Chapter 4

578 49 0
                                    

Saya/Kristine POV

"Welcome Home Señorita Kristine." bungad agad ng mga babaeng nakalinya sa magkabilang gilid ng malaking pintuan ang Palasyo. Puro babae sila, parang mga tagapagsilbi dito dahil base narin sa kanilang tinuran ngayon.

Babati pa sana ako pabalika at hinalain na ako ni Ina papasok sa loob, nakayuko lang silang lahat habang dumadaan kami sa gitna nila.

Ganito pala ang pakiramdam na pinagsiailbihan, pero hindi naman ako sigurado kung ako ba iyon pero ako naman iyon ah, nandito ako sa katawan ni Kristine kaya sa malamang ako ang pagsisilbihan nila.

Woah, para akong isang Prinsesa sa lagay kong ito. Teka... Prinsesa ba si Kristine? Kasi may palasyo sila eh, so it means na prinsesa si Kristine!

Tatanungin ko nalang mamaya si Ina, nakakagalak pala kapag naging isang Prinsesa ka. Doon sa dati kong buhay, ang prinsesa doon ay ang swerti. Ang dami niya kasing alagad tapos ang gagara pa ng mga pananamit niya.

"Kristine ito pala ang ating bahay ay hindi, Mansyon. Dito tayo nakatira at dito karin lumaki." Saad nito habang hawak ang kamay ko, paakyat kami ngayon sa magarang hagdanan. May ikalawa pala itong palapag, hindi ko napansin kanina ang hagdan dahil sa abala ako sa pagtitig sa paligid.

"Talaga po. Ahm, Ina may kapatid po ba ako?" Tanong ko dito, gusto ko agad malaman.

"Oo naman, May dalawa kang kuya ang kaso wala sila dito. Nasa State sila, may trabaho kasi doon ang nakakatanda mong kuya ang pangalawa mo namang kuya ay doon nag-aaral." Sagot nito, nakarating na kami sa pangalawang palapag. Pati dito ang ingrande ng mga bagay.

"Hmm... gano'n po ba." Tango kong sagot. Hinila niya ulit ako habang nagku-kuwento patungkol sa bahay na ito na ang tawag pala ay Mansyon hindi palasyo.

Dinala niya ako sa isang kulay puti na pinto at kulay ginto ang siradura. "Ito ang kuwarto mo Anak."

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa akin ang napakalawak na kuwarto, Puro kulay puti ang naroroon kaya malinis tingnan at maliwanag. Napansin ko rin ang maraming laruan o sa tingin mo palang ay mukhang malambot na, kamukha nito ang isang uso ngunit cute ito tingnan. May maliliit na gano'n, may kasing laki ng isang batang sanggo, may kasing laki ng isang batang edad sampo at may kasing laki ng tao at may mas malaki pa dito. Ang dami!

Dahil sa nakita ay kusang umawang ang mga labi ko, hindi ko alam kung ano ang reaksyong gagawin ko. Ganito pala kagara ang kuwarto ni Kristine, Siguro pagusto iyon sa kaniyang magulang. Mula sa Higaan na malaki mula sa dalawang pinto na tiyak kong damitan ang isa at ang isa naman ay banyo ay napakagara.

"Dito ka muna Kristine, ok? May aasikasuhin lang ako sa baba. Magpahinga ka muna dahil kailangan mo pa ng lakas, hindi pa sapat ang pagpapahinga mo ng dalawang araw para mabalik ang dati mong lakas, lalo na't nawalan ka ng ala-ala." Sabi ni Ina habang may inilalapag na kung ano sa may pinto, ng masilip ko ang loob ay puro damit ang nando'n.

"Opo, Ina." Sagot ko naman dito bago naglakad papunta sa malaking higaan upang makaupo. Kailangan ko talaga ng lakas at magpahinga dahil nanghihina parin ako hanggang ngayon. Iniisip ko kung anong nangyari sa totoong Kristine kung bakit nando'n siya sa pagamutan.

"Aalis na ako, sige Anak magpahinga kana." Lumapit sa akin so Ina bago hinawakan abg magkabila kong pisnge at hinalikan ang aking noo, napapikit ako dahil doon. Buong buhay ko ngayon ko lang ulit mararanasan ang paghalik sa nuo ang isang Ina.







————–———
©️Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon