CHAPTER ELEVEN

386 30 0
                                    

"Thank you Mr. Caso for your report. Be ready next reporter. That's all, class dismiss!" sabi ni Miss Nessandra at lumabas na.

Ito na ang huli naming klase ngayon. Siguro gagawin ko na ang report ko kahit medyo malayo pa ang date kung kailan ako naka assign sa pagrereport para hindi na rin ako matambakan ng mga paper works next time.

"Yes! Nakahinga na rin sa wakas. Nakalagpas na naman sa isang pamatay na problema. Kaloka mukang nalusaw ang bb cream ko doon sa sobrang tense" sabi ni Clay pagkatapos niyang magreport sa unahan. Agad naman nitong kinuha ang salamin sa kanyang bag at tiningnan ang kanyang mukha.

"What's your plan today guys?" pagtatanong ni Rap na naglalagay naman ng lipstick sa kanyang labi.

"Bar hopping ako mamaya" si Clay.

"I have dinner date with Jaz" simpleng tugon naman ni Andrea.

"How about you Claish?"

"Ako, gagawa ako ng report ko"

"'Di ba malayo ka pa?"

"Oo pero gagawin ko na s'ya para hindi ako matambakan ng gawain"

"Wooah! Kaya palaging best student. Ate, how to be you po?" sabi ni Rap sabay tawa nakitawa na din si Clay bahagya namang napangisi si Andrea at tumingin sa akin.

Lumapit ito sa akin. "Anong ginawa niyo kagabi at nakatulog ka kaagad?"

"Huh? Ah iyon? K-kasi nagkwento siya about sa sarili niya at sa dami niyang ikinuwento n-nakatulog tuloy ako" ani ko sa kanya mukang sumang ayon naman ito sa sinabi ko dahil tumango ito.

"So kaya pala paglabas namin ng movie room buhat-buhat kana niya at papasok na sa room mo?" aniya na mukang wala talagang kaalam alam sa nangyari kagabi.

"Pa'no guys una na ako? Bye! See you tomorrow" ani Clay at bumeso sa amin.

"Ingat bakla"

"Enjoy sa pag ba-bar hopping mamaya, bakla hunting kana rin ng papa para sakin!"

"Bye Clay!"

"Bye!"

"Rap ang landi mo!" ani Clay at na una ng umalis sa classroom. May iilan pa kaming kaklase na nandito.

Inaayos ko na lang ang aking gamit para makaalis na din.

Lumapit naman sa akin si Andree na medyo nerd din dahil sa brace at salamin na suot niya pero isa din ito sa mga nakakalaban ko pag may quiz bee.

"Ano iyon Andree?"

"Ahm, hihiram sana ako ng notes mo kanina sa Business Management hindi ko kasi nasulat yung ibang key words" aniya na mukang nahihiya pa.

"Sure!" ani ko at kinuha sa bag ang notes ko sa Business Management.

"Ito,"

"T-thanks Claish. Ibabalik ko din ito sayo bukas"

Tumango naman ako. "Walang problema"

"Claish, ako nalang sagutin mo 'wag 'yang nerd na iyan!" sigaw naman ng isa kong kaklase, nag tawanan naman ang iba ko pang mga kaklase. Mukang hiyang-hiya na si Andree at namumula na rin ito at hindi makatingin sa akin.

"Itigil mo iyan Brent. Humihiram lang siya ng notes sa akin" sabi ko at tumingin ulit kay Andree. "Pasensya na Andree huwag mo na lang pansin yung mga 'yon wala lang mga magawa kaya ganyan"

"Okay lang. Sanay na naman ako. Sige, mauna na ako" aniya at tumango naman ako.

Lumapit naman si Rap sa akin "Hoy Claish hindi mo pa rin ba alam? May gusto iyon sa 'yo"

DOCTOR SERIES 1: ESCAPE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon