PROLOGUE

2.1K 61 1
                                    

"My gosh! Claish, hindi kaba na bo-boring dito? Look at you, hindi mo manlang maiwan-iwanan 'yang libro at laptop, it's sunday mag rest ka naman kahit kaunti" sabi ng kaibigan kong si Andrea na may pag flip pa ng buhok niya.

Kaibigan ko si Andrea since First Year College at masasabi ko na masaya siyang kasama, marami din kaming napagkakasunduan sa maraming bagay kaya mabilis kaming naging close sa isa't - isa, actually she's the first who introduce herself to me, transferee ako that time, nakapasa ako sa entrance exam at nakakuha ng scholarship kaya lumuwas ako ng Maynila para mag aral kaya naiwan ko sa probinsya namin sa Palawan si Mama pero kasama naman niya si Tiya Gladyz doon kaya hindi na ako masyadong nababahala.

Namatay si Papa ng hindi ko manlang ito nakikita, sabi sa akin ni Mama ay sanggol pa lang ako ng mamatay si Papa kaya kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama, mas pinagbubutihan ko ang pag aaral ko dito para kay Mama,  siya ang buhay ko at inspirasyon ko kung bakit ko ito ginagawa.

"Andrea Viana Zanses, scholar ako kaya hindi ko dapat ito binabalewala" sabi ko at tumingin ulit sa librong binabasa.

"Hmmp! So OA, hindi ko naman sinabi na 'wag ka na mag aral, right? I said, magliwaliw ka naman minsan hindi 'yong pinapaamag mo rito ang sarili mo" sabi niya at lumapit sa akin at umupo na din sa mat na inuupuan ko malapit sa sofa.

Nang maging close kami lalo ay naisip niya na tumira na lang din ako sa condo unit niya pero hindi ako pumayag nung una dahil kaya ko naman gumastos para sa apartment na tinutuluyan ko dahil medyo malaki naman ang nakukuha ko sa scholarship at sapat na din ito para may maipadala ako kay Mama sa probinsya kahit konti, pero sobrang kulit ni Andrea at sinabing magbayad na lang daw ako or hati kami sa mga gastusin namin katulad ng pagkain kung doon ako mas komportable. Ako na din ang nagluluto para sa aming dalawa tuwing umaga bago kami pumasok sa school mas makakamura daw ako kung sa kanya ako tutuloy kaya sa huli pumayag na din ako at ang condo na tinutuluyan ko ngayon ay pagmamay-ari ng mga magulang ni Andrea, and they are kind. Sinabi din nilang kay Andrea na lang ako tumuloy.

"Pretty please," aniya at may kasama pang pagpa-pacute.

"Nandoon na sina Rap at Clay, so please sama kana, ang tagal na nung huli, hindi ka naman papagalitan ni Tita if mag bar tayo, right? Promise hindi kana makakakuha ng mababang score sa quiz matalino ka, kaya mo iyon. Just text Tita later" she said.

"Hays fine!" sabi ko at ibinaba na ang librong binabasa.

"For real, sasama ka na?" tanong niya sakin at lumapit ulit at hinipo ang aking noo. "Hindi ka naman mainit" aniya.

"Sasama na nga ang dami mo pang sinasabi. Okay, hindi na lang ako sasama" sabi ko sabay tayo papuntang kwarto.

"Wait!" sabi niya sabay higit ng kanan kong braso.

"Ito naman hindi mabiro nagulat lang naman ako kasi sobrang tagal na kitang kinukulit dati ngayon ka na lang ulit pumayag" aniya.

"Alam mo naman kung bakit 'di ba?" sabi ko.

"Oo, I know, nag sorry na nga ako about doon eh, kami ni Rap and Clay" ani Andrea.

"Okay na 'yon sa akin naka move on na ako doon hindi na iyon mauulit talaga" sabi ko at parehas kaming napatawa.

"One week from now birthday mo na, anong gusto mong iregalo ko ulit sa'yo?" sabi ko.

"Owss, naisingit mo pa birthday ko, something na pinaghirapan mo. I'm happy if you work for it, kahit simple lamang Claish. I'm not materialistic, gusto ko ang bracelet na ginawa mo noon"

"Totoo?"

"Yes!"

"Sige"

"Tita Claridad is so lucky to have a daughter like you, Claish" she said.

DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon