CHAPTER FORTY TWO

202 26 0
                                    

HINDI ako mapakali, kinakabahan ako.

Hindi ako makuntento sa iisang pwesto, tatayo ako o kaya ay uupo. Tumayo ako at pabalik-balik na naglalakad.

"Claish, pwede ba? Umupo ka, ako ang nahihilo sa 'yo" sabi ni Clay.

Pinapunta muna ni Luke dito sina Rap at Clay dahil wala akong kasama. Umupo ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Napatayo naman ulit ako nang bumukas ang pinto at nakita ko doon si Luke. Lumapit ito sa akin.

"A-anong nangyari Luke?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Don't worry baby. Hindi na tuloy ang demolished"

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Luke. Salamat naman at hindi natuloy. Masaya kaming tatlo sa nalaman namin.

"But baby, Andrea is....going to America right now"

Nabigla ako sa sinabi niya.

Ano?

"Ano?!" halos sabay naming sabi nina Rap at Clay.

"Luke puntahan natin si Andrea"

"I think hindi na tayo makakaabot, they have private plane"

"Luke" sabi ko.

Pumikit ito at huminga ng malalim "Fine, for you."

Mabilis kaming tumungo sa basement ganon din sina Clay at Rap, sumusunod lamang sila sa amin. Habang nasa loob kami ng kotse ay hindi ako mapakali naramdaman ko naman ang paghawak ni Luke sa kamay ko.

Mabilis akong lumabas sa kotse at mabilis na tumakbo hinabol naman ako ni Luke. Sobra ang inis ko dahil walang available na elevator ngayon kaya tumungo ako sa hagdan at sumunod naman sila.

"Andrea!" sigaw ko at tumingin naman s"ya.

Nabigla ito nang makita niya ako ganon din sina Clay at Rap sa likod ko.Tumingin ito kay Tito Alexander at tumango naman si Tito. Lumapit sa amin si Andrea at niyakap kami.

"I will miss you guys, I appreciate this.....pumunta kayo dito" sabi ni Andrea habang yakap kami.

"Mamimiss ka din namin bakla" ani Clay.

"Me too, mawawalan kami ng lasengera" biro naman ni Rap.

Ang madrama naming usapan ay napalitan ng hagikhikan dahil kay Rap.

Tumingin si Andrea sa akin. "Don't be a cry baby Claish. We will meet again, okay? At pagdumating ang time na 'yon. I'm sure successful na tayong lahat"

"Mamimiss kita Andrea, mag iingat ka doon"

"I will Claish"

Tumingin si Andrea kay Luke.

"Kapag nalaman ko na sinaktan mo na naman si Claish, trust me Luke magiging totoo ang sinend kong message sa 'yo. I'll break your bones"

"Goodbye, for now......guys" aniya at yumakap ulit sa amin.

Kumaway ito sa amin bago siya tumalikod sa amin. Hindi ko ineexpect ito although maghihiwalay din naman kami pero hindi ko akalain na ito na yung oras na mahihiwalay sa amin ang isa naming kaibigan. Sobrang lungkot dahil nasanay na ako na kami ang palaging magkasama sa condo pero ngayon......ako na lamang mag isa.

Tumulo na ang kanina ko pang pinipigilan na luha nang makapasok na siya sa plane. Si Tito Alexander lamang ang nakita kong kasama ni Andrea, mukang ayaw din sumama ni Tita Sharlane. Pumasok din ito sa plane siguro ay sasamahan doon si Andrea.

Hindi na alis ang tingin ko sa eroplano na sinasakyan nila hanggang sa matabunan na ito ng mga ulap. Naramdaman ko naman ang kamay ni Luke na humawak sa kamay ko.

DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon