Saya/Kristine POV
Nandito ako ngayon sa may Harden parin at nakaupo sa isang upuan sa ilalim ng puno ng mangga kasama ang lalakeng kanina ay aking nakilala bilang isang anak ng manggagawa dito na isang Hardenero o tagapangalaga ng harden nila Ina.
Katabi ko siya ngayon ngunit may distansya ang pagitan namin dahil sa nakikipaglaro siya sa Asong tinawag niya kaninang Burth na hindi ko pa nais hawakan dahil baka ay bigla niya ang dakmain, maganda ng nakakasiguro kesa sa hindi.
"Balita ko Señorita ay nawalan ka po ng ala-ala?" Basag nito sa katahimikan. Pinatong ko naman ang aking baba sa ulo ng malambot na hayop at tumango bilang sang-ayon.
"Pasensya napo sa tanong at sorry rin po sa nangyari. Kung napigilan ko talaga iyon ay walang mangyayaring masama sa 'yo." Nagtataka ko itong nilingon dahil sa isinambit.
Napaisip ako. Ano kayang nangyari kay Kristine kung bakit nasa hospital siya at siguradong patay na siya, ikinapagtataka ko rin kung paano ako napunta sa katawan niya.
"Ano ba ang nangyari kay- sa akin noong wala pa ako sa hospital?" Tanong ko dito. Muntik pa akong madulas, hanggang sa maaari ay kailangn kong panatilihing sekreto na hindi ako ang totoong kristine.
Malungkot ang mata niya akong tiningnan bago ako ay sagutin. "Huwag niyo pong mamasamain pero marami po kasi sa 'yong ayaw at naiinis. Kaya 'yon rin ang dahilan kung bakit nawalan kayo ng ala-ala." Nagtaka akong muli. Eh, paano?
Nang mapagtanto niya ang aking pagtataka ay sumagot siyang muli. "Ganito po kasi iyan, marami po kasing naiinis sa inyo sa University'ng pinapasukan natin dahil sa ugali niyo kaya ayon. At isa pa, isa rin sa dahilan kung bakit kayo naaksedente dahil sa lalakeng kinababaliwan niyo. Iwan ko nga sa inyo Señorita kung bakit baliw na baliw kayo sa lalakeng iyon eh ang pangit pangit naman. Mabuti pa..." ani nito ngunit hindi narinig ang huli niyang isinambit na ipinagsawalang bahala ko nalang.
Nagtaka ako ng mapagtanto ang kaniyang sinabi. Parehas ang pagkatao ni Kristine sa Prinsesa ng aking Mundo. Hindi ko man pa nalalaman ang kabuuang ugali ni Kristine ay nauunawan ko na base sa pagkukwento ng Ginoo na ito. Nakakapagtaka naman.
Ilang minutong katahimikan naman ang namuo sa pagitan naming dalawa. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin iyon at kung paano ako napunta sa katawang ito. Sinasabi ng iba na Reincarnated daw ang tawag dito pero sa pagkakaalam ko ay ang Reincarnated ay ang muli kang isisilang bilang isang sanggol at wala kang maaalala sa nakaraan mong buhay. Ngunit, ako naman ay nalipat lang ang kaluluwa sa iniwang katawan ni Kristine.
Napabuntong hininga nalamang ako ng wala sa oras. Pero kahit na ganon, nagpapasalamat parin ako dahil muli akong nabuhay at matitikman ko na ang tinatamasa kong buhay, ngunit parang may hadlang na naman sa nais ko base sapagkukwento ng Ginoo patungkol kay Kristine.
"May problema po ba Señorita?" Napalingon ako sa Ginoo. Kanina ko pa pala hindi naitatanong ang pangalan niya at kanina niya pa ako tinatawag na Señorita, hindi pa naman ako sanay sa mga ganiyang trato sa akin.
"Ano nga pala ang pangalan mo ginoo?" Tanong ko dito. Napatigil naman siya panandalian ngunit ngumite rin sa akin na ikinangete ko rin.
"Nakakatuwa ka naman Señorita-" agad ko itong pinutol sa pagsasalita.
"At huwag mo na akong tawaging Señorita dahil, dahil tinulungan mo ako kanina." Nakangiting sagot ko. Kahit naman na hindi totoo ang sinagot ko, hindi lang talaga kasi ako sanay at tsaka gusto kong maging kasundo siya.
Tumawa siya ngunit kalaunan ay sumagot rin. "Sige po. Kung yan ang gusto mo. Ako nga pala si Gino, at katulad nga sa sinabi ko kanina. Anak ako ng isa sa mga trabahador niyo." Ani nito. Napatango tango naman ako.
"Ahm, p'wedi ba tayong maging magkaibigan?" Nag-aalinlangan man ay sinabi ko iyon. Nakita kong namula na naman ang pisnge nito na madalas kong napapansin. Siguro may gusto ito kay Kristine kaya ganon.
"Wala pong problema tsaka matagal narin naman tayong magkaibigan eh." Kumakamot ito sa likod ng kaniyang ulo habang ibinabanggit ang mga salitang iyon. Wari mo ay nahihiya pa sa akin.
"Ahm, ilang taon kana pala?" Tanong ko na agad naman niyang sinagot.
"17 po. Magkaedadan lang naman po tayo." Sagot nito. So ibig bang sabihin, magkababata sila ni Kristine?
"Kuwentuhan mo daw ako ng mga pinagsamahan natin dito sa loob ng Mansyon. Gusto ko lang kasing malaman para naman magkaroon ako ng maraming kaibigan." Na nais ko naman dahil mukhang nakakatuwa ang lugar na ito. Hindi tuloy ako makapaghintay na lumabas ng Mansyon at kilalanin ang kakaibang mundo na ito.
May galak naman niya akong sinagot. Dahil sa nakakatuwa siyang magkuwento ay nasiyahan akong makipagkwentuhan at makinig sa kaniya. Nakakatuwa siya at ang sarap kasama dahil puro ngiti lamang at saya ang magiging dala sa akin.
Hindi namin namalayan na sumapit na pala ang hapon. Bago lang namin napagtanto ng may isang trabahador na kumapit sa amin. Ganon na ba kalalim ang pagkukwentuhan namin at hindi na namin namalayan na hapon na pala. Nakakatuwa naman. Sisiguraduhin ko talagang araw araw ko siyang makasama.
"Señorita Kristine!" Tawag na ikinahinto namin sa pagkukwentuhan. Lumapit sa amin ang Hardenerong kasama ang lalakeng nakasuot na naman ng panglamig na kasuutan base sa aking nalalaman ay tinatawag nilang Tuxedo, siya ang lalake nakaraan na kung tumayo ay parang istatwa.
"Bakit po?" Tanong ko dito bago tumayo. Huminga naman siya ng malalim bago ako sagutin.
"K-kanina papo kayo hinahanap ni Señora." Hinihingal na ani nito. Nagtaka ako ngunut kinabahan rin dahil hindi nga pala ako nagpaalam sa kahit na sink na maglilibot muna ako.
"Umuwi kana muna Señ- Kristine kasi kung mag-alala ang Nanay mo labis pa sa namatayan na Anak." Napanganga naman ako doon ngunit sumang-ayon nalang. Yayayain ko pa sana si Gino na sumama pero ang sabi niya ay kinakailangna niya na ring umuwi dahil may binabantayan siyang nakababatang kapatid at kailangan pang paliguan ang Aso niya. Ang sosyal naman.
Pagpasok sa loob ng mansyon ay bumungad sa akin si Ina na hindi mapakaling naglalakad pakaliwa pakanan. Ang mga kasambahay rin ay nakalinyo lahat habang nakayukong nakikinig sa mga sinasabi ni Ina.
"Ina anong po ang nangyari?" Tanong ko dito na kaagad naman niyang inilingon sa akin. Bumakas ang labis na pagkatuwa ng makita niya ako. Lumapit siya agad sa akin at mahigpit na niyakap bago kumalas at inipit ang mukha ko sa mga palad niya.
"Saan kaba nagpupunta anak? Pinag-alala mo ako. I thought someone kidnapped you or worst nanakit sa'yo." Napangiti ako dahil sa labis niyang pagkaalala na labis kong ikinatuwa naman.
"Pasensya na po Ina, hindi ako nakapagpaalam sa 'yo. Naglibot lamang po ako sa harden at may nakilalang Ginoo na nagngangalang Gino." Sagot ko.
"Si Gino?" Tumango naman ako habang nakangiti. Nakahinga naman siya ng maluwag. Siguro ay kilala niya si Gino kaya ganon na lamang gumaan ang kaniyang loob.
"Alam mo ba Ina napakabait niya, naging kaibigan ko rin po siya." Masayang sambit ko dito. Napangiti rin naman siya.
"Ganon ba? Hayst, sa susunod kung lalabas ka man ay magpaalam ka ok?"
"Opo. Pasensya napo ulit."
————–———
©️Alright Reserve
2021-
BINABASA MO ANG
When a Witch Reincarnated As A Bitch
DiversosGusto ni Saya na mamuhay ng Normal katulad ng mga tao, ngunit talaga ngang malupit ang tadhana sa kaniya dahil ang nais niya ay kabaligtaran ng kasalukuyan niyang buhay. Galing siya sa Angkan ng mga Mangkukulam, pilit niya mang gumaya sa kaniyang Lo...