Chapter 6

484 39 4
                                    

Saya/Kristine POV

"Tara na sa dining Iha. Kumain na tayo ng agahan dahil kahapon kapa hindi kumakain siguradong gutom kana." Wila ni Ina bago ako hilain ng marahan.

Nagpahila nalang ako sa kaniya. Pagdating sa sinasabi nitong dining ay bumungad sa akin ang lamesanv halos mapuno ng pagkain ang kalahating bahagi. Napansin ko ring may nakaupong lalake na kaedad lamang ni Ina sa dulo ng lamesa na wari mo ay isang hari.

"Maupo kana Anak para maipaghanda kita." Sambit ni Ina. Ngumite naman ako at tumango sa kaniya bago naupo ng ipaghila niya ako ng upuan.

Naupo narin siya sa tabi ko bandang tabi ng Lalakeng ngayon ay nakatingin pang sa amin ni Ina.

Ipinagsandok niya ako ng kanin at ulam na hindi ko mawari kung ano. Pero mukhang nakakatakam at masarap.

"Magpakabusog ka Iha dahil kailangan mong magpalakas." Sambit nito.

"Opo Ina." Ani ko at nagsimula ng kumain. Nagulat ako ng malasahan ang kakaibang ulam ng maisubo ko ito.

Nang malunok ay sumubo muli ako at muli ulit na sumubo. Napakasarap, ano kaya ang sangkap na ginamit dito at ganito ang lasa.

"Nagustuhan mo ba Anak?" Napalingon ako kay Ina ng tanungin niya ako. Masaya ko naman siyang simagot ng tango dahil sa puno ang bibig ko ng pagkain.

"Ako ang nagluto niyan anak para sa 'yo. Masaya ako at nagustuhan mo ang luto ko." May galak na ani nito. Muli ay tumabgo ako at masaya itong tiningnan.

Tumuloy ako sa pagkain ngunit napahinto ng biglang tumikhim ang lalake. Nakalimutan kong nandiyan pa pala siya.

"Gising na pala ang Anak natin Marla?" Nakakunot ang noo nitong ani habang nakatingin kay Ina.

Ibig bang sabihin ay siya ang Ama ni Kristine? Hindi man lang ako nakapagbati.

"I forget to tell you. But yeah, she is now in good condition but the doctor said the impact caused her to have an Amnesia." Mababakas ang lungkot sa boses ni Ina ngunit bumalik rin sa pagiging masaya ang mukha ng lingunin ko ito.

Nakita kong tumango tango naman ang lalake at tumuloy na sa pagkain. Ganon din ako ngunit minsan ay naiilang dahil nararamdaman ko ang bawat sulyap niya sa akin.

Natapos ang tanghalian atngayon ay nakatambay lamang ako sa aking silid habang yakap ang malambot na hayop.

Wala ang aking Ina at ang aking Ama dahil umalis sila sa hindi sinabing dahilan. Ngunit nakakasigurong trabaho ang kanilang pinuntahan.

Nababahala nga ako dahil hindi ko alam ang gagawin lalo na at wala si Ina na una kong nakilala sa mundong ito.

Ngunit pinagaan naman niya ang loob ko dahil may mga kasama naman ako dito sa munting palasyo na tinatawag nilang mansyon, na mga katulong o tagapagsilbi.

Hindi nakakasawang tumambay sa kuwarto ni Kristine ngunit nabuburyo ako dahil wala akong magawa. Nais ko mang bumasa ng libro ngunit wala akong makitang kahit na libro sa loob ng kuwarto niya.

Nagdisesyon akong lumabas ng kuwarto upang libutin ang loob ng mansyon. Pagkababa mula sa ikalawang palapag ay naglakad lakad lamang ako sa loob ng napakalawag na Mansyon.

Nang mapagod ay pumunta ako sa sala at doon nagpahinga. Pati ang kanilang salongpwet ay napakalambot. Maari na nga itong maging higaan dahil sa malaki rin ito.

Napatingin ako sa labas ng malaking bintana. Maaliwalas ang panahon at mukhang napakaprisko ng hangin sa labas. Maari kaya akong lumabas?

Tumayo ako at lumapit sa double door ng Mansyon. Tumingin muna ako sa paligid at ng makompermang walang tao ay binuksan ko ang higanteng pintuan at lumabas.

Sinalubong agad ako ng napakaaliwalas na hangin. Napapikit na lamang ako at iminulat muli ang mata, napakasarap sa pakiramdam makaamoy ng sarowang hangin.

Napahigpit ang yakap ko sa Malambot na hayop ng maramdaman ang lamig na dala ng hangin. Mabuti na lamang at medyo makapal ang suot kong damit na may mahahabang manggas kaya pweding panlaban sa lamig.

Naglakad ako papunta sa parteng napakaraming bulaklak ang nakatabim. Iba't ibang kulay at ang iba pa ay may amoy na napakabango.

*woof*

*woof*

Napalingon ako sa bandang kaliwa at napahigpit na lamang ang kapit sa malambot na hayop.

Doon ay may nakakatakot na Asong malake ang nakatayo habang ako ay tinatahulan nito. Takot ako sa aso magmula nong ako ay bata pa dahil sa nakakatakot nilang mukha.

Kulay itim ito at matangkad na aso, medyo payat rin. Nakatingin ito sa akin habang tinatahilan ako na mas lalo kong ikinatakot.

Humakbang itopapalapit sa akin kaya wala sa iras ay napatakbo ako. Kinabahan ako lalo ng paglingon ko sa likod ay hinahabol ako nito. Wala sa oras ay napasigaw at napahingi nalang ako ng tulong sa kung sino habang tumatakbo.

Sa hindi inaasahan ay nabangga ako sa kung sino na dahilan kung bakit bumagsak ako sa sahig na naging sanhi ng pagsakit ng pang upo ko. Mabuti na lamang at mahigpit ang kapit ko sa malambot na hayop.

Inangat ko ang aking paningin at bumungad sa akin ang isang lalake. Lumingon ako sa likod at nakitang papalapit na ang asong humahabol sa akin. Wala sa oras ay napatayo at napakapit ako sa lalakeng nakabangga ko at nagtago sa likod nito.

"Tulungan mo ako Ginoo. Nakakatakot ang hayop na iyan, nakikiusap ako." Nakapikit na pagmamakaawa kodito habang mahigpit na nakakapit sa kaniyang likuran.

Ayaw ko pang mamatay dahil lang sa nakakatakot na nilalang.

"Señorita? Bakit ganiyan na kayo mag salita? Pure pilipino na ah." Ani nitong nagtataka. Agad ko itong hinampas sa kaniyang likuran.

"Huwag kanang magsalita pa! Itaboy mo ang hayop na iyan!" Patawarin mo ako Ginoo sa ginawang pagsigaw ko sa'yo ngunit takot lang talaga ako sa hayop na humahabol sa akin.

"Huh?" Ani pa nito akmang hahampasan ko na naman sana siya ng muli siyang magsalita.

"Burt Stop and set." Rinig kong ani nito habang ako ay nakapikit.

"Oh ayan na Señorita. Huwag na kayong matakot, hindi naman nangangagat si Burth eh. Nakikipaglaro lang naman." Mapagbiro nitong wika.

Nakahinga naman ako ng maluwag at agad na lumayo sa kaniya. Nakita kong nakaupo na ang aso habang nakatingin sa amin, ang buntot nito ay gumagalaw pakaliwa pakanan at ang dila nito ay nakalabas. Talagang nakakatakot na hayop.

"Maraming salamat." Samit ko sa lalake at tumingin dito.
Nakita ko naman kung paano mamula ang mga pisnge nito bago tumingin sa malayo.






————–———
©️Alright Reserve
2021-

When a Witch Reincarnated As A Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon