Chapter 8

409 33 7
                                    

Saya/Kristune POV

Ang sarap matulog magdamag. Parang gusto ko nalang humiga sa kama buong araw dahil ang sarap sa pakiramdam, ang lambot nitong Kumot at hinihigaan.

Pero kailangan kong bumangon dahil daw ay may sasabihin sa akin si Ina. Hindi ko lang alam kung ano.

Naligo nalang ako at nagsuot ng simpleng damit bago muling kinuha ang malambot na hayop at lumabas na ng kuwarto. Hindi ko alam sa sarili ko pero naaadik na ako kakayakap sa malambot na hayop na 'to, ang bango bango rin kasi.

"Magandang umaga Ina." Bati ko pagkadating sa Hapagkainan. Napalingon naman sa akin si Ina gayon din si Ama. Hindi ko ba alam kung may kasalanan ba si Kristine sa Tatay o wala, kasi kung makatingin siya sa akin ay parang wala lang ako.

"Goodmorning rin Anak. Alam mo, hindi parin ako nasasanay sa pagsasalita mo ng pure tagalog. Hindi ka naman ganiyan dati ah." Piling ko ay medyo namutla ako. Mabubuking naba ako? Pero hindi pwedi.

"A-ahm, parang mas maganda po kasi ang pagsasalita ng tagalog kesa sa english."

"Ok lang naman." Nagbuntong hininga siya bago muli ay nagsalita. "Kung hindi lang talaga ng nangyari iyon sa'yo hindi ka mawawalan ng alaala." Nakangiti ngunit malungkot na ani nito. Hinaplos niya rin ang aking ulo ngunit agad rin namang bumalik sa dating ekspresyon, sinandukan niya ako ng kanin at ulam bago ay nagsimula ng kumain.

Tiningnan ko naman siya. Kung nandito pa kaya si Kristine ganito rin kaya ang magiging sitwasyon niya? Pero sa tingin ko ay mas mahirap, ayon kasi sa aking nalalaman kapag ay nawalan ang isang tao ng Ala-ala ay para itong sanggol na bagong silang palamang kaya nga nakaka-lungkot. Saan na kaya si Kristine ngayon? Sana naman ay masaya na siya ngayon.

"Ah Ina. Sabi daw po ay may sasabihin kayosa akin?" Tanong oo sa gitna ng pagkakain namin.

"Oo nga pala. Total naman ay ok kana ay pwedi kanang pumasok ng University, at huwag kang mag-aalala dahil kasama mo si Gino at magkakaroon ka ng bodyguard to insure your safety." Nagulat ako sa sinabi, at the same time, natuwa.

Makakapag-aral na ako? Sa dati ko kasing buhaya ay nag-aaral lamang ako sa loob ng tahanan at puro about mangkukulam naman. Dito kaya, ano kaya ang mga pinag-aaralan nila?

"Talaga po Ina? Sige. Kailan po ba ako magsisimula?" Masayang ani ko dito.

"Ngayon na kaya dalian mo upang makapagpalit kana at makapasok." Saad niya. Natuwa naman ako dahil doon. Ibig ba talaga nitong sabihin ay makakapasok na ako sa totoong iskwelahan? Nakakagalak naman.

Napangiti ako ng wala sa oras. Sisiguraduhin ko sa sariling mag kakaroon ako ng maraming kaibigan doon.

***

"Tina, Magandang umaga." Napalingon ako kay Gino at napakunot ang uno siyang tiningnan.

"Sino si Tina?" Tanong ko. Sa pagkakaalam ko naman ay Kristine ang pangalan ng katawang ito at hindi Tina.

Tumawa naman ito at kumamot sa likod ng ulo. "Ikaw. Ginawan lang naman kita ng nickname tsaka dati naman na iyon ang tawag ko sa'yo." Napangiti at napatango tango nalang ako. So magkasundo nga talaga sila.

Matapos magbatian ng magandang umaga ay agad na kaming sumakay sa sasakyan kasama ang bantay na sinasabi ni Ina na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Pagkatapos ng Umagahan kanina ay agad na akong pinagbihis ni Ina dahil total naman ay nakaligo na ako. Hindi pa ako komportable sa Damit pang-iskwela nila Kristine dahil hanggang taas ng tuhod ang haba lamang nito, mabuti at mapuputi ang mga hita ni Kristine pero kahit na ganon hindi parin ako komportable.

Kulay maroon ang suot pang iskwela nila Kristine na maganda sa paningin ko. Pero mas gusto ko parin ang makakita ng makulay na damit, doon kasi sa dating mundo ko ay mga patay na kulay ang madalas kong makita kaya pangarap ko talagang makakita ng makukulay na bagay.

Lubos na akong natuwa ng makakita ng matitingkad na kulay sa kuwarto ni Kristine.

Nabalik ako sa ulirat ng matanawan na ang naglalakihang mga gusali at gate na napakalawak. Natitiyak akong ito na ang iskuwelahan ni Kristine. Hindi na ako makapaghintay na pumasok doon at kilalanin kong paano nga ba sila o anong klaseng paaralan ang meron sila.

"Tara Tina." Napalingon ako kay Gino na hindi ko namalayang nakalabas na ng sasakyan. Nakahinto na pala kami sa Harap ng iskwelahan. Agad naman akong tumango at lumabas narin.

Tumabi ako sa kaniya. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Kunti pa lamang ang pumapasok na istudyante, karamihan naman na pumapasok ay mga sasakyan na iba't iba ang disenyo at ang iba pa ay kakaibang sasakyan na parang pang-isahan na tao lang.

Ang galing naman.

"Tara na Tina. At paalala ko lang sa'yo, huwag kang lalayo sa akin dahil malaki itong University." Natutuwa naman akong napatango habang pinagmamasdan parin ang paligid.

University, hindi pamilyar pero natitiyak akong ito ang tawag sa iskuwelahan nila Kristine.

Nauna ng naglakad si Gino na sinundan ko naman. Pagpasok sa gate ay pansin ko na kaagad ang paglingon ng iilan sa aming dalawa ni Gino. Makikita mo sa reaksyon ng kanilang mukha ang pagkabigla, takot at taka na hindi ko naman alam kung bakit.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko, pagtingin ang ito pala ang magbabantay sa akin kaya muli ay inilibot ko ang paningin.

May napakalaking gusali ang bubungad agad sa paningin mo kung papasok ka ng tarangkahan. Mataas at ito ang pinakamalaking gusali sa lahat ng nakatayo sa paligid niya.

Pumasok kami doon nina Gino. Siguro ay doon ang magiging silid Aralan namin dalawa. Sa pagkakaalam ko kasi kanina lamang, ay magkaklase sina Kristine at Gino.

"Ang una nga pala nating subject ay History so dito ang Classroom natin sa main building ng University." Sambit ni Gino na ikinalingon ko sa kaniya. Nagsalita siyang muli.

"Kung, hindi mo parin naaalala ang mga detalye dito ay iiikot kita mamaya." Tumango ako. Gusto ko ring ikutin ang buong iskuwelahan na tinatawag na University.

Lumiko kami sa isang hallway at nabigla ako ng may bigla nalang tumawag sa akin.

"Kristine!?" Napalingon ako sa likod namin. Doon, nakita ko ang isang babaeng medyo may kaliitan. Payat pero maganda. Sino naman kaya ito?






————–———
©️Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon