Happy Reading💚
TULALA akong tiningnan siya, ang layo na ng itsura nito ngayon medyo mahaba na ang buhok nito at may bigote na rin. Mukang napabayaan na nito ang kanyang sarili.
"Listen, Claish don't trust him too much you'll regret it in the end"
Habang palapit ito ng palapit sa akin ay umaatras naman ako.
"Claish!"
Parehas kaming napatingin sa kanan ng tinawag ni Luke ang pangalan ko. Tumingin sa akin si Clark bago inayos ang suot nitong black na cap at tumalikod na. Hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"Claish. Talk to me," aniya.
Nakatingin ito sa akin pero ako ay sa pinagpuntahan ni Clark. Tumingin din si Luke sa tinitingnan ko.
"What is it baby? May lumapit ba sayo?"
Agad niyang hinawakan ang mga braso ko at tiningnan ito.
"No scars-"
"Nakita ko si Clark."
Napatigil ito sa sinabi ko at tumingin sa akin.
"Anong sinabi niya?"
Tumingin ako sa kanya, kita sa mukha nito ang takot.
"Meron s'yang gustong sabihin pero pinipigilan niya.
Wag daw akong magtiwala basta baka daw pagsisihan ko sa huli. Hindi ko maitindihan ang ibig niyang iparating"Hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya.
"Don't mind him baby. Wag kang lumapit sa kanya, too dangerous to you. Sorry" sabi niya at niyakap ako. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa ulo ko.
"I'm sorry. I can't control my jelous"
"Palagi na lang Luke. Palagi na lang"
"I'll try to control my jealous baby but please sabihin mo sa akin lahat katulad ng nangyari kanina"
"Naiintindihan ko," niyakap ko din ito sa beywang. "Sorry may kasalanan din ako"
"It's okay baby ayoko lang na mag away tayo"
"Bitiwan mo ako Jaz. Let me go!"
Napabitaw ako kay Luke dahil narinig ko ang boses ni Andrea naiinis itong pilit tinatanggal ang coat na nakalagay sa kanyang balikat.
"I said let me go-"
"To entertain that boy?!" galit na sabi ni Jaz.
Tumigil ito sa paglalakad at padabog na tinanggal ni Andrea ang kamay ni Jaz sa kanyang braso.
"Doon ka sa Arya mo!" sigaw nito bago naglakad papunta sa akin na pagewang gewang na halatang marami itong nainom na drinks kanina.
"Let's go Claish!. Uuwi na tayo" sabi ni Andrea at hinawakan ako sa braso.
Hinawakan din ako ni Luke sa isa ko pang braso. Tiningnan niya si Luke ng masama.
"Let her go!" kalamado nitong ani. "Pareparehas kayo. Mga malalandi!"
Nagulat ako ng sigawan niya si Luke. Totoong galit na si Andrea at kita sa mukha nito ang galit dahil namumula na ng mukha nito at ganon din ang mata niya na mukang iiyak na.
"You think kayo lang?. Huh! Kami rin. Kaya namin. Let's go Claish!"
"No. We're okay, wag mong idamay si Claish"
"I don't believe you, Claish let's-"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nakuha na siya ni Jaz.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOU
RomanceYou can't escape to me baby. Trust me you can't.