Nakababa na ako ng barko at panay ang tingin ko sa kaliwa at kanan para makita kung na saan si Andrea.
"Claish, dito!"
Tuminigin ako sa kaliwa ko at nakita ko silang tatlo na nakatayo at nakangiti. Pumunta ako sa kanila.
"Claish na miss kita, baks!" si Rap si Clay naman ay isinabit ang kanyang braso sa braso ko.
"Mukang isang taon akong hindi umuwi dito kung makareact kayo. Tayo na uwi na tayo papasok ako ngayon, maaga pa" sabi ko at tumingin sa relong pambisig.
5:30 am.
"What?! No Claish just rest, mahaba haba ang binayahe mo, alam ko hindi ka masyadong nakatulog kaya sa condo ka na lang muna" si Andrea at lumapit sa akin.
"Okay lang ako Andrea para mabilis agad akong makahabol, tatlong linggo na lang Midterm na natin"
"Okay. Alam ko namang hindi ako mananalo" si Andrea.
"Kahit na Claish papahiramin na lang kita ng notes"
"Patawa ka bakla, eh hindi ka naman nagte-take down notes eversince" sabi ni Rap at tumatawa pa.
"Eh ikaw?" sabi ni Clay kay Rap.
"Sometimes"
"Sometimes muka mo!" si Clay.
"Hay kayo talagang dalawa. Tayo na nga umalis na tayo" sabi ko.
"Ang hirap kaya kapag wala ka" si Clay. Bumaling ako sa kanya.
"Dahil walang matinong pagkain" dugtong ko sa sinabi niya.
"Ito naman pero gano'n na nga!" sabi ni Clay
Bumaling ako sa kanila "Tara magluluto ako"
"Hindi na Claish, magpahinga ka kahit ilang oras" si Andrea na halatang naiirita na.
"Sige. Wag ka ng magalit" sabi ko kay Andrea at hinawakan ang pisngi nito.
"Paano ako hindi magagalit? Ang kulit mo" sabi ko at tumawa naman ng mahina ang nasa likod nito.
"Akala mo s'ya hindi," rinig kong bulong ni Jaz. Natawa naman ako. "Aray!" daing ni Jaz bago ako tumingin kay Andrea na masama na ang tingin kay Jaz.
Ngumiti ako.
"Alis na tayo" sabi ko.
Lumabas na kami, si Rap at Clay ay kasabay ko sa paglalakad parehas ko silang nasa gilid at nakikipag usap sa akin habang ang dalawa ay nasa likod.
"Maraming daddy doon? Dapat pala sumama ako. What about sa vacation na lang natin? Sasama ako" si Rap.
Umirap ako "Ikaw talaga hindi ka na nagbago" tinapik ko ang braso nito.
Dumaan muna kami sa isang restaurant at nag take out na lang ang dalawa. Habang kaming tatlo ay nandito sa loob ng sasakyan.
"Alam na ba ni Luke na nandito kana?" sabi ni Rap sa akin.
"Hindi pa. Hindi din s'ya nagte-text sa akin hindi na rin s'ya nag V-VC"
"VC? As in video call?!" sabi ni Clay na mukang gulat sa sinabi ko.
"Oo"
"Woah! Sana all may ka Video Call" si Clay.
"So anong pinag uusapan niyo? Wag mong sabihin kamustahan lang. Gano'ng lalaki ay mga wild Claish"
"Wild?" tumawa ako. "Hindi gano'n 'yon"
"Not sure Claish, ang mga klase ng tao gaya ni Luke ay magagaling sa bakbakan. I mean kapag ginawa sa 'yo 'yon round one palang tulog ka na" sabi ni Clay.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOU
RomanceYou can't escape to me baby. Trust me you can't.