Chapter 10

348 31 0
                                    

Saya/Kristine POV

Gaya nga ng sabi ni Gino. Matapos ang umagang klase namin ay inilibot niya ako sa University. Ngunit hanggang kalahati lang ang nalibot namin dahil sa may klase pa kami.

Pagkatapos ng mga kakaibang bagay na narinig ko mula sa mga Professor ay natapos narin ang panghapunang klase.

Buong Araw ay nakasunod lang sa amin ang tagapagbantay ko na ikinaawa ko naman. Pero ang sabi ni Gino ay nakakain narin naman kanina ang tagabantay ko kaya hindi na ako nag-alala pa.

Wala ring ibang nangyari ng araw na ito kundi ang katulad ng pagtingin ng mga istudyante sa akin noong ako ay pumasok kanina sa tarangkahan ng iskwelahan.

Ngunit ang naiiba lang ay ang mga kaklase ni Kristine. Hindi ko alam pero, pakeramdam ko may kinalaman ang mga kaklase ni Kristine sa pagkawala niya.

'Yon ang kailangan kong malaman upang kung may binabalak na naman sila ay alam ko ang gagawin.

Ngayon ay naglalakad na ako papuntang harden ng Mansion upang tumambay sa isang kubo na tinatawag nilang fence.

Ang sabi rin kasi ni Gino ay ngayon na niya ako tuturuan patungkol sa mga napag-aralan namin kanina dahil bakante ang oras niya. Tumanggi pa ako ngunit nagpumilit siya kaya hinayaan ko nalang.

Mas mabuti narin kasinv ipaliwanag niya sa akin ang lahat upang may maintindihan ako.

One Months

"Tina hindi Ka nga kasi kakagatin ni Burth. Mabait siyang aso." Pagkukumbinsi sa akin ni Gino habang buhat buhat ang napakalaking aso na si Burth na hanggang ngayon ay ayaw ko parin.

"Ayaw ko nga kasi! Tsaka, hindi ako nakakasiguro diyan." Tanggi ko naman at umupo nalang sa ilalim ng punong mangga sa Hacienda.

"Hay, sige na nga." Pagsuko nito bago ibinaba ang Aso. Umupo siya  sa katabi ng manggang kinapupwestuhan ko hindi gaanong malayo sa isa't isa.

Nabalot kami ng payapang katahimikan. Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang ulo sa puno mangga habang nakikinig sa mga sipol ng ibon at paghampas ng hangin sa mga puno.

Isang buwan na ang nakakalipas magmula ng mapunta ako dito. Sa loob ng buwan na iyon ay naramdaman ko ang magandang pamumuhay na pinapangaral ko lang noon.

Ang magkaroon ng mabuting kaibigan. Mapagmahal na Ina, at makalakbay sa iba't ibang bahagi ng Pamayanan na ito.

Sa loob rin ng isang buwan ay marami na akong natutunan sa mundong ito at nakakasabay narin ako sa pamumuhay dito.

Ang problema lang ay, ang Tatay ni Kristine at ang mga estudyante ng University na pinapasukan namin ni Gino. Gusto kong lahat ng makakasalamuha ko ay maging kasundo ko ngunit hindi ko iyon magawa sa Tatay ni Kristine at sa mga istudyante sa loob ng University dahil hindi ko pa alam kung ano ang naging sala ni Kristine sa kanila kung bakit ganon nalang nila ako kung tratuhin.

Minsan kasi ay iniinsulto ako ng mga kaklase ko sa University. Minsan ko narin lang makita si Dianna ang matalik na kaibigan ni Kristine.

Ang hindi ko lang talaga alam dito ay kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Wala akong problema kay Gino dahil siya ay naging matalik ko ng kaibigan at mas lalong naging kasundo dahil siya ang tumulong sa akin na maka-adjust dito.

"Pagod kana ba Tina?" Napamulat ako ng talukap ng mata at tumingin sa kaniya na ikinaiwas naman niya.

"Oo eh, balik na tayo sa Mansion." Ani ko at tumayo. Pinagpagan ko ang pang-upo ko bago lumapit sa kaniya.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik.

"Nga pala Tina."

"Hmm?"

"Malapit na ang 18 Birthday mo. Itutuloy mo parin ba ang mga plano mo dati kapag nagdebut ka?" So, maglalabing walo na pala si Kristine. Magkaedadan lang pala kami.

"Ano ang debut?" Hindi kasi pamilyar sa akin ang salita. Ngayon ko lang narinig dahil wala naman akong naririnig na ganon simula ng mapunta ako dito.

"Iyon ay..." bahagy siyang natahimik ngunit sumagot rin.

"Ang pasinaya ay isang tradisyunal na pagdiriwang ng Filipino coming-of-age na ipinagdiriwang ang ika-18 kaarawan ng isang dalaga, ang edad ng maturity sa Pilipinas. Bagama't umabot na rin sa legal na kapanahunan sa edad na 18, maaaring markahan ng isang Pilipinong lalaki ang kanyang sariling debut sa kanyang ika-21 kaarawan, kahit na may hindi gaanong pormal na pagdiriwang o wala." Napalingon ako sa kaniya dahil sa sagot. Hindi naman kasi ganon siya magsalita.

"Naghalungkat ka pala ng sagot kay, Google." Ani ko ng makitang nakatingin siya sa telepono niya na nalaman kong ginagamit ng mga tao upang kahit na malayo ay makokontak mo parin ang mga gusto mong kontakin.

Nakakabilib nga eh. Ibang iba sa mundo ko.

Tiningnan niya ako at nginitian bago itinago ang telepono sa bulsa ng short niya.

"Sorry naman. Hindi ko kasi alam ang meaning at kung bakit cenecelabrate pa iyon." Ani niya at kumamot pa sa likod ng ulo na ikinatawa ko naman.

Isa sa nagustuhan ko sa kaniya ay ang pagiging mahiyain niya. Ang cute kasi tingnan.

Naagaw ng atensyon namin ang isang itim na sasakyan na dumaan sa gilid namin. Hindi siya katulad ng mga sasakyan nila Ama at Ina kaya natitiyak kong hindi sakanila ito at hindi sila iyon.

"Teka, Sila Yuri 'yon ah. Anong ginagawa nila dito?" Napalingon ako kay Gino.

"Kilala mo ang mga iyon?" Tanong ko.

"Ahm, Oo. Pero tara na para malamn natin kung anong ginagawa nila dito." Ani nalang niya at hinila na ako.

Nang makarating kami sa harap ng mansion nakapark na ang itim na sasakyan sa harap ng hagdan ng Mansion. Napalingon kami ni Gino sa pinto ng Mansion ng lumabas dok  sina Ina at Ama kaya lumapit ako sa kanila.

Binigyan ko ng halik ang kanilang nga pisnge bago tumabi muli kay gino.

"Buti nandito na kayo, sakto at may bisita tayo." Ani naman ni Ina. Gusto kong magtanong pero napag-isipang mamaya nalang dahil baka importante ang mga bisita nila.

Lumabas sa Driver side ng sasakyan ang parehong nakauniporme na taga-bantay ko na nalaman kong tinatawag palang Butler.

Binuksan ng Butler ang passenger seat at lumabas mula doon ang isang lalakeng kasing edad ni Ama. Kasunod naman na lumabas ay ang isang lalakeng kaedadan lang namin ni Gino at isang babae.

Nang makalabas ang babae ay kumapit ito sa binata. Napag-alaman kong si Dianna pala ang babae.

Anong ginagawa niya dito? Nang magtama ang paningin namin ay nginetan niya ako, pero parang may kakaiba sa mga ngiteng ibinibigay niya.

"Goodmorning Mr. Topaz. Glad to see you again."






——————————
©️Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon