Chapter 9

354 31 0
                                    

Saya/Kristine POV

"Kristine ikaw ba talaga iyan?" Ani ulit ng magandang babae. Nalilito ko naman itong tiningnan lang.

Lumapit siya sa akin at bigla na lamang ako nitong niyakap. Hindi ko alam pero, bigla nalang ako nakaramdam ng pangamba sa presensya ng babaeng ito.

"Kristine. Akala ko wala kana." Ang wika na naman niya. Tiningnan ko si Gino ng nagtataka.

Binigyan naman niya ako ng nag-aalalang mukha na ikinabahala ko naman. Kailangan ko talagang malamn at kilalanina ang mga taong malapit kay Kristine, lalo na ang mga taong may galit sa kaniya.

"Patawad ngunit, Sino ka?" Sambit ko habang nakayakap parin siya sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng kumalas na siya mula sa pagkakayakap.

"Hindi mo ako naaalala? Sa bagay." Ani nito at tumango tango pa. Iwan ko kung namamalikmata lang ba ako o hindi, dahil nakita ko siyang ngumise na ikinakaba ko bigla.

"Ako nga pala si Dianna. Ang... matalik mong kaibigan." Pagpapakilala nito at binigyan ako ng magandang ngite na ikinahinga ko. Sana naman talaga ay mabuti ang intensyon niya sa akin.

Nginitian ko siya at tumango rin.

"Patawad dahil hindi kita naaalala. Pero, nais mo bang sumama sa amin sa C... Classroom na pupuntahan namin?" Sambit ko. Paunti unti, ay masasanay rin ako sa mga lengwaheng kanilang iniwiwika.

Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin ngunit napalitan rin agad ng ngite.

"Oo naman. Magkaklase tayo eh. Pero, may pupuntahan pa kasi ako kaya mamaya na lang tauo magkita." Ani niya.

Sasagot pa sana ako kaso tumalikod na siya at tuluyan na kaming iwan.

"Ahm, Gino kilala mo ba ang babae kanina?" Tanong ko kay Gino na kanina pa walang imik. Naglalakad na kami ngayon.

"Oo, iyon ang lagi mong kasama dito sa school." Ani niya na ikinatango ko nalang. Hindi na ako nagtanong dahil tiyak na makikilala ko rin kapag hindi nagtagal ang babae kanina na matalik na kaibigan ni Kristine.

Ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa harap ng isang Silid aralan. Nakasarado ito kaya hindi ko makita kung ano ang nasa loob.

"Dito na tayo. Wala parin naman ang Teacher natin kaya iiwan na muna kita dito dahil bibili lang ako ng tubig." Tumango nalang ako.

Nang makaalis siya ay binuksan ko na ang pinto ng silid aralan at pumasok doon. Ang kaninang naririnig ko na maingay ay bigla nalang tinakpan ng katahimikan.

Inilibot ko ang paningin sa loob at napansing lahat ng istudyante na naroroon ay nakatingin sa aking direksyon. Siguro nga ay kilala dito si Kristine ngunit ang pinagtataka ko lang ay, ang iba kung makatingin ay parang pinapatay na nila ako.

"Magandang, Umaga." Bati ko sa kanila. Ang iba sa mga babae ay inikutan ako ng mata at bumalik rin sa mga kanila kanilang ginagawa kanina. Gayon din ang iba na ikinahinga ko ng maluwag.

Buti naman dahil hindi ako sanay sa atensyon at pagpansin sa akin ng nakararami.

Umakyat ako ng hagdan at dumeretso sa pinakataas kung saan may mga bakanteng upuan. Umupo malapit sa hagdan upang makita ng diretso ang harap.

Maya-maya rin ay dumating na si Gino na may dalang tubig na nakalagay sa parang bote ni Lola pero iyon ay nakikita ang loob at tumatagos ang paningin.

Inilibot niya ang paningin sa loob at ng magtama ang paningin namin ay nginitian ko siya ganon din ang ginawa niya. Umakyat na siya at umupo sa tabi ko.

"Oh, ito tubig para kapag natuyuan ka ng lalamunan ay may iinumin ka." Pinasalamatan ko naman siya.

Tinanong niya rin kung komportable ba ako na sinagot ko naman ng maayos. Wala pang isang minuto ay bumukas uli ang pinto ng Siliz at pumasok doon ang hindi katandaan na babae.

Mga nasa 29 anyos lang ata siya. Ang sabi ni Gino ay siya na daw ang magtuturo para sa unang tema namin. Maya maya rin ay nagsimula na siyang magturo ng mga hindi pamilyar sa akin.

Dibale, magpapaturo nalang ako kay Gino kapag kami ay nakauwi.





----------
©️Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon