DALI dali akong naglakad papuntang elevator patungo sa 18th floor kung nasaan ang office ni Sir Augustine. Medyo sanay na din akong tawagin sya sa ganon, sinasanay ko ang sarili ko na tawagin siyang Sir kapag nasa oras ng trabaho. Tinupad ni Luke ang ang gusto ko inihatid niya ako ngayon pero hanggang sa parking na lang dahil iyon ang gusto ko, mamaya naman ay magkikita kami nito. Pagkatapos ng OJT niya. Pipindutin ko na sana ang numero ng pupuntahan kong palapag nang hinawi ito ng isang babae. Tiningnan ko naman sya, ito iyong babae kahapon na tinanong ako kung ano ang relasyon ko kay Luke. Gumilid muna ako dahil ilalagay niya ang numero kung saan syang palapag pupunta, ng nailagay na niya ay ako naman.
Tumingin ito sa akin kapagkuwan ay tumingin din sa harap.
"You say, kakilala mo lang si Luke" basag niya sa katahimikan.
Luke? Bakit walang Sir?
Hindi ako umimik.
She chuckled.
"Tandaan mo lahat ng naging girlfriend niya naikama na na niya," aniya at tumingin sa akin "for sure ikaw din"
Hindi ko ito inimikan pumunta ito sa harap ko mas matangkad ako dito kahit naka heels na siya. Tiningnan ko lamang ito.
Ngumisi ito.
"Lahat ng naging girlfriend niya hinihiwalayan niya. Kung hindi linggo, isang buwan. Ikaw? Nakalagpas na ba kayo ng isang linggo?" sabi pa niya tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa. "I think for one month ka. Sa nakikita ko inosente ka pa that's why hindi pa sya magsasawa sayo" dagdag pa niya.
Ano bang problema ng babaeng ito? Ingit ba sya?
"Alam mo? Kung ganan ang opinion mo nirerespeto ko iyon. Alam ko din na ganon sya pero may tiwala ako sa kanya" sabi ko tumawa naman ito.
"Hindi lahat, hindi lahat Claish." mahina itong tumawa bago nag seryoso ng tingin. "Even me, we end in bed." sabi niya tumingin naman ako sa kanya na nakangisi sa akin sakto namang pag tunog ng elevator. Tumingin muna ito sa akin "By the way hindi pa pala kita nababati. Good morning Ms. Claish" sabi niya at lumabas na.
Tulala akong tumingin sa papasarang pintuan ng elevator.
T-totoo ba yon? Dapat ba akong maniwala sa kanya?
Naputol lang ang pagkatulala ko ng tumunog na ang elevator takda na nasa tamang palapag na ako. Lumabas na ako sa elevator walang masyadong tao dito dahil ay para lamang talaga ito sa CEO.
Naglakad na ako papuntang table ni Ma'am Liana nakita ko itong busy na nakatutok ang mga mata sa screen ng computer. Hindi ako nito napansin na dumaan sa harap niya. Umupo ako malapit sa kanya at ipinatong ang bag sa lamesa na mahaba.
Busy pa rin ito.
Nabigla naman ako at napatayo agad nang biglang bumukas ang pinto ng office ni Sir Augustine at bahagya naman akong yumuko.
"Good afternoon Sir Augustine" sabi ko at tumingin sa kanya na nakangiti.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkagulat ni Ma'am Liana.
"Kanina ka pa ba Claish?" tanong niya.
Tumingin naman ako "Kakadating ko lang din po Ma'am masyado po kayong abala sa inyong computer kaya hindi niyo po ako napansin, nakakahiya naman pong abalahin kayo" sabi ko kay Ma'am Liana.
Tumingin ulit ako sa unahan, nakangiting Sir Augustine ang nakita ko. Wala talagang bakas na pagka Luke ang mukha nito. Lahat kay Tita Lara. Kamukang kamuka nito si Luke ganon din ang kapatid niya.
"Good Afternoon din sayo, hija. Nakapag tanghalian ka na ba?"
"Yes po Sir kasabay ko po si Luke" mahina kong sabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagin na mismong Luke lang sa unahan ng kanyang ama ganong Sir ang tawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOU
RomanceYou can't escape to me baby. Trust me you can't.