CHAPTER SIX

546 38 0
                                    

GUMISING ako nang umaga dahil pupunta dito si 3M's, kaya dumiresto na ako sa CR at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumuntang kusina para magluto ng agahan namin. Kumuha ako ng tinapay at inilagay ito sa oven toaster pagkatapos ay kumuha ako ng bacon, ham and hotdog sa fridge. Nagsaing na din ako sa rice cooker dahil hindi ako sanay na tinapay lang ang kinakain unlike Andrea, gusto niya lang bread, ham and egg or cereal ang kinakain niya, madalas veggies dahil masyado itong concious sa katawan. Nagpiprito ako ng ham nang may pumasok na sa kusina.

Si Rap.

Tiningnan ko ito nakaligo na sya at nakasuot na rin ng uniporme at umupo na.

"Morning" he said.

"Good Morning. Hindi pa ba gising si Clay?"

"Gising na. Naliligo lang"

Pagkasabi non ni Rap ay pagpasok naman ni Andrea, naka uniform na rin ito tulad namin. Pumunta agad ito sa fridge para kunin ang gatas nya.

"Good Morning guys" Andrea said.

"Morning"

"Good Morning"

"Mukang maganda ata ang umaga mo Claish. May nangayari ba kagabi?" ani Andrea at sabay ngisi sa akin.

Oo nga pala! Sya ang nagbigay ng number ko kay Luke!

"Bakit mo ginawa yon?" tanong ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita at halata sa mukha niya na hindi niya maintindihan.

"Claish, hindi ko alam ang sinasabi mo. Ano ba iyon?"

"Nagmamaangmaangan kapa. Bakit binigay mo number ko don?" sabi ko sa kanya.

Habang si Rap na nakaupo sa stool at nakapalumbaba habang tumitingin sa aming dalawa. Kita din sa mukha niya na wala siyang maintindihan sa pinag uusapan namin.

"Ah about sa number mo. Yes, ako ang nagbigay sa kanya kinukilit ako nang kinukulit non para mabigay ko lang ang number mo, hindi ko naman yon basta basta na lang ibibigay sa kanya, tinanong ko din kung bakit, and of course may kapalit din yon" sabi niya at umupo na rin sa tabi ni Rap.

"I'm sorry Claish but, nagpromise naman siya na wala syang gagawing masama sayo" sabi pa niya.

"What is it Andrea?" pagtatanong ni Rap nang tumabi na sa kanya si Andrea.

"Binigay ko ang number niya kay Luke"

"What?. Seriously Andrea you know naman kung gaano kakati iyang pinsan mo"

"Hindi naman mapupunta sa ganon agad, diba? Ang advance mo naman" ani Andrea tinampal ang braso ni Rap.

"Yes Andrea advance talaga ako mag isip, kung nasaksihan mo lang din kasi yung nangyari kahapon siguro hindi mo ipapalapit iyang si Claish sa makati mong pinsan" ani Rap.

Madami pa silang pinag usapan hanggang sa pumasok na rin si Clay.

"Good Morning everyone!" bati niya.

"Hoy bakla! Bakit ang tagal mo sa CR? May ginawa ka pa ata" ani Rap.

"Gaga matagal talaga akong maligo" depensang sagot naman ni Clay.

Naghanda na ako ng mga pinggan na gagamitin at inihain na din ang pagkain sa lamesa. Kumakain na kami nang mag vibrate naman ang cell phone ko kaya tininganan ko ito.

Unknown.

I'm here, outside the condo.

Bigla akong nasamid kaya naman napatingin silang tatlo sa akin.

DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon