CHAPTER THIRTY NINE

255 25 0
                                    

MAAGA pa lang ay naghahanda na ako sa pag alis ko para hindi ako mahuli. Mga ganito kasing araw ay balik na ulit ang karamihan sa trabaho kaya siksikan ang mangyayari.Tinawagan ko na din si Louis kung maihahatid niya ako ngayon sa may pier at mabilis itong sumagot ng Oo.

"Mag iingat ka anak. Iyong balabal mo ilagay mo na sa leeg mo para hindi ka masyadong lamigin" si Mama.

Kinuha ni Mama ang balabal na gawa niya na nakatali sa dala kong shoulder bag at inilagay ito sa leeg ko.

"Salamat Ma mag iingat din po kayo dito, yung gamot niyo po wag kalilimutan" sabi ko Mama bago humarap kay Tiya.

"Tiya tatawagan ko po kayo, ha? Magtetext po muna ako para alam niyo na tatawag ako paalala na lang po kay Mama yung gamot niya"

"Sige Claish mag ingat ka doon tumawag o kaya mag text ka kapag nakadating kana sa Maynila, babalik ka ulit dito sa bakasyon niyo di'ba?"

Tumango tango ako.

"Opo Tiya babalik po ako dito at kasama ko na po si Luke"

"S'ya sige na baka madami na ang tao, humulong kana para maaga kang makapunta sa Maynila. Teka, susunduin ka ba doon ni Luke?"

"Opo Ma tatawagan ko na lamang s'ya kapag malapit na ako"

"Tita Claridad, Tita Galdyz. Good morning po"

"Magandang umaga din sayo Louis" si Mama.

"Magandang umaga hijo, mag iingat sa pagmamaneho, ingat kayo"

Lumabas na ako sa gate at kinuha naman ni Louis ang bag na dala ko at ipinasok na sa loob ng kotse.

"Una na po kami Ma" sabi ko at lumapit kay Mama para yumakap naramdaman ko naman ang paghalik nito sa pisngi ko.

"Mag iingat ka din doon"

"Tiya," ani ko at niyakap din siya bago ako naglakad papasok sa loob ng kotse at kumaway sa kanila.

Kinuha ko ang aking cell phone para ipaalam kay Luke na papunta na ako sa pier.

"So sasusunod kasama mo na siya?"

"Oo, bakit?"

"Tsk tatagal kaya siya sa ganitong lugar?"

"Ipapaliwanag ko naman sa kanya at hindi naman 'yon maarte"

"Hindi nga pero baka hindi sanay iyon sa electricfan at puros aircon lang"

"Tingnan natin kung ayos lang sa kanya"

"March ka babalik dito di'ba?"

"Oo"

"Mainit pa naman na sa ganong buwan baka magka-rashes iyon"

Hinarap ko siya habang nagd-drive.

"Insulto na ba iyan?"

"Hindi Margarita sinasabi ko lang kasi di'ba sanay 'yan sa malinis at hindi mainit na lugar? Ito naman kung makapagtanggol sa kasintahan akala mo wala kaming pinagsamahan"

"May pinagsamahan nga tayo pero mas marami ang pang aasar"

Buti na lamang at tumigil na ito sa pagsasalita kung hindi baka hanggang sa pier ay hindi pa rin kami tapos sa pagtatalo.

Tinanggal ko ang seatbelt sa katawan ko at lumabas na, siya naman lumabas na rin at kinuha ang bag kong dala.

"Salamat, ingat ka pabalik. Salamat sa paghatid"

"Wala na akong maaasar pero hayaan mo tatawagan o kaya ite-text kita kapag gusto kong may kaasaran"

Hinampas ko ito ng dala kong shoulder bag.

DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon