Maaga akong nagising dahil sanay na naman ang katawan kong gumising ng maaga. Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng ulam; Adobo, at Afritada ang niluluto ko para mamayang tanghalian namin. Text niya kagabi ay siya na daw ang bahala sa chips at softdrinks kaya sa ulam at kanin na lamang ako 'wag na din daw akong gumawa ng madami dahil may laman naman ang kanyang fridge sa resthouse. Alas singko pa lang ng umaga kaya tulog pa si Andrea. Pasado alasais na ako natapos sa lahat. Inilagay ko na rin ang mga ulam sa tupperware at inilagay sa isang reusable grocery bag para medyo malaki. Nang matapos ay pumunta naman ako sa aking silid upang maligo. Maaga ang sabi ni 3M's na pupunta siya dito kaya inagahan ko rin ang gising, pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako, s'ya ding paglabas ni Andrea sa kanyang silid.
"Good morning!"
"Morning Andrea"
"Enjoy your first date. Wag agad magpapadala sa tukso Claish" aniya sa akin.
"I know Andrea" tumango naman ito.
"Isang araw lang kayo doon?"
"Oo. Lunes na bukas at may pasok na tayo kaya hindi pwede"
Napansin ko naman ang suot nito "Magjo-joging ka mag isa?"
"Hindi, sasamahan ako ngayon ni Jaz"
"Mabuti kung ganon. Ingat kayo"
"Mag iingat din kayo. Enjoy your day Claish. Una na ako. Bye!"
"Sige"
Nag almusal muna ako para hindi kaagad ako gutumin sa byahe. Umiinom ako ng kape na biglang may narinig akong nag doorbell kaya binuksan ko ito hindi ko na ito tiningnan pa sa peephole dahil alam ko naman kung sino ito.
"Good morning"
"Morning"
"Nakapagbreakfast kana ba?"
"Yes. Ito na ba lahat ang dadalhin mo?" tingin niya sa binalot ko.
"Oo"
"Smells good. What is it?"
"Adobo, at Afritada"
"Mukang mawawalan na ata ako nito ng abs kapag naging tayo na" aniya.
"Wait, ubusin ko lang ito at para makaalis na tayo"
"I can wait, take your time"
Nang matapos ako ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at kinuha na niya ang mga gamit na dadalhin ko. Nasa sasakyan na niya ako at naamoy ko kaagad ang air freshener niya sa kotse.
Mukang bago.
"Binago mo ba iyong air freshener mo?"
"Yes. Bakit mas gusto mo ba iyong una?" tanong niya habang ikinakabit ang kanyang seatbealt.
"Ahm oo mas gusto ko yung amoy ng nauna"
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang makaramdam ako ng antok pero medyo hindi ako komportable dahil nakakangalay sa leeg, napansin naman niya ito.
"May neck pillow d'yan sa likod kunin mo para mas maging komportable ka" agad ko namang sinunod ang sinabi niya at kinuha ang neck pillow sa likod at inilagay sa leeg bago ipinikit na ang mata.
Naramdaman ko ang isang kamay sa pisngi ko kaya napamulat ako. Nakita ko naman si 3M's na nakatingin sa akin.
"Ahm. Nasaan na tayo?"
"Malapit na tayo pero kakain muna tayo ng pagkain na dala mo. Mukang gutom kana rin" tumango ako sa sinabi niya dahil ramdam ko din naman na kumukulo na ang tiyan ko.
Lumabas si 3M's at pinagbuksan ako ng pintuan pagkatapos ay kinuha niya ang niluto ko at pumunta kami sa mga upuan na may payong at doon inilapag ni 3M's ang pagkain namin. May mga kumakain din dito karamihan ay isang pamilya.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOU
RomanceYou can't escape to me baby. Trust me you can't.