan ko ito ng Hintuturo ko, hinaplos paikot habang inaalala kung saan ko ito nakita.

Napasinghap ako ng maalala ang mga nangyari. Patay na ba ako? Pero...

"Omygosh Anak, Why did you Remove your Oxygine?!" Napatingin ako sa pintuan, pumasok doon ang tumatawag sa aking Anak, Isang lalaking naka White na damit at isang Babaeng medyo maliit at naka-white na damit rin. Hindi pamilyar sa akin.

Agad lumapit sa akin ang Babae at hinaplos ang pisnge ko. "Ayos kana ba? Nakakahinga kana ba ng maayos?" Tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot.

Agad nitong kinausap ang lalaki, "Doc, maayos napo ba ang kalagayan ng anak ko?"

Iniisip ko parin ang nangyari sa akin, ibig ba nitong sabihin ay patay na talaga ako. Pero bakit ako nandito? Sa hindi pamilyar na kuwarto.

Ang ibig bang sabihin nito ay Nasa iba akong katawan, sa ibang katawan ng tao?

Pero, kung gano'n nga. Pangalawa ko na itong buhay, Nabuhay akong muli ngunit sa ibang katawan ng tao.

Napangiti ako. Malaya na ako sa kamay ng Lola ko, wala na ako sa lugar namin. Malaya na ako.





————–——————
©️Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon