Third Person POV
Matapos ng nangyari kay Saya ay hindi maipaliwanag ni Marcelona ang mararamdaman ngayong wala na at hindi na nabubuhay ang kaniyang pinakamamahal na apo.
Ngunit bilang isang pinuno at makapangyarihang mangkukulam ay nakagawa siya ng paraan upang manatiling buhay ang katawan ni Saya.
Sumasabay sa retmo ng pintig ng puso ng mga mamamayan ng Dejerdom ang pintig ng buhay na buhay na puso ni Saya.
Wari mo ay walang nangyaring pagsaksak sa kaniya isang buwan na ang nakalilipas. Nagawang buhayin ni Marcelona ang puso ng kaniyang pinakamamahal na apo ngunit hindi ang utak nito.
Nanatili sa kaniya ang katawan ni Saya sa pamamagitan ng engkantasyong ibinigay niya rito.
—
Payapa at nabawasan na ang takot ng mga mamamayan ng Dejerdom ngunit nababahala parin dahil sa biglang hindi pagpaparamdam ng pinakamalakas at itim na mangkukulam na si Marcelona.
Maaliwalas ang panahon at preskong presko ang hangin na hinahampas ang mga dahon ng puno. May mga naglalaglagan ring mga dahon ng mga puno at iyon ay isinasayaw ng hangin.
Napakaaliwalas ng panahon at nakakahinga ng maayos ang mga mamamayan ng Dejerdom ngunit hindi nila alam kung ano nga ba talaga ang nagaganap sa loob ng bahay ng kanilang pinunong mangkukulam.
—
"Hedra, Ang buhayin ang patay ay malaking kasalanan. Why are you trying to put Saya back when there is nothing to do with that?" Ani muli ni Gabriel, ang kanang kamay ni Marcelo. Habang abala naman si Marcelona sa mga gayuma at sangkap na kakailanganin niya sa balak gawin.
"There's nothing impossible if I try. At apo ko siya Gabriel, She is the only one I have now. You know." Sagot naman ni Marcelona.
Napabuntong hininga na lamang si Gabriel. Hindi niya alam kung bakit ba binubuhay ng kaniyang Pinuno ang patay na kung imposible namang magawa niya iyon. Unless, gawin ni Marcelona ang alam niyang engkantasyong makakapagpabalik ng buhay ng Prinsesa ngunit malaki ang magiging kapalit nito.
Prinsesa Verena Saya, bakit nga ba ang pinuno pa ni Gabriel ang naging responsibilidad dito kung ang pamilya naman ng Ama ni Saya ay kayang alagaan at palakihin si Saya dahil isa silang maharlika.
Posisyon. Nakakatawang isipin dahil ang tingin lang talaga sa kanila ng mga taga ibang palasyo ay Masasama at walang mabuting dala sa mundo.
Nabalik sa ulirat si Gabriel ng biglang tumawa ng nakakakilabot si Marcelona. Umatras siya bigla ng lingunin siya nito at nanlambot ang mga tuhod ng makita ang mga itim at umuusok ng itim na mata ni Marcelona.
"Magagawa ko ng maibalik si Saya ngunit kakailanganin natin ng malakas na enerheya." Ani ni Marcelona at tumingin sa kawalan.
Maya-maya ay binalot siya ng itim na usok at tuluyang naglaho sa Harapan ni Gabriel.
Oo nga pala, muntik ng makalimutan ni Gabriel. Ang pinuno niya rin pala ang dahilan kung bakit masama ang tingin sa kanila ng mga tao. Maging ang mga immortal.
Mahimbing at payapa ang paghinga ni Saya habang ito ay maayos na nakahiga sa kaniyang kama sa kuwarto. Hindi mo mapapansing talagang patay na siya dahil sa pagtibok ng kaniyang puso. Para lamang siyang natutulog sa matagal na panahon dahil sa ayos.
Sa hindi maipaliwanag ay biglang may itim na usok ang tumayo at bumigla sa tahimik na kuwarto. At ng mawala ang usok ay inilabas nito si Marcelona na hanggang ngayon ay gano'n parin ang kaniyang mga mata.
Ngunit ng masilayan niya ang ayos ng kaniyang pinakamamahal na apo ay bumalik sa dati ang kulay ng kaniyang mga mata.
Lumapit siya kay Saya at naupo sa gilid nito at pinakatitigan ang apo.
Mababakas ang labis na pagsisisi at pagmamahal sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa maamong mukha ni Saya.
"Ipagpatawad mo apo kung naging hadlang ang sitwasyon mo sa mga gusto mong makamit at sa gusto mong buhay. Hindi ko lamang naisip na hindi mo pala nais ang mamuhay ng ganito." Kausap nito kay Saya at hinawakan ang mainit-init na kamay ni Saya bago hinalikan ang likod ng palad nito.
Isang napakabuting dalaga mula ng isinilang si Saya kung Bakit nga ba nahantong siya sa ganitong sitwasyon.
Alam ni Marcelona sa sarili na nagulat at nagalit siya kay Saya ng malamang tinangkang patayin siya ng kaniyang sariling apo.
Ngunit ng mapagtanto niya na gusto talaga ni Saya ng mapayapang pamumuhay ay tinanggap niya nalang ito. Alam niyang hindi niya iyon maibibigay kay Saya dahil si Saya lamang ang makakahanap ng sarili nitong kalayaan at kabutihan.
—
Malalim na ang gabi at nagpapahinga na sa malalim na katahimikan ang mga mamamayan ng Dejerdom ngunit gising at buhay na buhay pa ang diwa ni Marcelona at Gabriel habang sila ay naglalakbay sa Daan patungong bayan kung saan marami ang namumuhay na tao.
Parehong nakasuot ng itim na balabal habang si Marcelona naman ay may hawak na kakaibang baston na ulo ng bungo ng uwak ang nasa dulo nito.
Huminto sa paglalakad si Gabriel at tumabi samantalang nagpatuloy sa paglakad si marcelona hanggang sa makarating siya sa Gitna ng mga kabahayan.
Tumayo siya ng ilang segondo at ipinikit ang mga mata. Pinapakiramdaman ang paligid, maraming mga kaluluwang buhay ang nagpapahinga sa kani-kanilang silid na maya-maya ay kaniyang kukuhain.
Nagsimulang gumalaw ang mga labi ni Marcelona at nag-usal ng kakaibang wika.
"Sti dýnamí mou pou écho, diatázei óli tin psychí na érthoun na mou dósoun ton eaftó tous."
Nakaramdam ng takot ang mga hayop na nakapaligid sa lugar na dahilan kung bakit sila ay maglikasan, Gumalaw ang lupa at lumakas ang hangin ang nangyari ng banggitin iyon ni Marcelona.
Inulit muli nito ang mga salita at sa pagkakataong iyon ay, iniwan ng mga tulog na kaluluwa ang kani-kanilang mga katawan at sabay sabay na lumapit kay Marcelona.
Itinaas ni Marcelona ang baston sa ere at ang bungo ang siyang lumamon sa mga kaluluwang lumalapit doon. Mga nakakatakot na nagsigisingan at nagsisigawang mga kaluluwa ang humihingi ng awa at tulong na sila ay pakawalan ngunit, ang isang tulad ni Marcelona ay hindi nagbibigay awa lalo na at nakasalalay dito ang buhay ng kaniyang pinakamamahal na apo.
Sa isang iglap, matapos tuluyang maglaho ang mga kaluluwa sa baston ni Marcelona ay binalot muli ng katahimikan ang bayan ng Dejerdom. Na halos tibok ng kanilang puso ay maririnig na sa sobrang katahimikan.
Huminga ng malalim si Marcelona bago ibinuga ito samantalang si Gabriel naman ay nanatiling nakayuko habang inaantay ang kaniyang pinuno.
Parang walang nangyari na tumalikod si Marcelona sa tahimik na bayan ng Dejerdom at lumapit kay Gabriel.
"Tayo na nang sa gayon ay masimulan ko na ang engkantasyong gagawin ko." Ang wika nito at nauna ng naglakad na sinundan naman ni Gabriel.
'Makakasama rin kita Saya apo, huwag kang mag-alala at mag-hintay kalang.' Kausap nito sa isipan. Hindi ito makakapayag na manatiling nasa ganong sitwasyon ang pinakamamahal niyang apo dahil gagawin niya ang lahat muli lang makasama si Saya.
A/N: hello po sa inyo. Sensya na po kung ilang buwan ng walang paramdam😅 tsaka naging busy po kasi ako sa school tsaka sa ibang mga story ko kaya nawalan ako ng idea dito.
Ito chap na 'to dapat eh noong nakaraang buwan ko pa ito pinub kasi nga tinamad ako kaya sorry na agad huhu.
'Yon lang. Salamat rin sa pagbabasa at pagbigay atensyon dito😊.
BINABASA MO ANG
When a Witch Reincarnated As A Bitch
RandomGusto ni Saya na mamuhay ng Normal katulad ng mga tao, ngunit talaga ngang malupit ang tadhana sa kaniya dahil ang nais niya ay kabaligtaran ng kasalukuyan niyang buhay. Galing siya sa Angkan ng mga Mangkukulam, pilit niya mang gumaya sa kaniyang Lo...